Saturday, December 20, 2014

Official Statement: OWWA / DOLE / MIGRATION

Ang pandaigdigang migrasyon ay isang panlipunang katotohanan, at ang mga kadahilanan nito ay dulot ng mga digmaan, kakapusan sa hanap-buhay, mga epidemya at ang mga iba ay sapagka't nakararanas ng kawalang katarungan bunga ng sistemang pulitikal, At ini-isip natin na baka-sakaling sa pandarayuhan tayo ay makararanas ng kahit kaunting ginhawa at pagka-panatag.

Subalit sa ating panahon ay tila nagiging balintuna ang mga kaganapan dahil ang mga banyaga partikular sa Gitnang Silangan ay masasabing mga marahas kundi man mapang-api sa pagpapatupad ng kanilang kinasanayan na diskriminahin ang mga taong tumutuntong sa kanillang bansa.

Ganoon pa man ang International Labour Organization (ILO) ay lumikha ng mga pamantayan para sa proteksyon ng mga manggagawa, At pinagtibay din ng United Nations noong 1990 ang pandaigdigang kasunduan para sa proteksyon at mga karapatan ng lahat ng mga migranteng manggagawa at mga ka-pamilya nito, Sa kasunduang ito ng nagkaka-isang mga bansa ay kabilang ang pilipinas sa mga lumagda.

Sa mga panahon ng ating pandarayunan ay maraming mga tunay na pangyayari ng pagkapariwara ng ating mga kababayan, ang iba ay ini-uuwing bangkay o kundi man ay mga nabaliw bunga ng karahasan gaya ng nabanggit na at pang-aabuso hindi lamang ng kanilang mga Employer kundi may mangilan-ngilan na ang mismong mga kawani sa ating mga pasuguan ang siyang mga kasangkot.

Nakalulungkot isipin na kahimat sinisikap ng pamahalaan na isa-ayos ang ating mga kalagayan ay marami naman ang mga pulitiko, kawani at mga opisyal ng ating gobyerno partikular sa mga embahada ang tila nagsasawalang kibo sa mga kaganapan, gaya halimbawa ng pangyayari sa buhay nina Flor Contemplacion, Sara, Balabagan, ang Tinulungan ng Muslim na Hari ng Saudi Arabia na si Celestino Lanuza at marami pang iba na binitay kahit na alam natin na ang kadahilanan ay pagtatanggol o ang iba ay mga bintang na usapin lamang na kung susuriin ay marapat sa mga patawad(clemency).
Subalit dahil sa kakulangan o maaaring kapabayaaan ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang mga bagay na ito ay naganap at naging sanhi ng sama ng loob ng milyon-milyong mamamayang Pilipino.

Kung sabagay ka-agad na isinabatas ang "RA 8042" Migrants Workers and Overseas Filipinos Act noong 1995, At malinaw ang mga probisyon ng batas, Sinasabing pananagutan ng Gobyerno sa kanyang mamamayan na nasa labas ng bansa kabilang ang mga walang dokumento. Hindi doon natapos sapagka't natuklasan na may kakulangan sa nasabing panuntunan kung kaya pina-iral ang "RA 10022" para sa ilang pagbabago. Kaugnay nito alam natin na may naipasă ng Bill sa Senado si Senator Manny Villar, ang"SB 2237" na humihimok sa Pamahalaan na i-covered sa assistance ang lahat ng Overseas Filipino Worldwide sila man documented and/or undocumented.

Tunay na naglalaan ng pondo ang Pamahalaan sa mga ilang "basic services" para sa mga Legal Assistance gaya ng LAF at ATN, subalit masasabing maliit na bahagi lamang ang budget na napupunta para sa mga programang pang-OFW sa kabila ng malaking ambag nito sa ekonomiya ng bansa, Ang nakapagtataka ay ang pagpapa-ako ng gobyerno sa mga nilikhang ahensya na kung susuriin ay galing mismo sa OFW ang pondo at ni katiting ay walang na-ibahagi na mula sa kaban ng bayan gaya ng OWWA. Kalimitan ay OWWA ang ginagawang solusyon upang makapagbigay ng "welfare", kahit na ito ay tungkulin ng gobyerno mismo.

Ang naka-hihindik ay ang tahasang paggamit ng pondo nito(OWWA) sa ibang mga bagay na hindi ka-ugnay ng migrasyon ni hindi pampublikong panganga-ilangan kundi pansariling pakinabang ng opisyal ng pamahalaan. Alam natin na ang pondong ito ay hindi pag-aari ng mga "indibidwal" na OFW, SUBALIT ito ay nagmula na naipon galing sa pawis ng mga OFW, Kaya hindi makatuwiran na ipagwalaang bahala ang tunay na kalagayan ng mga ito sa papapatumpik-tumpik ng pagbibigay ng tulong. Ilan ang mga sumusweldo na mga nasa gobyerno o mga itinalaga(appointed) lamang at hindi mga lihitimong OFW na naging kabahagi sa na-ipong lagak? Hindi baga mas nararapat na ang mga taong pinili mula sa hanay ng OFW ang siyang bigyan ng pagkkakataon na magpalakad sa mga proseso at programang nakalaan para dito?

Sa   hanay ng  nga migranteng Pilipino ay mayroon namang mapipili na mga may kakayahan at karapat-dapat na humawak ng posisyon upang sa ganoon ay ma-ipatupad ng wasto ang talagang "welfare" para sa mga OFW. Upang sa ganoon ay mabigyan naman ng kahit kaunting pa-kunswelo ang mga taong naging kabahagi sa pondong pinagpapasasaan ng ilang hindi naman kasama sa paglikom nito, At maiwasan naa rin ang mga pagsasamantalla ng ilang mga tiwaling mula sa panig ng   pamahalaan.

Dahil dito, malugod naming ipinahahayag ang aming kahilingan na matapos mapag-aralan ay mabigyan ng katuparan para sa mga Pilipinong nandarayuhan na ang binyag pa nga ng Pamahalaan ay mga Bagong Bayani.

  1. Ang DFA at DOLE ang ahensyang inatasan ng gobyerno para sa proteksyon ng mga OFW alinsunod sa RA 8042 at RA 10022, Kung kaya nararapat na sila ay agarang lumikha ng mga komprehensibong programa para sa proteksyon at kagalingan ng mga OFW pati na ng mga ka-pamilya nito, Makatuwiran din na maglaan ng kaukulang pondo para kapakanan at biglang pangangailangan dulot ng mga hindi inaasahang trahedya.
  2.  Bigyan ng pagkakataong maging kasapi ang lahat ng OFW - Overseas Filipino Worldwide na nagnanais maging ka-anib ng OWWA upang makasama sa mga pinangangalagaan nito, ayon sa sentimyento ng pagiging Pilipino.
  3. Magbigay (ang OWWA) ng "transparent report" o pampublikong pahayag sa mga nagaganap na mga proyekto, at maging sa pananalapi upang maiwasan ang mga paggamit ng ilang tiwaling opisyal para sa kaniyang pansariling kapakinabangan.
  4. Magkaroon ng karagdagang representasyon (sa OWWA). Ang Board of Trustee ay marapat lamang na pangasiwaan ng mga OFW na ihahalal ng mga OFW sa bawat malalaking rehiyon o maraming bilang ng Pilipino gaya ng Italia, Canada, Hongkong, East Europe, Middle East at iba pa gayon din sa hanay ng mga marinayo(sea base). Ganoon pa man maaring panatilihing Administrator ang kinatawang itatalaga ng DOLE dahil sa kaniyang karanasan at katungkulang-atas. Kung magiging ganoon, maba-balanse ang pamamahala at tiyak na mapaglilingkuran ng mas tumpak ang mga tinatawag na Bagong Bayani.

Ito ang Opisyal na Pahayag ng TaskForce - OFW Hinggil sa usapin ng OWWA At Mandato ng Gobyerno na Pangalagaan Ang Kaniyang Mamamayan aa Loob at Labas ng Bansa!



Pinagtibay,

TaskForce - OFW International
Via Bernardino Bernardini, 22
00156 Roma Italia


Tuesday, November 25, 2014

Best Fair Play Award, nakuha ng mga kabataang Pinoy sa Mondialito 2014

Roma, Nobyembre 25, 2014 - Ginanap ang awarding ceremony ng “Mondialito 2014 Coppa Roma Città Aperta” nitong Nobyembre sa Embahada ng Pilipinas sa Roma. Ito ay isang paligsahan ng tanyag na ‘calcio a 5’. Kilala rin bilang 'Ambassador’s Cup, ang Mundialito ay inorganisa ng ASD Senza Frontiere, kung saan naglaro ang mga kabataan buhat sa maraming bansa tulad ng Bulgaria, Bolivia, Romania, Kenya, Brasil, Afghanistan, France, Philippines at iba pa. Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng UNAR, Parlamento Europeo, Ministero del Lavoro & Politiche Sociale at CONI. Nakiisa rin ang iba’t ibang Embahada sa Roma.


Sa nasabing pagtitipon ay naging panauhing pandangal si Marco del Brocco ng ASD Senza Frontiere, labor attachè na si Atty. Viveca C. Catalig at ang grupo ng TaskForce-OFW kung saan pinarangalan ang mga manlalarong kabataang Pilipino. Nakuha ng Team Filipinas ang 4th place at ang special award na Best Fair Play sa Mondialito 2014.



Bagaman nagbuhat sa iba’t ibang grupo, binuo ang Team Filipinas ng mga kabataang Pilipino upang lumahok at minsan pa’y ipakita ang pakikiisa at ang pagiging aktibo sa larangan ng sports. Salamat sa suporta ng labor attachè na si Atty. Viveca C. Catalig at ng TaskForce - OFW International.

Binigyang-diin ng mga panauhin sa araw ng awarding ceremony ang kahalagahan ng layunin ng nasabing torneo. Ito ay ang maitaguyod ang pagiging magkakaibigan ng mga kabataan anuman ang lahi at bansang pinagmulan bilang bahagi ng iisang komunidad, sa tulong ng sports. 

“Ang aming layunin sa pagsali sa timpalak na ito ay upang matulungang mailayo ang ating mga kabataan sa mga hindi inaasahang masasamang bisyo at impluwnensya ng masamang barkada”, ayon sa TF-OFW Int’l.

Lubos rin ang pasasalamat sa mga manlalarong kabataan, sa mga naniwala at sumuporta sa inisyatiba dahil napatunayan ng ating mga kabataan ang galing sa sports at ang may dangal na pakikisalamuha sa kapwa dayuhan dito sa Italya.

Ang TF - Team Filipinas ay binubuo nina:

Playing Coach - Mark Jonn Perez Landicho
Captain Ball - Andrea Torres Panaligan
Portiere - Glenn Manila Pegad

Players:

Gian Edrick Velarde Sabado
Eros Dylan Cepillo Tabion
Justin Gregorio Gragasin
Mark Kevin Boco
Kevin Camitan Cepillo
Mark Kevin Pugal
JohnMark Caraang De La Fuente
Assiah Saffier Timothy Mandak
Estephen Agpaoa Prudenciano
Jimmy Valete Jr.
Mark James Valete Navarette

Manager - Engr. Eufrosino Bernardo Estrella
Support - Ranelo Biogos Beso
Organizer - Bro. Junn Landicho F.M

Sunday, September 28, 2014

Maharlika Award of Excellence 2014

The Maharlika Alternative Society Award of Excellence is given for His / Her distinguished accomplishment of being a "Model Senior OFW / Citizen " due to their achievements and unselfish contribution to lead and protect the rights and welfare of the people  / community until their age of retirement. 

 CRITERIA: 

A. Must be a Filipino or with dual citizenship, Male and Female age of 65 years and above. 

B. Must be nominated by others and/or Organization. 

C. Must submit a chronological history of being active in small or big community / organization (ex. Religious, Civic, Government, Cooperative, Political etc.) in relation of adherence to the Filipino people and achievements and/or contribution for the development or any patriotic attitude regarding Filipino condition. 

D. Must submit a chronological history of being active in relation of adherence to the Filipino people and achievements and/or contribution for the development or any patriotic attitude regarding Filipino condition ( if he/she is not being been involve to any community/organization). 

E. Must submit at lest 10 photos of different time of activities. 

F. Must also submit a photo copy of  Philippine documents (ex. Passport, SSS-ID, Drivers License, Voters-ID etc.). 

G. Nomination will start on every 1st day of January and must be submitted before the 15th day of the month of April.

 Note: The indefinite titles Gat. (for men's category) and Lakambini (for women's category) are given to the chosen person to recognize his/her heroic achievements. 



For information please contact: 

"Maharlika Alternative Society" 
("TaskForce - OFW International") 
Email: taskforceofw@gmail.com 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 The Awardee in the first edition was held in Polo Didattico Piazza Oderico da Pordenone, 3 - 00145 Rome, Italy is Gat. Belarmino Dabalos Saguing, Founding President (P.O.S.A.B.) Patriotic Order of Supremo Andres Bonifacio - Rome Italy.



https://www.youtube.com/watch?v=UfLlqco4huI

Saturday, May 3, 2014

PAGLILINAW: PAGIBIG Membership and OEC / Exit-Pass

Mahal kong mga kababayan,


Kaninang  “circa alle ore 15:30” nakipag-meeting ang inyong lingkod kina PAGIBIG Representarive Laila Carandang Gutierez  e/o  Mr. Joey Morales,   FederFil-Pres.  Ariel  Lachica at isang kawani ng Philippine Embassy Rome bilang saksi na si Mr. Raul Gutierez.  

Nilinaw ng PAGIBIG Panel na : Ang PAGIBIG Membership  ay “mandatory” sa mga OFW na kukuha ng “OEC” a.k.a. Exit-Pass; 

Na, bagaman  at  “mandatory” ito naman ay libre / walang bayad (membership  registration is free).

Na, kapagka ang isang OFW na magre-rehistro ng walang bayad sa PAGIBIG sila ay bibigyan ng “account number” bilang katibayan na sila ay “member” na ng nasabing ahensya.

Na, ang isang may  “account number”  ng PAGIBIG ay may karapatan  o kwalipikado na upang mabigyan ng tinatawag natin na exit-pass.

Kung kaya simula sa lunes ika-5 ng Mayo, 2014 (gaya ng napagkasunduan) ang sinoman na kukuha ng kanilang mga personal na “PAGIBIG ACCOUNT NUMBER” ay bibigyan ngimprentadong(printed) katibayan  bilang isang lihitimong kasapi.

May karapatan na rin siya na mabigyan ng exit-pass kung  kumpleto na ang iba pang mga documentong kinakailangan bukod sa PAGIBIG.


Muli bilang paglilinaw: ANG PAGIBIG MEMBERSHIP AY MANDATORY SUBALIT  ITO AY LIBRE(walang bayad / gratis).




Laging sumasa-inyo,


____________________________________
Datuk (Sir) Felix Mendoza Landicho Jr. – KRSS
President,  TaskForce – OFW Int’l.
Coordinator for Asia, Comitato Roma Capitale Italia-Europa




Note:  Maaaring i-print ang lathalang ito upang sa ganoon ay maiwasan ang mga hindi  ina-asahang  hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng kawani ng embahada at OFW.