KRONOLOHIYA NG MGA PANGYAYARI UKOL SA CIRCOLARE 29
1) Hulyo 20, 2010: Sa isang “Note Verbale” ng Ministero degli Affari Esteri, hiniling nito sa Embahada na linawin ang ukol sa kumpletong pangalan ng isangFilipino. Malinaw dito na ang hinihilingay klaripikasyon o paglilinaw lamang at hindi ang pagtatanggal ng anumangbahagi ng pangalan ng isang Filipino. Ito ay tanda ng paggalang at pagkilala sa pamamaraan ng pagsulat ngpangalan ng mga Filipino at pagtataguyod ng Italya ng isang lipunan na mabilisna nagiging multi-ethnic at multi-culural society.
2) Hulyo 2010: Hiniling ni Ambassador (“Amb.”) Romero Manalo ng Embahada sa Ministero dell’Interno (Ministry of theInterior) ang pagwawasto sa pagtatala ng pangalan ng isang mamamayang Filipinona naninirahan dito sa Italya sa pamamagitan ng pagtanggal sa Middle Name samga dokumentong pinagkaloob ng gobyernong Italya sa mga migranteng Filipino. Sa tingin ng TFC 29, ang naging tugon na itong Embahada ay isang maling kasagutan sa katanungan ng Ministero dell’Interno.
3) Oktubre 2, 2010: Dahil sa nabanggit na kahilingan ng Embahada, inilabas ng Ministero dell’Interno ang Circolare29. Pagkalabas ng kautusang ito, agadnagpatawag si Amb. Manalo ng isang pulong sa lahat ng mga pinuno ng Filipinocommunity (“Filcom”) dito sa Roma. Nabiglaang lahat dahil walang dumaang konsultasyon sa mga nasasakupan ng kautusang itodito sa Italya bago pa man ito ipinatupad. Kaya inulan ito ng mga pagbatikos at bumuhos ang galit ng mga migrantengFilipino.
4) Oktubre 7, 2010: Nagkaroon ng bisa ang Circolare 29.
5) Oktubre 28, 2010: Nagpatawag ang Embahada ng isang “Special Forum” upang ipaliwanag angtungkol sa Circolare 29 na dinaluhan ng mga consiglieri,mga lider ng iba’t-ibang komunidad, at mga organisasyon at indibidwal ngunit sanasabing forum ay binatikos atnagkaisang tinutulan ang nasabing Circolare 29.
6) Nobyembre 22, 2010: Napilitan ang kinatawan ng Embahada kasamasina Mr. Romulo Salvador, ConsigliereAgguinto Assemblea Capitolina per ilContinente Asia, at Ms. Pia Gonzales, ConsigliereMunicipale Agguinto Municipio XVI, na makipagpulong kay Dr. Gng. Menghining Ministero dell’Interno. Nagmistulang lihim ang pulong na ito dahilansa ang naging kasama lamang ng panel ng Embahada ay ang dalawang Consiglieri aggiunti na sina RomuloSalvador at Pia Gonzales.
a) Matapos ang pagpupulong, nagpalabas sila ngbalita na ayaw nang pumayag ng Ministerona i-urong pa ang nasabing Circolare 29 (walang kumpirmasyon dito ang Ministero dell’Interno) kaya ayon na rinsa mga consiglieri “ormai” wala nangmagagawa pa upang pigilin pa ang nasabing direktiba o panuntunan, kung kaya sinabihankaming pagaanin na lamang ang pagpapatupad nito, bagama’t hindi ito ang layonng mga Overseas Filipino Workers (“OFWs”) o migranteng Filipino sa Italya.
b) Ang katanungan ng TFC 29 ay, hindi ba anghinihiling ng Ministero ay kung anoang dahilan ng Embahada sa pagpapa-urong ng Circolare 29? Hindi po ba’t ang dahilan ay ang maramihangpagtutol dito ng mga migranteng Filipino at ang itinuturing naming malingpagkaka-hiling ng Embahada mismo upang tanggalin ang aming mga Middle Name samga opisyal na dokumento ng Italian government? Sa aming pagkakaalam ay hindinakapagbigay ng malinaw na paliwanag ang Embahada sa bagay na ito.
7) Nobyembre 23, 2010: Sumulat ang Ministero sa Embahada na binibigyan pa ito ng huling pagkakataon atpagpapasya kung ano ang gagawin at tunay na layon ukol sa bagay na ito. Naniniwala ang TFC 29 na ang sulat na ito ay nagpapahayag na maari pang bawiin o ipa-hinto ang pagpapatupad ng Circolare 29, balintuna sa naunang pahayag ng ating mga sariling opisyales na wala nangmagagawa pa para pigilin ito.
8) Disyembre 9, 2010: Sa pangunguna ng UMANGAT (Ugnayan ng mgaMigrante Tungo sa Pag-unlad), ay naglunsad ng isang kampanya at kilos protestalaban sa pagpapatupad ng Circolare 29 sa harap ng Embahada. Dahil dito ay napilitan si Amb. Manalo na magpatawag ng isang diyalogo sa mga nagproprotesta sa araw ding iyon. Sinabi ng Ambasador sa harap ng mganakipag-diyalogo na titingnan niya kung ano ang maaring magawa upang mapaurong ang pagpapatupad ng Circolare 29 sa Ministero dell’Interno. Inihayag pa niya na tinangka na niyang bawiin sa pamamagitan ng isang sulat sa Ministero dell’Interno subalit hindi na ito pinakinggan ng nasabing ahensya (wala ring pormal na kumpirmasyon ang Ministero ukol dito at/o walang nasusulat na ebidensya ukol dito). Sa pagkakataong ito lumitaw nanagbago ang posisyon ng mga consigliere kasama si Ms. Liza Bueno ng CIS Provinciadi Roma, ang kanilang pagpanig sa Embahada, na taliwas sa kanilang naging unang posisyon, at siya ring ikinabigla ng mga migranteng Filipino na nagtatanong kung sino ba ang pinaglilingkuran at kaninong interes angitinataguyod ng mga consigliere. Hindi ma-arok at nabibigyan pa ngkapaliwanagan, sila ba, ang mga consiglieriay laban sa mga OFW o Migranteng Filipino sa halip na maging tagapagtanggol ngdignidad ng mga ito?
9) Disyembre 26, 2010: Nagkaroon ng pagpupulong ang kinatawan ng Embahada(Amb. Manalo at Ms. Labat) at ng UMANGAT at ilang concerned migrants upang igiit ng huli ang binitawang pangako niAmb. Manalo. Muli na namang nangako siAmb. Manalo na haharapin niya ang usapin sa Circolare 29 sa lalong madalingpanahon at magpapatawag siya ng malakihang pulong ng mga migrante bago siyatumulak patungong Pilipinas, ngunit lumipas ito at hanggang sa nailabas na ng Ministero dell’Interno ang tinatawag na Circolare04 ay walang naganap na pagpupulong na nagpapakita lamang ng kawalan niya nginteres sa hinaing ng mga migrante.
10) Enero 2011: Lumarga na ang UMANGAT para sa isang malawakang kampanya laban sa Circolare29 at nagdaos ng “petition signing” sa mga iba’t ibang Filcoms dito sa Roma atmaging sa labas ng Roma.
11) Enero 24, 2011: Lumabas ang Circolare 04, isang giya upang mapadali ang pagpapatupad ng Circolare29.
12) Pebrero 6, 2011: Nagpulong ang mga kinatawan ng mga iba’t ibang organisasyong migrante dito sa Italya sa tanggapan ng UMANGAT: at nagbuo ng isang alyansa at pansamantalang komite na tinawag na Task Force Circolare 29 (o Alyansa ng mga Migranteng Pilipino sa Italya). Ang alyansa ay nagsilbing daluyan at kasangkapan ng patuloy na pag-aaral at pagpapalawak sa kampanya laban sa Circolare 29 at iba pang mga kagyat na isyu na kinakaharap ng mga migranteng Filipino dito sa Italya at sa buong mundo tulad ng mandatory PAG-IBIG membership, pension, di-magandang asal ng ilang kawani sa Embahada, at iba pa.
13) Pebrero 8, 2011: Sumulat ang TFC 29 ng isang Position Paper at pinadala namin ito kayPangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Inilahad namin dito na: (i) ang Pilipinas ay isang bansang maysobereniya at sariling pagkakakilanlan, na mayroong sariling mga batas,kultura, at mga kaugalian; (ii) noong 1996, ipinag-utos ng Department ofForeign Affairs (DFA) ng Pilipinas na ang middleinitial sa passport ay palitan ng fullMiddle Name upang maiwasan ang kalituhan sa pagkakakilanlan (identity) ng isang tao; mula sa panahongiyon ay hindi naging balakid sa mga dokumentasyon ng migranteng Pilipino angpagre-rehistro o pagpapalit kalagayan mula sa middle initial patungo sa buongmiddle name, (iii) sa loob ang halos 14na taon ay walang malubhang naging suliranin sa bagay na ito kaya hindi naminmaunawaan ang layon ng Circolare 29 dahil ginagalang naman ng Italya angpagkakakilanlan at mga batas ng Pilipinas at hindi naman nito pinipilit naumayon tayo sa paraan ng paggawa ng kanilang mga dokumento, at dahil ang ibangmga nasyonalidad na nasa Italya ay hindi naman apektado ng ganitong uri ngkautusan tulad ng Circolare 29; (iv) hindi man lamang kami nakonsulta bago naipatupad ang Circolare 29; (v)dahil dito, pakiramdam namin ay napagbili na ang aming mga karapatan at karangalan; at ito ay nagdulot ng matinding sikolohikal, materyal, ekonomikalat pisikal na suliranin at pagod sa amin, at posibleng pagkawala ng mga trabaho sa ibang Filipinong OFWs dito sa Italya.
14) Pebrero 13, 2011: Muling nagpulong ang TFC 29 at nagkaroon ngeleksyon at pagbuo ng mga planopara pamunuan ang alyansang ito. Ditorin pinagtibay ang pagpapatawag ng isang asembliya ng lahat ng mga migrantedito sa Roma sampu ng mga kawani ng Embahada sa pamumuno ni Amb. Manalo.
15) Marso 10, 2011: Nagpatawag ng isang “Convegno” sa Sacro Cuore subalit hindi ito maituturing na matagumpay dahil hindi nakapanayam ng mga migranteng Filipino si Dot.ssa Michela Lattarulo, Dirigente Area Anagrafe della Popolazione Residence, Ministero degli Interni.
16) Marso 13, 2011: Nagdaos ng isang asembliya ang TFC 29 sa simbahan ng Sta. Pudenziana (o ang Sentro Pilipino)na kung saan naging panauhin sina Amb. Manalo, Consul Ibayan at ConsulCristine. Pormal na inilatag ang hamonng alyansa kay Amb. Manalo kung may magagawa pa siya para pigilin angpagpapatupad ng Circolare 29. Sa harapng mahigit sa 100 migrante na nakinig sa kanya (sa kabila ng masamang panahon at ng malakas na pag-ulan), ipinahayag nang kagalang-galang na Ambassador na sa ilalim ng kanyang kapangyarihan (bilang isang institusyon) ay may magagawa pasiya at tungkuli’t obligasyon niyang ipaabot sa mga kinaukulan ng gobyernong Italya (o sa Ministero dell’Interno)ang tunay na hinaing ng mga migranteng Filipino dito sa Italya. Ngunit,makaraan lamang ng dalawang araw, tahasang tinalikuran ni Ambassador angkanyang mga salita sa harap ng asembliya at naglabas siya ng isang Information Bulletin No. 8 – 2011 at ang implementing rules and regulations (IRR) na nagsasabing hindi iuurong ang pagpapatupad ng Circolare 29.
17) Marso 16, 2011: Muling nagpadala ng sulat ang TFC 29 kay Pangulong Aquino kung saan ipinaalala namin sa kanya ang nauna naming sulat na may petsang Pebrero 8, 2011at ibinalita sa kanya ang asembliyang nasabi sa itaas noong Marso 13, 2011 kung saan dumalo sina Amb. Manalo, Consul Ibayan at Consul Cristine. Dito inamin ni Consul Ibayan na walang memorandum o anumang kautusan o direktibang galing saDFA Manila tungkol sa pagtatanggal ng Middle Name ng mga Filipino sa mga opisyal na dokumento sa Italya, at walang konsultasyong naganap sa mga Filinong migrante sa Italya bago naipatupad ang Circolare29. Sa sulat na ito, humingi kami ngtulong kay Pangulong Aquino na mag-imbestiga at makipag-ugnayan sa DFA Manilana pag-utusan si Amb. Manalo na kanselahin o ipawalang-bisa ang Circolare 29.
18) Marso 17, 2011: Pormal akong nakipag-usap (one onone table talk) kay Amb. Manalo upang tiyakin na gagawin niya ang kaniyang binitiwang salita noong Marso 13, at dito ay napagkasunduan namin na kapag nagkaroon na ng inisyal na porsyento sa plebisito gaya ng hamon noong Marso 13ay gagawa siya ng sulat para sa Ministero upang hilingin na dinggin at pag-aralan ang hinaing ng mayoryang migranteng Filipino sa Italya.
19) Marso 20, 2011: Pormal na inilunsad ng TFC 29 ang isang plebisito na naglalayon na pakingganang boses ng malawakang masang Filipino dito sa Italya kung ano ang kanilangtunay na saloobin sa Circolare 29.
20) Marso 27, 2011: Maginoong hinamon ng panel ng TFC 29 sa pamamagitan ng Programa sa Radio na “Ugnayan sa Himpapawid” ang panel ng mga consiglieri para sa isang maginoong debate hinggil dito; upang sa bukas na paguusap sa harap ng mga mamamayan ay maipakita kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa mga migrante o kung sino ang nagsisinungaling sa pamamagitan ng maling mga impormasyon; ngunit hindi nila ito tinugon na marahil dahilan sa malalantad ang kanilang nagawang panlilinlang sa mga kababayan kung mayroon man. Kung kaya patuloy ang hamon ng mgamamamayan na kung wala silang itinatago ay humarap sila sa madla.
21) Abril 2, 2011: Muling nag-pulong ang panig ng TFC 29 at Embahada upang pag-usapan ang gagawing sulat para sa Ministero. Sa puntong ito, ipinanukala ni Amb. Manalo na ang TFC 29 ang gagawa ng sulat at base sa sulat na iyon ay gagawa naman siya ng sulat ng pag-indorso sa Ministero. Nangako si Amb. Manalo na sa hinaing ng mga migrante base sa sulat ng TFC 29 siya magbabase o ito ang kanyang magiging pamantayan.
22) Abril 4, 2011: Personal ko’ng dinala sa Embahada ang sulat para sa Ministero na malugod naman tinanggap ni Amb. Manalo.
23) Abril 14, 2011: Nakarating sa tanggapan ni Dir. G. Menghini ang sulat ng mga migrante sa pamamagitan ni Amb. Manalo ngunit hindi natupad ang pangako ni Amb. Manalo nahihilingin niya kay Dir. Minghini na bigyang pansin ang sulat na ito ng kaniyang mayoryang kababayan, sa halip ay salitang “transmit” lamang ang ginamit niya upang iparating ang nasabingliham.
24) Abril 19, 2011: Angkopya ng sulat para kay Dir. Minghini ay ipinadala ko kay Dott.ssa MichaelaLattarulo sa pamamagitan ng e-mail.
25) Abril 20, 2011: Tinugon ni Dott.ssa M. Lattarulo ang nasabing e-mail at sinabing nakahanda angkaniyang tanggapan upang suriin ang mga kaganapan na hinggil sa bagay na iyon,kung kaya humiling ang TFC 29 ng isang tipanan (appointment) upang magkaroon ng isang seryosong diyalogo sa pagitanng TFC 29 at ng tanggapan ni Dot.ssa M. Lattarulo.
26) Nobyembre 7, 2011: Sumulat ang TFC kay Secretary Leila de Limang Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas at ipinadala namin ito sapamamagitan ng Embahada. Ang paksa ng aming sulat ay: Paghinging isang balance, makatotohanan, matapat at makatarungang OPINION hinggil sausapin ng Middle Name ng mga Pilipino sa bansang Italia.
27) Disyembre 5, 2011: Ang TFC 29 ay sumulat kay Ms.Imelda Nicolas, Chairman ng Commission of Filipino Overseas (CFO), sa pamamagitan ng opisina ni Mr. Emerito Salud-Esq., Vice President for ExternalAffairs, Filipino American Legal Defense Fund (FALDEF), na may paksang, The Removal of the Middle Name in publicdocuments in Italy, upon the suggestion of the Philippine Embassy, isunreasonable, oppressive and a source of continuing problems for Filipinos,specifically the OFW in Italy. Inulitnamin sa sulat na ito ang lahat ng mga hinaing namin sa itaas laban sa pagpapatupad ng Circolare 29 at humingi kami ng tulong na pakinggan na ang aming kahilingan na mapawalang-bisana ang Circular na ito.
27) Disyembre 5, 2011: Ang TFC 29 ay sumulat kay Ms.Imelda Nicolas, Chairman ng Commission of Filipino Overseas (CFO), sa pamamagitan ng opisina ni Mr. Emerito Salud-Esq., Vice President for ExternalAffairs, Filipino American Legal Defense Fund (FALDEF), na may paksang, The Removal of the Middle Name in publicdocuments in Italy, upon the suggestion of the Philippine Embassy, isunreasonable, oppressive and a source of continuing problems for Filipinos,specifically the OFW in Italy. Inulitnamin sa sulat na ito ang lahat ng mga hinaing namin sa itaas laban sa pagpapatupad ng Circolare 29 at humingi kami ng tulong na pakinggan na ang aming kahilingan na mapawalang-bisana ang Circular na ito.
28) Enero 26, 2012: Sumulat ang TFC 29 sa bagong Ambassador ng Embahada, si Amb. Virgilio A. Reyes, upang ipaalala sa kanya ang mga nakaraang usapin laban sa Circolare 29 na inamendahan ng Circolare 04, na hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring nagiging resolusyon. Inulit namin sa kanya ang aming mga hinaing laban sa nasabing Circular at muling humingi ng tulong na mabawi o mapawalang-bisa ang Circolare 29 upang tuluyan nang mahinto ang mga protestang nagaganap madalas sa harapan ng opisina ng Embahada at manumbalik na ang kapayapaan sa hanay ng mga migranteng Filipino sa Italya.
29) Nobyembre 05, 2012: Muling sumulat ang TFC 29 kay Pangulong Aquino kung saan inulit namin sa kanyaang pinagmulan ng Circolare 29 at angmga suliraning nararanasan namin sa pagkapasa at pagpapatupad nito; at hiniling naming muli ang kanyang tulong na mabawi na ang pagpapatupad ng nasabing Circolare 29.
30) Nobyembre 13, 2012: Sinagot ng DFA si Senator Jinggoy Estrada hinggil sa hinaing namin sa kaniya noong Oktubre 4, 2012, subalit laking gulat ng lahat sa dahilang balintuna ang naging kasagutan ng Departamento. Ipinagigiitan nila na ang Circolare 29 ay ginawa ng Italian Authority para sa lahat ng dayuhan dito bagaman at ang mismong nakasaad sa Circolare ay para sa mga Pilipino lamang ang regulasyon at na ito ay kusang hiniling ng Embahada ng Pilipinas.
31) Enero 30, 2014: Muling sumigla at nagkaroon ng pag-asa ang mga OFW hinggil sa "issue" dahilan sa nagkaroon ng "FORUM" sa pamamagitan ng COMITATO ROMA CAPITALE ITALIA-EUROPA na dinaluhan ng panel ng Embahada at TaskForce-OFW. Sa nasabing pulong ay ipinaliwanag ng abugadong Italyano na ang sulirarin ay nag-mula sa Embahada at na ang basehan ng Rehistrasyon dito ay ang pasaporte. Nilinaw din na ang karapatang pantao lalo na ng mga kababaihan at mga bagong ipanganganak ang nakasalalay na dapat na bigyan ng pagpapahalaga base sa Sentensya ng Korte di Strasburgo hinggil sa pagkaka-kilanlan.
Click here; MIDDLE NAME: Sinumpaang Salaysay
Click here; MIDDLE NAME: Sinumpaang Salaysay
No comments:
Post a Comment