“Nasa pagkaka-isa ang tagumpay ng masa!”
Roma – Agosto 29, 2013 - Labis ang pasasalamat ng The Patriotic Coalition sa pangunguna Task Force-OFW sa ginawang signature campaign noong nakaraang Linggo August 25, 2013, sa Santa Pudenziana Via Urbana (RM), bilang pakikiisa sa global campaign against Pork Barrel.
“Ang matagumpay na pangyayari sa araw na ito bilang isang yugto ng ating pagkaka-isa sa pagpapahayag ng hinaing ay isang hudyat ng makabuluhang sistema na unti-unting magpapabago sa ating lipunan. Tayo ang simula sa pamamagitan ng pagsasama-sama na uugit sa makatarungang pamayanan bilang mga nagkakasundong mga Pilipino”, bilang pasasalamat ng mga grupong Maharlika Alternative Society, Migrante International, Bayan Rome Chapter, TaskForce – OFW, FederFil Italy at Umangat.
Dagdag pa sa komunikasyon sa social network ng mga nasabing grupo, ang ginawang pagsuporta ng mga Pilipino sa Roma ay isang panawagang i-abolish ang sistemang walang malasakit sa kumunidad at sa bansa ng Pork Barrel at kaalinsabay nito ay ang panawagan ng patuloy na pagkaka-isa ng mga Pilipino maging sa ibayong dagat para sa ikabubuti ng bansa.Tunay na: “Nasa pagkaka-isa ang tagumpay ng masa!” – pagtatapos ng mga organizers.
Umabot sa halos 500 Pinoy ang lumagda sa 3 oras na signature campaign sa Urbana.
Mangyaring makipag-uganyan sa pamamagitan ng mga nabanggit na grupo sa pagpapatuloy ng nasabing inisyatiba.