Monday, September 23, 2013

MIDDLE NAME: Sinumpaang Salaysay

                   AKO, si  FELIX MENDOZA LANDICHO JR., Filipino, ipinanganak sa Lobo Batangas noong ika-17ng Mayo 1965, matapos makapanumpa nang na-aayon sa batas, ay nagsasaad ng mga sumusunod:


1.                Ako ang Founder at kasalukuyang International Organizer  ng TaskForce – OFW, isang alyansa ng mga migranteng Filipino sa Italya na dating komite at tinatawag na TaskForce Circolare 29 (“TFC 29”) kung saan ako ang Presidente, na naglalayong mapawalang-bisa ang Circolare 29 dahil sa pagiging hindi makatarungan nito at sa pagkakapasa dahilan sa kahilingan o pagsusugo ng Embahada ng Pilipinas sa Italya (“Embahada”) nang walang konsultasyon sa mga katulad naming lubhang naapektuhan nito.

2.                Ayon sa aking pagkakaalam, ang mga sumusunod na mga pangyayari ang nagtulak sa pagkakapasa ng Circolare 29:

a.                Dahil sa kahilingan ng ating Embahada sa Italya upang diumano ay maiwasan ang pagkalitong maaaring maging dulot ng “Middle Name” ng mga Filipino at sundin na lamang ang paggamit ng isang “First Name” na siyang kaugalian sa Italya, ang nasabing bansa ay nagpalabas ng nasabing Circolare29 o Registrazione del nome dei cittadani della Repubblica delle Filippine na nag-uutos sa pagtanggal sa maternal name o Middle Name sa lahat ng mga opisyal na dokumento ng gobyernong Italya ukol sa mga migranteng Filipino.  Ang batas na ito (n. 11359) ay ibinaba ng Ministero dell’Interno (“Ministero”) noong Oktubre 7, 2010 dahilan sa nasabing kahilingan ng ating sariling Embahada.

b.                Ayon sa Embahada, ang kanilang kahilingan ay naglayong ituwid ang anila’y maling paraan ng pagrerehistro ng ating pangalan sa Italya na nagdulot umano ng pagkalito sa Middle Name bilang pangalawang pangalan. Nilayon din daw nitong magkaroon ng isang unipormadong sistema na kaparis ng sistema sa bansang Italya. 

c.                Ngunit sa halip na maiwasan ang anila’y pagkalito, naging sanhi pa ito ng isang mas malubhang kalituhan at suliranin ng komunidad ng mga migranteng Filipino sa Italya na siyang naging dahilan ng mga malawakang protesta sa aming hanay. 

d.                Personal kong alam ang kronolohiya ng mgapangyayari simula noong Hulyo, 2010, mula sa pagpapalabas ng di-umamo’y  NoteVerbale ng Ministero degli AffariEsteri na naging dahilan ng kahilingan ng Embahada na nasabi sa itaas, hanggang sa mga sulat na pinadala namin sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at sa mismong si Pangulong Aquino, hanggang sa kasalukuyan. Ang nasabing kronolohiya ay nakalakip dito at mahalagang bahagi ng Salaysay na ito bilang Annex “A”.

3.                Sa kabila nang lahat ng aming mga pagtitiyaga na isinasalarawan sa Annex “A” na maipaglaban ang pagpapawalang bisa ng Circolare 29, ikinalulungkot ko nahanggang sa ngayon ay wala pa ring katuparan ang aming mga hinaing.  Dahil dito, nagpasya ako, sampu ng aking mgakasamahan sa TFC 29, na ilahad muli ang sumusunod na mga basehan ng posisyon ng mga migranteng Filipino sa hindi dapat pagtanggal ng aming mga Middle Name samga opisyal na dokumento dito sa Italya.

a.                Sa aming Position Paper na may petsang Pebrero 8, 2011 [talata (13) sa Annex “A”], hiniling namin sa Pangulo na bawiin at ipawalang-bisa ang kahilingan na ipinadala ni Ambassador (“Amb.”) Manalo ng ating Embahada sa Ministero noong Hulyo, 2010 [talata (2)sa Annex “A”] sa sumusunod na mgakadahilanan:

1)             Ang Circolare 29 ay taliwas sa mga interes ng mga Filipino Migrant Workers sa Italya;

2)             Ito ay nag-ani ng matinding pagkalito, nagpataw ng pinansyal na imposisyon, nagdulot ng pisikal at sikolohikal na troma at posibleng pagkatanggal sa trabaho ng mga Filipinong OFWs dito sa Italya;

3)             Ito ay paghamak o pag-insulto sa kasarinlan at sobereniya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng Italya na hindi naman sapilitang ipinasusunod sa atin, samantalang ang ibang nasyonalidad sa Italya ay wala naming kautusang sinusunod na katulad ng Circolare 29;

4)             Ito ay kabaligtaran sa ating mga batas na nag-uutos na isama ang apelyido ng ating mga ina (maternal surname) sa mga pasaporte;

5)             Ito ay paghamak o pag-insulto sa karapatan ng mga kababaihan na mapakinggan, mapahalagahan, at igalang ang karangalan na siya nating mga inang nag-aruga sa atin at siyang karamihang pinagmumulan ng mga perang padala ng mga Filipinong OFWs;

6)             Ito ay maaksaya (kinakailangang kumuha ng mga sertipikasyon sa Embahada tuwing magpapanibagong bisa o renewal ng mga pasaporte, at bawat sertipikasyon ay may kaukulang bayad) at hindi kinakailangan; at,

7)             Ito ay taliwas sa tamang dahilan at counter produktibo.

b.                Sa aming sulat sa Secretary ng Department of Justice (DOJ) na may petsang Nobyembre 7, 2011 [talata (26) sa Annex “A”], isinaad namin ang mga sumusunod:

1)             Ang Opinion na ibinigay ng DOJ sa Embahada noong Hulyo 28, 2011 ay tila kumukunsinti sa mga pagyayari na may kaugnayan sa Circolare 29 at sumasang-ayon na tanggalin na nga ang aming mga Middle Name.  Napag-isip namin na ito marahil ay dahilan sa kakulangan ng nasabing tanggapan sa mga tunay na impormasyon tungkol sa mga bagay na ito.  Marahil din ay tanging ang ulat lamang ng DFA ang nakarating sa kanilang kaalaman. 

2)             Ang patakaran ng bansang Italya ay gumagalang sasistema ng paggamit ng pangalan o pagkakakilanlan ng sinumang mandarayuhan dito.  Ito ang dahilan kung kaya sa mahabang panahon ay hindi nila tinangkang panghimasukan ang ukol sa bagay na ito.  Subalit dahil sa kahilingan mismong ating Embahada, ang Circolare 29 ay lumabas at ipinag-utos ng Ministero dell’Interno upang ipatupadang pagtanggal sa ating maternal name na kilala bilang Middle Name. 

3)             Kataka-takang tanging mga Filipino lamang ang sangkot sa bagay na ito gayong ang mga bansang gaya ng Tsina, Aprika, South Amerika at iba pang bansang muslim na mahahaba at maraming nakasaad sa kanilang pagkakakilanlan o mga pangalan na kung wawariin ay napaka-komplikado ay hindi naman nakasama dito at ni hindi naging sagabal sa kanila, sa halip kung ano ang nakasaad sa kanilang mga pasaporte ay iyon ang kanilang sinusunod bilang pagkilala at respeto sa batas ng sinumang nandarayuhan dito sa Italya base sa art. 14 del D .P.R. 223/89, art. 24 della Legge no.218/1995 at Circolare 25/07/2003Covenzioni sottoscritte dallo-Stato Italiano e dai-vari stati esteri.

4)             Sa pagkaunawa namin, ang nasabing kahilingan ng Embahada ay sumisira sa ating tradisyunal na paggamit ng buong pangalan bilang Filipino at taliwas rin ito sa R.A. 8239 na nag-uutos ng paglalagay sa ating pasaporte ng apelyido ng ating ina o ang apelyido sa pagkadalaga ng mga kababaihang nagsipag-asawa na.  Naniniwala kami na ang ating mgapasaporte ang tanging basehan ng ating identity o pagkakakilanlan at ito ang dapat maging “pattern” o huwaran ngmga dokumento saan mang bansa tayo pumaroon.

5)             Ipinagpilitan ng panig ng Embahada na ang DFA-OUA Circolare 636/2007 di-umano ang dahilan kung kaya hiniling ni Amb. Manalo ang pagtanggal ng Middle Name.  Subali tito ay pagdadahilan lamang sapagka’t kung ito ang tunay na dahilan, bakit lumabas lamang ang papel na ito Marso na ng 2011?  Bakit hindi niya sinabi ito noong simula pala mang ng mga protesta?  Noong Disyembre 9, 2010 ay humingi pa siya ng patawad sa kaniyang nagawa.  Bakit ang notice na inilagay sa bulletin board ay hindi isinama ang pangungusap na nagsasabing:  Ang circolare na ito ay sa kahilingan ng Embahada?  Bakit hindi sinasabi sa mga notice ng Embahada ang katotohanan na ang Circolare 29 ay sa kahilingan ng Embahada at sa halip ay sinasabi nilang palagi na ang Italian authorities ang may gusto nito?  Ito ang mga katanungang ini-uugnay namin sa pangyayari kung kaya, kung susuriin ay idinadahilan na lamang ang DFA-QUA Circolare 636/2007 upang mapagtakpan ang tunay na layunin kung bakit tinanggal ang aming Middle Name.

6)             Maraming beses din naming hiniling ang sinasabing “Note Verbale” na siyang ugat ng usaping ito, hiningi din namin ang sulat ni Amb. Manalo sa Prefetto na nagsasaad ng paghiling niya sa pagtanggal ng Middle Name at ang sagot niya sa sulat ng Prefetto na may petsang Nobyembre 23, 2010 sapagkat dito natin malalaman ang mga katotohanan base sa pananalitang nakasaad sa mga nasabing papeles.  Subalit sa hindi nila maipaliwanag na dahilan hanggang sa ngayon hindi mapa-unlakan ng Embahada ang aming kahilingan.

7)             Ang pagka-alam namin ay “transparent” ang polisiya ng ating pamahalaan, at ayon naman sa nabasa ko sa Article III Section 7 ng Bill of Rights sa Konstitusyon ng Pilipinas base sa aking pagka-unawaay may karapatan kami na malaman ang mga bagay na makapagbibigay linaw sa isang usaping pampamayanan.  Subalit bakit patuloy na itinatago ng Embahada ang mga papeles ng makapagbibigay linaw sa lahat?  Hindi naman banta sa seguridad ng ating bansa ang nasabing kahilingan, ngunit ang tanong namin ay: Bakit tila patuloy na nililinlang nila ang mga OFW sa Italya batay sa mga pangyayaring ito?

8)             Tunay na hindi “practice” sa “registration”ng mga Italyano ang paggamit ng Middle Name at sila ay hindi gumagamit nito.  Subalit hindi nila inoobliga na ang mga dayuhan dito ay tumulad sa kanila, sa halip gaya ng nabanggit ko na base sa Art. 14 del D.P.R. 223/89, Art. 24 della Legge no.218/1995 at Circolare 25/07/2003 Convenzioni sottoscritte dallo-Stato Italianoe dai-vari stati esteri, ay hinahayaan nila ang mga maka-batas at maka-kultural na gawi ng mga dayuhan dito gayang ibang lahi na gumagamit ng Middle Name.

9)             Walang katotohanan na kung saan-saan inilalagay ang Middle Name kapag nagre-rehistro dito sa Italya, sapagka’t ang mga Italyano ay masisinop, ini-isa-isa nila ang bawat linya ng iyong impormasyon at isa-isang itatanong sa iyo kung ano ang kahulugan at nais nito bago ka pumirma o bago magkaroon ng konklusyon sa isang dokumentong idinudulog ng isang dayuhan sa kanila.

10)         Mula 1996 hanggang 2009 walang naging malawakang suliranin sa bagay na ito, lumitaw lamang ang problema pagkatapos ng kahilingan ng Embahada na tanggalin na ang Middle Name.  Bukod sa roon, sinuhayan ng Circolare #64 noong Disyembre 2004 ang tamang “alignment”ng pagsulat ng ating pangalan o pagkakakilanlan base sa nakasaad sa ating mga pasaporte, kung kaya isang balintuna ang nasabing “kung saan-saan lamang ito ay na-ilagay”.

11)         Wala ring katotohanan na mas marami ang hindi gumagamit ng Middle Name sa mga Filipino sa Italya, sapagka’t mula 1996 ay inilalagay na namin ito nang buo.  Kahit na noong middle initial pa lamang ang gamit ng mga Filipino na siyang naka-tala sa pasaporte, inilalagay namin ito at gaya ng nabanggit na mula 1996 hanggang 2009 ay walang naging malaking problemaang mga Filipino sa usapin ukol dito at walang naipakita o maipakitang record ang Embahada na makapagpapatunay na mas marami ang walang Middle Name kaysa mayroon nito sa kani-kanilang mga dokumento kung kaya kasinungalingan lamang ang kanilang mga pagdadahilan.

12)         Walang katotohanan na mas maraming OFW ang nagnanais na matanggal ang Middle Name gayang sinabi ni Amb. Reyes sa diyaryong Ako ay Pilipino.  Sa katunayan, nagpalabas kami ng isang survey na parang Plebisito at halos 90% ng survey ay tutol sa Circolare 29.

13)         Walang katotohanan na lumilikha ito ng “confusion” o kalituhan, sa katunayan gaya ng nabanggit na, mula taong 1996 hanggang buwan ng Mayo 2009 walang naging problema ang ating mga kababayan at sa halip ay lumitaw lamang ang malaking suliranin noong lumabas ang usapin tungkol sa Circolare 29.

14)         Ang “Permitof Stay” o “Permesso di Soggiorno”ang siyang nagsisilbing “Visa” ng mgadayuhan dito sa Italya kung kaya nararapat lamang na kasuwato ito ng nakasaad sa pasaporte.  Lilikha ito ng malakingproblema kapagka ang isang Filipinong residente sa Italya ay pumunta sa ibang bansa upang magbakasyon o kaya naman ay mag-stop over kung uuwi ng Pilipinas kapagka hindi magkatugma ang tala sa kaniyang pasaporte at P. Soggiorno.

15)         Walang katotohanan na nais ng mga Migranteng Filipinoo OFW  (Mga Bagong Bayani) na ang amin gmga Middle Name ay ilagay kasama ng aming unang pangalan o “name” kundi ang hinihiling lamang namin ay huwag tanggalin ang Middle Name sa mga dokumento.  Una, ito ay malaking bahagi ng ating kultura, ikalawa, ito ay isang pag-galang sa ating ina at sa mga kababaihang nag-sipagasawa na, pangatlo, tayo ay isang bansang Republika kaya hindi dapat na maging kata-tawa tawa sa ibang lahi na mas mahaba pa at napaka-kumplikado ang mga pangalan subalit nananatili sa kanilang mga dokumento ang kanilang orihinal napagkaka-kilanlan. 

16)         Tangi sa roon ang nais ng awtoridad sa Italya sa orihinal na layunin ay ayusin kung paano o saan ilalagay ang ating Middle Name dangang sila ay hindi gumagamit nito. Ang katanungan nila ay kung ano ang gamit ng Middle Name at saan ito ilalagay; hindi nila sinabi kailanman na ito ay alisin bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan o “Civil Identity”. Kung kaya isang malaking kamalian na ito ay alisin sa halip na isa-ayos ang kaniyang dapat na kalagyan nang hindi mababawasan ang buong kumpletong pangalan o pagkaka-kilanlan ng isang dayuhang Filipino dito sa Italya.

17)         Tunay nga marahil na hindi “mandatory” ang paglalagay ng Middle Name dahilan sa ito ay costumbre lamang nating mga Pilipino. Subalit ang tanong:  Bakit naman ginagawang mandatory ang pagtanggal nito?  Wala bagang karapatan ang mga indibidwal na ito ay mapanatili sa kaniyang sariling dokumento bilang pangangalaga niya sa kaniyang costumbre? Kung ang Embahada ay walang pangangalaga at respeto sa costumbre ng mga Filipino bakit ang isang OFW o Filipinong nandarayuhan dito sa Italya ay o-obligahin na gumaya sa kanilang paglapastangan sa ating costumbre?  Bakit kailangang sikilin ang kalayaan ng isang OFW na manatiling buo ang kaniyang “Civil Identity”? 

18)         Bagama’t umiiral na ang Circolare 29 ay maari panating i-modify o kung kina-kailangan ay pawalang bisa gaya ng ginawa sa Circolare 64, at ang dapat lamang ay magbigay tayo ng tumpak na indikasyon kung paano gagamitin ang Middle Name at hindi ang ipagpilitang tanggalin ito, na isang paglabag sa konsensya ng ating kultura bilang mga Filipino.

19)         Kaya dahil dito, ang TFC 29 ay patuloy na nakikibaka at makikibaka para sa usaping ito ng Middle Name at dahilan na rin sa tatlong may bisang kadahilanan:

a)               Patriotismo:

i.                 Pinangangalagaan namin ang Civil Identity, hindi namin pinahihintulutan na maalis ang isang parte ng aming pangalan o pagkakakilanlan ni kahit isang letra nito;

ii.               Pinahahalagahan namin ang sobereniya ng ating pagkakakilanlan, tayo ay isang bansang Republika, may dignidad na dapat i-respeto.  Ang ating Middle Name ay bahagi ng ating pagkatao at pagka-Filipino.

iii.              Tinututulan namin ang pagka-inconsistent ng mga pangyayari, sapagkat ginawa ang kahilingan sa pamamagitan ng ilegal na paraan.  Ilegal sapagka’t hindi komunsulta ang Embahada sa mayoryang OFW, kaya lumabag sila sa Magna Carta – OFW [at Migrant Worker’s Law of 1995 (Republic Act No. 8042)].  Ang paglabag na ito ay itinuturing naming isang uri ng aktong ilegal.

b)              Karapatan bilang tao(human rights):

i.                 Sinagasaan ng Circolare 29 ang ating cultural identity.

ii.               Winalang bahala ang malaking bahagi ng ating costumbre at ito ay masasalamin na rin sa DFA-OLA Memo na may petsang Mayo26, 2011.

c)               Paninindigan at pakiki-isa sa tunay na integrasyong nais ng                              
             bansang Italia:

i.                 Nakiki-isa kami sa layunin na Multi-Ethnic, Multi-Cultural at Multi-Tradition migration.

ii.               Tutol kami sa rasismo (racism).  Ang panghihimasok na ito sa ating pagkaka-kilanlan ay maituturing na isang uri ng rasismo at diskriminasyon, sapagka’t tayo lamang mga Filipino ang nasadlak sa ganitong uring pangyayari bagay na hindi naranasan ng ibang lahi na dayuhan dito.

20)           Kami ay pormal na nagpaabot ng aming kahilingan sa DOJ na balansehin ang mga pangyayari at ang katotohanan, timbangin ang mga salaysay na ito at ang salaysay sa kanila ng DFA kung mayroon man. 

21)           Inilakip namin sasulat sa DOJ ang sumusunod: (i) dalawang sulat ng petisyon na ipinadala sa Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Fax Number: +6327356152; (ii) isang sulat para sa DFA na ipinadala sa pamamagitan ng aming email na filipinoalliance@yahoo.it, (iii) ang sulat ng pag-apela namin sa Ministero dell’Interno at ang talaan o kronolohiya ng mga tunay na pangyayari upang mapag-aralan ng DOJ nang mainam ang mga detalye sa mga kaganapan.

22)    Matapos mabasa ng DOJ at mapag-aralan ang mga salaysay na ito ng katotohanan na mula sa mayoryang Migranteng Filipino, kasamang mga nakalakip na liham ay humingi kami ng isang balanse, makatotohanan, matapat at makatarungang OPINION mula sa DOJ na siyang maaari naming gawing panuntunan sa mga susunod na diyalogo o pag-uusap sa pagitan ng Embahada at mga OFW’s upang maka-buo ng pinal na pagpapasya na siyang susundin ayon na rin sa mapagkakasunduan ukol dito.

            c.  Saaming ikalawang sulat kay Pangulong Aquino na may petsang Nobyembre 5, 2012[talata (29) sa Annex “A”], inihayag namin ang mga sumusunod:

1)   Tanging mga Filipino lamang ang sangkot sa Circolare 29, samantalang ang mga bansang gaya ng South Amerika, Aprika, at iba pang bansang Muslim na mahahaba at maraming nakasaan sa kanilang mga pangalan na kung wawariin ay mas komplikado pa, ay hindi naman ito naging sagabal sa kanila, sa halip ay kung ano ang nakasaad sa mga pasaporte nila ay iyon ang kanilang sinusunod, bilang pagkilala at respeto sa batas at kultura ng sinumang nandarayuhan sa Italya base sa Art. 14 delD.P.R. 223/89, Art. 24 della Legge no 218/1995 at Circolare 25/07/2003Convenziioni sottoscritte dallo-Satato Italiano e dai-vari stati esteri.

2)  Batid namin na walang nalabag na batas ng Pilipinas ang aksyon ni dating Amb. Manalo na paghiling sa Ministro ng Italya na tanggalin ang MiddleName ng mga migranteng Filipino sa Italya; subalit wala rin namang nalalabag nabatas kung hindi ipa-iiral ang Circolare 29, dahil ang pagpapatupad nito ay tahasang pagyurak pa nga sa ating kultura at dignidad bilang mga Filipino at paglabag sa indibidwal na karapatan ng mga migranteng Filipino dito sa Italya.  Nagdudulot din ito ng kahihiyan sa aming mga naaapektuhan nito dahilan sa ang lohika nito ay pinagtatawanan tayo ng ibang mga lahi na mga migrante rin dito sa Italya, sapagkat tanging mga Filipino lamang ang sakop ng Circolare 29.

3)  Patuloy ang aming panawagan sa Embahada sa pamumuno ni dating Amb. Manalo ngunit walang nangyari sa aming mga hinaing.  Nang dumating ang kapalit ni Amb. Manalo na si Amb. Virgilio Reyes, mas masahol pa ang nangyari sa aming kalagayan dahil hindi man lamang siya humaharap upang makipagtalastasan sa amin.  Nais lamang namin nang mga kaliwanagan kung kaya humihingi kami ng diyalogo sa kanya, subalit sa anim na beses naming pagtatangka na humingi ng isang pormal at makatarungang diyalogo ay patuloy siyang nagbingi-bingihan hanggang sa petsang iyon. 

4)  Nanawagan kami naalisin na si Amb. Reyes at palitan ng isang ambassador na may malasakit sa amin upang siya ang maging daan na maibalik ang aming Middle Name dito sa Italya na magsasalba sa ating dignidad at kultura bilang mga Filipino.  

5)  Inilakip namin sasulat ang mga pirma ng ating mga kabababayan upang mapatunayan na walang katotohanan ang sinasabi ni Amb. Reyes na sasampu lamang ang nagnanais na maisaayos ang aming kalagayan dito at na kakaunti lamang ang tumututol sa pagtanggal ng aming mga Middle Name.

4.  Bilang karagdagan sa mga basehang nasabi na sa itaas, nais naming ipahayag ang mga sumusunod na legal justification sa paggamit ng Middle Name ng mga migrantengFilipino dito sa Italya:

a.  Section 12 ng Philippine Passport Law of 1996:

“The passport shall containthe full name ofthe applicant…”

Komento: Ang salitang “full name” sa kontekstong Filipino, na tulad din sa Amerika, Britanya at Espanya, ay nangunguhulugan o nag-uukol sa ating“whole name” o buong pangalan, na binubuo ng (1) first o given name o ang unang pangalan; (2) middle name o ang panggitnang pangalan (ang apelyido ng ating mga ina); at (3) ang lastname (maliban sa Espanya kung saan ang Middle Name ay inilalagay sa hulihan ng buong pangalan) o ang ating mga apelyido (na siyang apelyido ng ating mga ama).

b.  Section 5 (Registry and Certificate of Birth) ng Commonwealth Act No. 3753, ang Lawon Registry of Civil Status

"...the declaration (shall)certify to the following facts:... (c) names, citizenship, and religion of the parents or, in case the fatheris not known, of the mother alone.”

Komento: Ito ay patunay na ang mga apelyido ng ating ama at ating ina ay parehong inirerehistro sa ating mga birth certificates, na tulad ng nabanggit sa itaas ay siyang bumubuo ng ating mga full names o buong pangalan ang panggitnang pangalan ay ang apelyido ng ating mga ina at ang last name naman ay ang apelyido ng ating mga ama.  Kung kaya’t kapag tinanggal ang Middle Name sa aming mga pangalan dito sa Italya, isa na lamang ang matitira atl alabas na aming apelyido o last name sa aming mga pangalan, at base sa batas na nasabi sa itaas, iisa lamang ang apelyido na lalabas sa rehistro, ang apelyido lamang ng ating mga ina, kung ang ating mga ama ay hindi kilala (“in casethe father is not known, of the mother alone”).  Samakatuwid, base na rin sa ating mga batas, may kakaibang stigma kapag isang apelyido lamang ang gamit natin sa ating buong pangalan  ang kahulugan nito ay dahil ang ating ama ay hindi kilala, hindi tayo kinikilala, o hindi kasal ang ating mga magulang; na dahil mayorya ng mga Filipino ay mga Katoliko, ang estadong ito ay hindi tinitingnan nang maganda sa ating kultura.  

c.    Sa ilalim ng Article 174 ng Family Code ng Pilipinas, ang mga lehitimong anak ay may karapatang gamitin ang apelyido ng kanilang mga ama at ina, samantalang ang gamit ng mga ilehitimong anak ay ang apelyido lamang ng kanilang mga ina, maliban na lamang kung sila ay kinikilala ng kanilang mga natural na ama, kung saan maaari nilang gamitin ang apelyido ng huli.  Samakatuwid, kapag walang Middle Name ang isang Filipino, magkakaroon ng agam-agam sa kanyang tunay na angkan, kapamilya, o pinagmulan.  Maaari ring ang stigma  na nasabi sa itaas ay maikabit sa kanyang pangalan, na magwawaring siya ay isang ilehitimong anak na hindi kinikilala ng kanyang ama.  Kung hindi naman ito ang sitwasyon, hindi makatarungan na pag-iisipan nang ganito ang isang Filipinong walang Middle Name sa Italya dahil lamang sa kahilingan ni Amb. Manalo na tanggalin ang aming mga Middle Name sa mga opisyal na dokumento dito sa Italya, na siyang naging basehan ng Circolare 29.

d.  Republic Act No. 9048 (Section 2, Definition of Terms, Item 6)  na nagbibigay pahintulot sa Registrar ng lungsod o musipalidad at ang Consul General na itama o iwasto ang mga clerical o typographical errors o pagkakamali sa birthcertificate ng isang Filipino, "First name refers to a name or nickname given to a person which may consist ofone or more names, in additionto the middle and last names."

Komento:  Ang personal na data na inilalagay sa ating mga pasaporte ay base sa ating mga birth certificates na nakarehistro sa opisina ng local civil registrar  sa lungsod o munisipalidad at sa National Statistics Office (NSO).  Sa itaas na probiso ng batas, malinaw na ang ating buong pangalan ay binubuo ng firstname, middle name, at last name.  Samakatuwid, ang kahilingan lamang ng isang ambassador sa Italya na tanggalin ang aming mga Middle Name dito sa Italya, na naging basehan ng Circolare 29, ay tahasang paglabag sa mga batas na nasabi sa itaas.

e.  Sa ilalim ng mga batas na umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan, ang pagpapalit ng ating mga pangalan ay maaari lamang ipatupadsa pamamagitan ng kautusan ng korte o hukuman, maliban lamang kung ang pagbabago sa pangalan ay dahil sa clericaltypographical errors tulad ng nasabi na sa itaas, kung saan ang Registrar ng lungsod o munisipalidad o consul general ay may pahintulot na palitan ito. Kung kaya’t sa paghiling sa Ministero na tanggalin ang Middle Name sa aming mga pangalan dito sa Italya, inilagay ni Amb. Manalo sa kanyang mga kamay ang nararapat na kapangyarihan lamang ng mga hukuman, isang aktong paglabag sa mga batas ng Pilipinas. 

f.   Sa ilalim ng prinsipyo ng Conflict of Laws, ang pangalan ng isang tao ay nasasaklawan ng kanyang pambansang mga batas; kaya’t ang pangalan ng isang Filipino ay nasasaklawan ng mga batas ng Pilipinas, hindi ng Italya at ng kung ano pangibang mga bansa, kahit saan man siya nakatira o namamalagi sa kasalukuyan.  Ang karapatan sa isang pangalan ay pinoprotektahan ng Declaration of Rightsof the Child (UN General Assembly Resolution 1386 (XIV) petsa Disyembre10 1959).  Ang prinsipyong ito ay suportado ng Article 15 ng New Civil Code of the Philippines, “Laws relating to family rights and duties, or to the status, conditionand legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines,even though living abroad.”  Samakatuwid, nararapat lamang na ang mga batas na umiiral sa Pilipinas na naipaliwanag na sa itaas ay siyang sumaklaw ng isyu ukol sa mga Middle Name ng mga migranteng Filipino dito sa Italya.

g.  Ang prinsipyong nasabi sa itaas ay higit pang naipaliwanag ng ating kagalang-galang na Korte Suprema sa napag-desisyunang kaso na In re: Petition for Change of Name and/or Correction/Cancellation of Entry in Civil Registry of Julian Lin Carulasan Wang (G.R. No. 159966, Marso 30, 2005).  Sa kasong ito, ipinasya ng Korte Suprema na ang pagtatanggal ng Middle Name sa pangalan ni Julian Lin Carulasan Wang ay tila pagbibigay preference o kagustuhan na ang mga batas ng bansang Singapore ang sumaklaw, sa halip na mga batas ng Pilipinas na siyang nararapat, dahil siya ay Filipino.  Sa kaso naming mga migranteng Filipino dito sa Italya, kapag tuluyang ipatupad na tanggalin ang aming mga Middle Name sa mga opisyal na dokumento dito sa Italya, tila ang preference ay saklaw ng mga batas ng Italya ang pangalan naming mga Filipino, sa halip na mga batas ng Pilipinas na siyang nararapat.   

5.  Sa lahat nang nasabi sa itaas, malinaw na malinaw na ang aksyon ng dating Amb. Manalo, na ipinagpatuloy ng hanggang sa kasalukuyang pamunuan ng Embahada, na siyang naging basehan ng Circolare 29, ay tuwiran o harapang paglabag sa mga batas ng Pilipinas.  Dahil dito, buong paggalang naming inuulit ang aming hinaing na may tatlong taon na ngayon naming pinaglalaban, na sana’y mapawalang bisa o mabawi na ang pagpapatupad ng Circolare 29 sa bansang Italya.  Umaasa kami na sa pamamagitan ng Salaysay na ito ay mapakinggan na ang aming nasabing kahilingan, sa ikapapayapang kondisyon ng mga migranteng Filipino dito sa Italya.

6.  Aking nilalagdaan ang Salaysay na ito upang patunayan ang mga pahayag sa itaas at sa anupamang layuning legal na maaaring paggamitan nito.


Nilagdaan ko ang Salaysay na ito ngayong  ika-23 ng Setyembre, 2013 sa Roma  Italia.





  FELIX MENDOZA LANDICHO JR.                                                                                                                       Affiant




 Republic of the Philippines )
Embassy of the Philippines )
Rome Italy                    ) S.S.









                    SUBSCRIBEDAND SWORN to before me this _____ day of _____________ 2013     atthe Embassy of the Philippinesin Rome, Italy.  Affiant showing his/her Philippine PassportNo. ____________________ issued at ___________________________ on_______________ .                               






__________________________
            Consul General



Doc. No. RE-5062
Book no. XXVIII
Page No. 98
Series of 2013
Fee €22.50
O.R. No. 100522                                 . 

ANNEX “A” sa Sinumpaang Salaysay

KRONOLOHIYA NG MGA PANGYAYARI UKOL SA CIRCOLARE 29



1)                Hulyo 20, 2010: Sa isang “Note Verbale”  ng Ministero degli Affari Esteri,  hiniling nito sa Embahada na linawin ang ukol sa kumpletong pangalan ng isangFilipino.  Malinaw dito na ang hinihilingay klaripikasyon o paglilinaw lamang at hindi ang pagtatanggal ng anumangbahagi ng pangalan ng isang Filipino. Ito ay tanda ng paggalang at pagkilala sa pamamaraan ng pagsulat ngpangalan ng mga Filipino at pagtataguyod ng Italya ng isang lipunan na mabilisna nagiging multi-ethnic at multi-culural society.

2)                Hulyo 2010: Hiniling ni Ambassador (“Amb.”) Romero Manalo ng Embahada sa Ministero dell’Interno (Ministry of theInterior) ang pagwawasto sa pagtatala ng pangalan ng isang mamamayang Filipinona naninirahan dito sa Italya sa pamamagitan ng pagtanggal sa Middle Name samga dokumentong pinagkaloob ng gobyernong Italya sa mga migranteng Filipino.  Sa tingin ng TFC 29, ang naging tugon na itong Embahada ay isang maling kasagutan sa katanungan ng Ministero dell’Interno.

3)                Oktubre 2, 2010: Dahil sa nabanggit na kahilingan ng Embahada, inilabas ng Ministero dell’Interno ang Circolare29.  Pagkalabas ng kautusang ito, agadnagpatawag si Amb. Manalo ng isang pulong sa lahat ng mga pinuno ng Filipinocommunity (“Filcom”) dito sa Roma.  Nabiglaang lahat dahil walang dumaang konsultasyon sa mga nasasakupan ng kautusang itodito sa Italya bago pa man ito ipinatupad. Kaya inulan ito ng mga pagbatikos at bumuhos ang galit ng mga migrantengFilipino.

4)                Oktubre 7, 2010: Nagkaroon ng bisa ang Circolare 29.

5)                Oktubre 28, 2010:  Nagpatawag ang Embahada ng isang “Special Forum” upang ipaliwanag angtungkol sa Circolare 29 na dinaluhan ng mga consiglieri,mga lider ng iba’t-ibang komunidad, at mga organisasyon at indibidwal ngunit sanasabing forum ay binatikos atnagkaisang tinutulan ang nasabing Circolare 29.

6)                Nobyembre 22, 2010:  Napilitan ang kinatawan ng Embahada kasamasina Mr. Romulo Salvador, ConsigliereAgguinto Assemblea Capitolina per ilContinente Asia, at Ms. Pia Gonzales, ConsigliereMunicipale Agguinto Municipio XVI, na makipagpulong kay Dr. Gng. Menghining Ministero dell’Interno.  Nagmistulang lihim ang pulong na ito dahilansa ang naging kasama lamang ng panel ng Embahada ay ang dalawang Consiglieri aggiunti na sina RomuloSalvador at Pia Gonzales. 

a)                  Matapos ang pagpupulong, nagpalabas sila ngbalita na ayaw nang pumayag ng Ministerona i-urong pa ang nasabing Circolare 29 (walang kumpirmasyon dito ang Ministero dell’Interno) kaya ayon na rinsa mga consiglieri “ormai” wala nangmagagawa pa upang pigilin pa ang nasabing direktiba o panuntunan, kung kaya sinabihankaming pagaanin na lamang ang pagpapatupad nito, bagama’t hindi ito ang layonng mga Overseas Filipino Workers (“OFWs”) o migranteng Filipino sa Italya. 

b)               Ang katanungan ng TFC 29 ay, hindi ba anghinihiling ng Ministero ay kung anoang dahilan ng Embahada sa pagpapa-urong ng Circolare 29?  Hindi po ba’t ang dahilan ay ang maramihangpagtutol dito ng mga migranteng Filipino at ang itinuturing naming malingpagkaka-hiling ng Embahada mismo upang tanggalin ang aming mga Middle Name samga opisyal na dokumento ng Italian government? Sa aming pagkakaalam ay hindinakapagbigay ng malinaw na paliwanag ang Embahada sa bagay na ito.

7)                Nobyembre 23, 2010:  Sumulat ang Ministero sa Embahada na binibigyan pa ito ng huling pagkakataon atpagpapasya kung ano ang gagawin at tunay na layon ukol sa bagay na ito.  Naniniwala ang TFC 29 na ang sulat na ito ay nagpapahayag na maari pang bawiin o ipa-hinto ang pagpapatupad ng Circolare 29,  balintuna sa naunang pahayag ng ating mga sariling opisyales na wala nangmagagawa pa para pigilin ito.

8)                Disyembre 9, 2010:  Sa pangunguna ng UMANGAT (Ugnayan ng mgaMigrante Tungo sa Pag-unlad), ay naglunsad ng isang kampanya at kilos protestalaban sa pagpapatupad ng Circolare 29 sa harap ng Embahada.  Dahil dito ay napilitan si Amb. Manalo na magpatawag ng isang diyalogo sa mga nagproprotesta sa araw ding iyon.  Sinabi ng Ambasador sa harap ng mganakipag-diyalogo na titingnan niya kung ano ang maaring magawa upang mapaurong ang pagpapatupad ng Circolare 29 sa Ministero dell’Interno.  Inihayag pa niya na tinangka na niyang bawiin sa pamamagitan ng isang sulat sa Ministero dell’Interno subalit hindi na ito pinakinggan ng nasabing ahensya (wala ring pormal na kumpirmasyon ang Ministero ukol dito at/o walang nasusulat na ebidensya ukol dito).  Sa pagkakataong ito lumitaw nanagbago ang posisyon ng mga consigliere kasama si Ms. Liza Bueno ng CIS Provinciadi Roma, ang kanilang pagpanig sa Embahada, na taliwas sa kanilang naging unang posisyon, at siya ring ikinabigla ng mga migranteng Filipino na nagtatanong kung sino ba ang pinaglilingkuran at kaninong interes angitinataguyod ng mga consigliere.  Hindi ma-arok at nabibigyan pa ngkapaliwanagan, sila ba, ang mga consiglieriay laban sa mga OFW o Migranteng Filipino sa halip na maging tagapagtanggol ngdignidad ng mga ito?

9)                Disyembre 26, 2010:  Nagkaroon ng pagpupulong ang kinatawan ng Embahada(Amb. Manalo at Ms. Labat) at ng UMANGAT at ilang concerned migrants upang igiit ng huli ang binitawang pangako niAmb. Manalo.  Muli na namang nangako siAmb. Manalo na haharapin niya ang usapin sa Circolare 29 sa lalong madalingpanahon at magpapatawag siya ng malakihang pulong ng mga migrante bago siyatumulak patungong Pilipinas, ngunit lumipas ito at hanggang sa nailabas na ng Ministero dell’Interno ang tinatawag na Circolare04 ay walang naganap na pagpupulong na nagpapakita lamang ng kawalan niya nginteres sa hinaing ng mga migrante.

10)            Enero 2011: Lumarga na ang UMANGAT para sa isang malawakang kampanya laban sa Circolare29 at nagdaos ng “petition signing” sa mga iba’t ibang Filcoms dito sa Roma atmaging sa labas ng Roma.

11)            Enero 24, 2011: Lumabas ang Circolare 04, isang giya upang mapadali ang pagpapatupad ng Circolare29.

12)            Pebrero 6, 2011: Nagpulong ang mga kinatawan ng mga iba’t ibang organisasyong migrante dito sa Italya sa tanggapan ng UMANGAT: at nagbuo ng isang alyansa at pansamantalang komite na tinawag na Task Force Circolare 29 (o Alyansa ng mga Migranteng Pilipino sa Italya).  Ang alyansa ay nagsilbing daluyan at kasangkapan ng patuloy na pag-aaral at pagpapalawak sa kampanya laban sa Circolare 29 at iba pang mga kagyat na isyu na kinakaharap ng mga migranteng Filipino dito sa Italya at sa buong mundo tulad ng mandatory PAG-IBIG membership, pension, di-magandang asal ng ilang kawani sa Embahada, at iba pa.

13)            Pebrero 8, 2011:   Sumulat ang TFC 29 ng isang Position Paper at pinadala namin ito kayPangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Inilahad namin dito na: (i) ang Pilipinas ay isang bansang maysobereniya at sariling pagkakakilanlan, na mayroong sariling mga batas,kultura, at mga kaugalian; (ii) noong 1996, ipinag-utos ng Department ofForeign Affairs (DFA) ng Pilipinas na ang middleinitial sa passport ay palitan ng fullMiddle Name upang maiwasan ang kalituhan sa pagkakakilanlan (identity) ng isang tao; mula sa panahongiyon ay hindi naging balakid sa mga dokumentasyon ng migranteng Pilipino angpagre-rehistro o pagpapalit kalagayan mula sa middle initial patungo sa buongmiddle name, (iii)  sa loob ang halos 14na taon ay walang malubhang naging suliranin sa bagay na ito kaya hindi naminmaunawaan ang layon ng Circolare 29 dahil ginagalang naman ng Italya angpagkakakilanlan at mga batas ng Pilipinas at hindi naman nito pinipilit naumayon tayo sa paraan ng paggawa ng kanilang mga dokumento, at dahil ang ibangmga nasyonalidad na nasa Italya ay hindi naman apektado ng ganitong uri ngkautusan tulad ng Circolare 29; (iv) hindi man lamang kami nakonsulta bago naipatupad ang Circolare 29; (v)dahil dito, pakiramdam namin ay napagbili na ang aming mga karapatan at karangalan; at ito ay nagdulot ng matinding sikolohikal, materyal, ekonomikalat pisikal na suliranin at pagod sa amin, at posibleng pagkawala ng mga trabaho sa ibang Filipinong OFWs  dito sa Italya. 

14)            Pebrero 13, 2011:  Muling nagpulong ang TFC 29 at nagkaroon ngeleksyon at pagbuo ng mga planopara pamunuan ang alyansang ito.  Ditorin pinagtibay ang pagpapatawag ng isang asembliya ng lahat ng mga migrantedito sa Roma sampu ng mga kawani ng Embahada sa pamumuno ni Amb. Manalo.

15)            Marso 10, 2011: Nagpatawag ng isang “Convegno” sa Sacro Cuore subalit hindi ito maituturing na matagumpay dahil hindi nakapanayam ng mga migranteng Filipino si Dot.ssa Michela Lattarulo, Dirigente Area Anagrafe della Popolazione Residence, Ministero degli Interni.

16)            Marso 13, 2011: Nagdaos ng isang asembliya ang TFC 29 sa simbahan ng Sta. Pudenziana (o ang Sentro Pilipino)na kung saan naging panauhin sina Amb. Manalo, Consul Ibayan at ConsulCristine.  Pormal na inilatag ang hamonng alyansa kay Amb. Manalo kung may magagawa pa siya para pigilin angpagpapatupad ng Circolare 29.  Sa harapng mahigit sa 100 migrante na nakinig sa kanya (sa kabila ng masamang panahon at ng malakas na pag-ulan), ipinahayag nang kagalang-galang na Ambassador na sa ilalim ng kanyang kapangyarihan (bilang isang institusyon) ay may magagawa pasiya at tungkuli’t obligasyon niyang ipaabot sa mga kinaukulan ng gobyernong Italya (o sa Ministero dell’Interno)ang tunay na hinaing ng mga migranteng Filipino dito sa Italya. Ngunit,makaraan lamang ng dalawang araw, tahasang tinalikuran ni Ambassador angkanyang mga salita sa harap ng asembliya at naglabas siya ng isang Information Bulletin No. 8 – 2011 at ang implementing rules and regulations (IRR) na nagsasabing hindi iuurong ang pagpapatupad ng Circolare 29.

17)            Marso 16, 2011:  Muling nagpadala ng sulat ang TFC 29 kay Pangulong Aquino kung saan ipinaalala namin sa kanya ang nauna naming sulat na may petsang Pebrero 8, 2011at ibinalita sa kanya ang asembliyang nasabi sa itaas noong Marso 13, 2011 kung saan dumalo sina Amb. Manalo, Consul Ibayan at Consul Cristine. Dito inamin ni Consul Ibayan na walang memorandum o anumang kautusan o direktibang galing saDFA Manila tungkol sa pagtatanggal ng Middle Name ng mga Filipino sa mga opisyal na dokumento sa Italya, at walang konsultasyong naganap sa mga Filinong migrante sa Italya bago naipatupad ang Circolare29.  Sa sulat na ito, humingi kami ngtulong kay Pangulong Aquino na mag-imbestiga at makipag-ugnayan sa DFA Manilana pag-utusan si Amb. Manalo na kanselahin o ipawalang-bisa ang Circolare 29.

18)            Marso 17, 2011: Pormal akong nakipag-usap (one onone table talk) kay Amb. Manalo upang tiyakin na gagawin niya ang kaniyang binitiwang salita noong Marso 13, at dito ay napagkasunduan namin na kapag nagkaroon na ng inisyal na porsyento sa plebisito gaya ng hamon noong Marso 13ay gagawa siya ng sulat para sa Ministero upang hilingin na dinggin at pag-aralan ang hinaing ng mayoryang migranteng Filipino sa Italya.

19)            Marso 20, 2011: Pormal na inilunsad ng TFC 29 ang isang plebisito na naglalayon na pakingganang boses ng malawakang masang Filipino dito sa Italya kung ano ang kanilangtunay na saloobin sa Circolare 29.

20)            Marso 27, 2011:  Maginoong hinamon ng panel ng TFC 29 sa pamamagitan ng Programa sa Radio na “Ugnayan sa Himpapawid” ang panel ng mga consiglieri para sa isang maginoong debate hinggil dito; upang sa bukas na paguusap sa harap ng mga mamamayan ay maipakita kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa mga migrante o kung sino ang nagsisinungaling sa pamamagitan ng maling mga impormasyon; ngunit hindi nila ito tinugon na marahil dahilan sa malalantad ang kanilang nagawang panlilinlang sa mga kababayan kung mayroon man.  Kung kaya patuloy ang hamon ng mgamamamayan na kung wala silang itinatago ay humarap sila sa madla.

21)            Abril 2, 2011:  Muling nag-pulong ang panig ng TFC 29 at Embahada upang pag-usapan ang gagawing sulat para sa Ministero. Sa puntong ito, ipinanukala ni Amb. Manalo na ang TFC 29 ang gagawa ng sulat at base sa sulat na iyon ay gagawa naman siya ng sulat ng pag-indorso sa Ministero.  Nangako si Amb. Manalo na sa hinaing ng mga migrante base sa sulat ng TFC 29 siya magbabase o ito ang kanyang magiging pamantayan.

22)            Abril 4, 2011: Personal ko’ng dinala sa Embahada ang sulat para sa Ministero na malugod naman tinanggap ni Amb. Manalo.

23)            Abril 14, 2011: Nakarating sa tanggapan ni Dir. G. Menghini ang sulat ng mga migrante sa pamamagitan ni Amb. Manalo ngunit hindi natupad ang pangako ni Amb. Manalo nahihilingin niya kay Dir. Minghini na bigyang pansin ang sulat na ito ng kaniyang mayoryang kababayan, sa halip ay salitang “transmit” lamang ang ginamit niya upang iparating ang nasabingliham.

24)            Abril 19, 2011:  Angkopya ng sulat para kay Dir. Minghini ay ipinadala ko kay Dott.ssa MichaelaLattarulo sa pamamagitan ng e-mail.

25)            Abril 20, 2011: Tinugon ni Dott.ssa M. Lattarulo ang nasabing e-mail at sinabing nakahanda angkaniyang tanggapan upang suriin ang mga kaganapan na hinggil sa bagay na iyon,kung kaya humiling ang TFC 29 ng isang tipanan (appointment) upang magkaroon ng isang seryosong diyalogo sa pagitanng TFC 29 at ng tanggapan ni Dot.ssa M. Lattarulo.

26)            Nobyembre 7, 2011:   Sumulat ang TFC kay Secretary Leila de Limang Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas at ipinadala namin ito sapamamagitan ng Embahada. Ang paksa ng aming sulat ay:  Paghinging isang balance, makatotohanan, matapat at makatarungang OPINION hinggil sausapin ng Middle Name ng mga Pilipino sa bansang Italia.

27)            Disyembre 5, 2011:   Ang TFC 29 ay sumulat kay Ms.Imelda Nicolas, Chairman ng Commission of Filipino Overseas (CFO), sa pamamagitan ng opisina ni Mr. Emerito Salud-Esq., Vice President for ExternalAffairs, Filipino American Legal Defense Fund (FALDEF), na may paksang, The Removal of the Middle Name in publicdocuments in Italy, upon the suggestion of the Philippine Embassy, isunreasonable, oppressive and a source of continuing problems for Filipinos,specifically the OFW in Italy.  Inulitnamin sa sulat na ito ang lahat ng mga hinaing namin sa itaas laban sa pagpapatupad ng Circolare 29 at humingi kami ng tulong na pakinggan na ang aming kahilingan na mapawalang-bisana ang Circular na ito.

27)            Disyembre 5, 2011:   Ang TFC 29 ay sumulat kay Ms.Imelda Nicolas, Chairman ng Commission of Filipino Overseas (CFO), sa pamamagitan ng opisina ni Mr. Emerito Salud-Esq., Vice President for ExternalAffairs, Filipino American Legal Defense Fund (FALDEF), na may paksang, The Removal of the Middle Name in publicdocuments in Italy, upon the suggestion of the Philippine Embassy, isunreasonable, oppressive and a source of continuing problems for Filipinos,specifically the OFW in Italy.  Inulitnamin sa sulat na ito ang lahat ng mga hinaing namin sa itaas laban sa pagpapatupad ng Circolare 29 at humingi kami ng tulong na pakinggan na ang aming kahilingan na mapawalang-bisana ang Circular na ito.

28)            Enero 26, 2012:   Sumulat ang TFC 29 sa bagong Ambassador ng  Embahada, si Amb. Virgilio A. Reyes, upang ipaalala sa kanya ang mga nakaraang usapin laban sa Circolare 29 na inamendahan ng Circolare 04, na hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring nagiging resolusyon.  Inulit namin sa kanya ang aming mga hinaing laban sa nasabing Circular at muling humingi ng tulong na mabawi o mapawalang-bisa ang Circolare 29 upang tuluyan nang mahinto ang mga protestang nagaganap madalas sa harapan ng opisina ng Embahada at manumbalik na ang kapayapaan sa hanay ng mga migranteng Filipino sa Italya. 

29)            Nobyembre 05, 2012: Muling sumulat ang TFC 29 kay Pangulong Aquino kung saan inulit namin sa kanyaang pinagmulan ng Circolare 29 at angmga suliraning nararanasan namin sa pagkapasa at pagpapatupad nito; at hiniling naming muli ang kanyang tulong na mabawi na ang pagpapatupad ng nasabing Circolare 29.



30)         Nobyembre 13, 2012:  Sinagot ng DFA si Senator Jinggoy Estrada hinggil sa hinaing namin sa kaniya noong Oktubre 4, 2012, subalit laking gulat ng lahat sa dahilang balintuna ang naging kasagutan ng Departamento. Ipinagigiitan nila na ang Circolare 29 ay ginawa ng Italian Authority para sa lahat ng dayuhan dito bagaman at ang mismong nakasaad sa Circolare ay para sa mga Pilipino lamang ang regulasyon at na ito ay kusang hiniling ng Embahada ng Pilipinas.



31)         Enero 30, 2014:  Muling sumigla at nagkaroon ng pag-asa ang mga OFW hinggil sa "issue" dahilan sa nagkaroon ng "FORUM" sa pamamagitan ng COMITATO ROMA CAPITALE ITALIA-EUROPA na dinaluhan ng panel ng Embahada at TaskForce-OFW. Sa nasabing pulong ay ipinaliwanag ng abugadong Italyano na ang sulirarin ay nag-mula sa Embahada at na ang basehan ng Rehistrasyon dito ay ang pasaporte. Nilinaw din na  ang karapatang pantao lalo na ng mga kababaihan at mga bagong ipanganganak ang nakasalalay na dapat na bigyan ng pagpapahalaga base sa Sentensya ng Korte di Strasburgo hinggil sa pagkaka-kilanlan.

Click here;  MIDDLE NAME: Sinumpaang Salaysay