Mahal kong mga kababayan,
Kaninang “circa alle ore 15:30” nakipag-meeting ang inyong lingkod kina PAGIBIG Representarive Laila Carandang Gutierez e/o Mr. Joey Morales, FederFil-Pres. Ariel Lachica at isang kawani ng Philippine Embassy Rome bilang saksi na si Mr. Raul Gutierez.
Nilinaw ng PAGIBIG Panel na : Ang PAGIBIG Membership ay “mandatory” sa mga OFW na kukuha ng “OEC” a.k.a. Exit-Pass;
Na, bagaman at “mandatory” ito naman ay libre / walang bayad (membership registration is free).
Na, kapagka ang isang OFW na magre-rehistro ng walang bayad sa PAGIBIG sila ay bibigyan ng “account number” bilang katibayan na sila ay “member” na ng nasabing ahensya.
Na, ang isang may “account number” ng PAGIBIG ay may karapatan o kwalipikado na upang mabigyan ng tinatawag natin na exit-pass.
Kung kaya simula sa lunes ika-5 ng Mayo, 2014 (gaya ng napagkasunduan) ang sinoman na kukuha ng kanilang mga personal na “PAGIBIG ACCOUNT NUMBER” ay bibigyan ngimprentadong(printed) katibayan bilang isang lihitimong kasapi.
May karapatan na rin siya na mabigyan ng exit-pass kung kumpleto na ang iba pang mga documentong kinakailangan bukod sa PAGIBIG.
Muli bilang paglilinaw: ANG PAGIBIG MEMBERSHIP AY MANDATORY SUBALIT ITO AY LIBRE(walang bayad / gratis).
Laging sumasa-inyo,
____________________________________
Datuk (Sir) Felix Mendoza Landicho Jr. – KRSS
President, TaskForce – OFW Int’l.
Coordinator for Asia, Comitato Roma Capitale Italia-Europa
Note: Maaaring i-print ang lathalang ito upang sa ganoon ay maiwasan ang mga hindi ina-asahang hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng kawani ng embahada at OFW.