Wednesday, June 19, 2013

Dedication to single Mom's



Ang pagiging single-Mom ay may tatlong kadahilanan: 


  1. Ang pagiging solo dahil sa kalikasan, yung mga b’yuda na talaga.
  2. Ang pagiging nag-iisa dahil sa bunga ng hindi pagkaka-unawaan o nagkahiwalay na mag-asawa.
  3. Ang pagiging biktima ng pagsasamantala, yung mga dalaga na naging ina.

Hindi tayo dapat na magsisihan pa, sapagka’t ang nakaraan ay panaginip na lamang at ang hinaharap ay pangarap pa lamang. Sa puntong ito ang dapat nating isipin ay ang kasalukuyan, Nandito na tayo nangyari na ang lahat at dapat na linangin natin ang kasalukuyang nagaganap.


Sa sitwasyon na ito kayong mga Single-Mom ang dapat na kumilos, dahil wala tayong aasahan sa mga namamahala sa kasalukuyan. Ang ibig kong sabihin, magtulungan na tayo, Ngayon dahil kung hindi, kailan pa? Paano ang gagawin?


Sa bawa’t lugar maaari kayong mag-form ng isang lupon, Yung 15 pataas ay pwede na at ma-ituturing na itong isang grupo, Kapag buo na ang bawa’t grupo, maaari na kayong magkipag-ally, Kung ma-ayos na ang ating alyansa, isang malaking pwersa na ito na maaaring umugit para makipaglaban at maka-panindigan para sa inyong mga karapatan, hinaing at tunay na pangangailangan.


Sana matugunan ninyo ang saloobing ito, upang maibigay ko sa inyo ang kongkretong plataporma.

Marami tayong pwedeng gawin at ating gagawin, welfare sa mga Single-Mom na OFW, trabaho para sa mga Single-Mom na hindi pinalad na maka-pag-abroad o kaya naman ay sa mga hindi matanggap sa mga pagawaan o tindahan man para maka-panilbihan bunga ng mapanuyang mga mata ng lipunan.


Hindi pa huli ang lahat… Mag-sama sama po kayo, magka-isa, ipakita ninyo na bagaman at ganyan ang sinapit ninyong kapalaran, kayo ay bahagi ng lipunan at na hindi naman ninyo ginusto ang lahat ng kaganapan. Dumating sa inyo ang kapalaran, harapin natin, panindigan, pagtulong-tulungan natin upang sama-sama tayo na mamuhay ng matiwasay at walang pinangingimian.. Tiyak na trabaho, tiyak na pagkalinga, tiyak kinabukasan ng mga anak, Iyan ang ating sama-samang itataguyod...



Tandaan ninyo: Sa mata ng “ISA NA MAKATARUNGAN” tayo ay pantay-pantay. - BJF