Tuesday, December 1, 2015

Problems of Filipinos in Italy on Exit-Pass Resolved

Sa pamamagitan ng kahilingan ni Welfare Officer at Labor Attachè to Italy Ms. Loreta Bisquera Vergara, Nakipag-pulong sa mga lider ng kumunidad sa Roma si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz.

 Ang pangunahing tema ng pinag-usapan ay ang problema ng mga  Pilipino sa Italya hinggil sa exit-pass. Matatandaang halos tatlong taon ng suliranin ito at hindi malutas ng iba't-ibang mga grupo sa pamamagitan ng pagsulat at mga pagppo-protesta.

Hanggang sa noong Hunyo 14, 2014 ay nakipag-dialog ang TaskForce - OFW kay Labor Attache Atty. Viveca C. Catalig, na agad namang nagpadala ng sulat sa DOLE Head Office.

Tila walang aksyon sa kaganapan dahilan sa hindi maunawaan ng Ahensya kung ano ang talagang kahilingan bunga ng iba't-ibang bersyon na ipinadadala mula sa iba't-ibang grupo.

Noong nakaraang Disyembre 2014 ay muling pormal na sumulat ang TaskForce - OFW sa DOLE upang ibigay ang kabuoang detalye na ito ay sinamahan ng Endosrment mula sa Labor Attchè Atyy. Catalig.

Dahil dumating na ang panahon ng pagre-retiro ni Atty. Catalig, Itinuloy ni Ms. Vergara ang pagsuporta sa hinaing. Walang humpay ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa TaskForce - OFW upang mamagitan sa mga ahensyang kina-uukkulan ang DOLE at POEA. 

Subalit nahihirapan pa rin silang unawa-in ang kahilingan sa pamamagitan ng mga sulat, kaya't napagpasyahan na ito ay idaan sa isang masinsinang pagdinigg(hearing) upang mas maunawaan at mabigyan ng mabilis na aksyon.

Dumating ang tamang pagkakataon, nakasama sa delegasyon ng Panguloong Aquino ang DOLE-Secretary  kaya nagkaroon ng agarang pulong.

Sa naging talakayan ay nilinaw ng mga nagsidalo ang pagkaka-iba ng mga Pilipinong mandarayuhan sa ibang bansa partikular sa Middle East  kumpara sa Italia, ganoon din ang pagkakaroon ng pagkakaroon ng halos permanenteng paninirahan (Residence) ng mga dayuhan sa bansang ito(Italia).

Agad namang na-unawaan ng butihing Secretario ang usapin at nagbigay ng kagyat(immediate) na ka-utusan na baguhin ang sistema at i-ugnay sa talagang kalagayan ng mga Pilipino sa bansang ito(Italia)  ng hindi lalabag sa mga panuntunan ng ibang ahensya na may kinalaman sa mga aktibidad na nararapat baguhin. 

Halos maluha sa galak ang lahat ng sabihin ni Secretary Baldoz na "effective immediately" ang deriktiba, kaya lubos siyang pinasalamatan ng mga lider ng kumunidad sa kaniyang pagiging may pusong maka-OFW.

Narito ang mga bagong pamantayan na ipalalabas sa bagong Memorandum Order na kaniyang gagawin: 

Ang lahat ng Pilipino na magbabakasyon sa Pilipinas mula sa Italia ay mabibigyan na ng So-Called Exit-Pass, 

1.) Kapag walang trabaho(hindi naka-denuncia), basta't mayroong valid na:
       a. Passport
       b. Permesso di Soggiorno
       c. Certificato di Residenza
       d. Certificato di so-called Collocamento
       e. Plane Ticket

2. Kapag may trabaho / regola(naka-denuncia), basta't may valid na:
     a. Passport
     b. Permesso di Soggiorno (yung mga nasa process ng renew basta't naka-thumb mark 
          na sa Questura ay considered valid)
     c. Last Bolettino ng INPS / Busta Paga / Denuncia (Contratto di Lavoro) kapag bago ang               employer
     d. Plane ticket

3. Mga kabataang may sapat na gulang na nagta-trabaho subalit wala pang 23 taon, basta't           may valid na:
    a. Passport
    b. Permesso di Soggiorno (yung mga nasa process ng renew basta't naka-thumb mark 
        na sa Questura ay considered valid)
    c. Last Bolettino ng INPS / Busta Paga at Denuncia (Contratto di Lavoro) 
    d. Plane ticket

KARAGDAGAN:  Bilang pagbibigay pa ng konsiderasyon ay "abolish" na rin ang "verification" (sa zona na ito) at sa halip ay pa-iigtingin ang "registration" na lamang para sa POEA.

Ang motibo ay gaya pa rin ng naka-ugalian na "monitoring" upang mas mapangalagaan ng Ahensiya ang mga OFW dito sa Italia.



PAGPU-PUGAY:

Maraming salamat sa tulong at pang-unawa DOLE- Secretary, Rosalinda Dimapilis-Baldoz. 

Salamat Atty. Viveca C. Catalig sa tulong(endorsement) sa aming initiative na ito bago kayo nag-retiro. 

Salamat Ms. Loreta Bisquera Vergara sa walang-sawang pagsuporta. 

Higit sa lahat ay sa Nag-iisang DIOS(Allah); Maraming Salamat Po! 



Ang iba't-ibang mga asosasyon na dumalo sa biglaang  pagdinig: 

OFW Family Party-List
TaskForce - OFW 
Maharlika Alternative Society
Mission Driven International
DGPII - Dangal Guardians
Umangat-Migrante
GBII - Guardians 
Values Formation 
Benguet Association
Cordiliera Association
Sta. Catalina Association
International Education Center
Jess A Minute Pinoy Radio Italia

Muli ay minsan pang napatunayan na hindi ang arogansa ang lulutas sa ating mga problema, Sa halip ay ang masinsinan at seryong pakikipag-talastasan!


Roma Italia
01 Disyembre 2015