Noong nakaraang taon ang Manila International Airport Authority (MIAA) at ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ay nagpalabas ng Memorandum Circular (MC08), Nakasaad dito na ang binabayarang Terninal Fee ng mga pasaherong dumadaan sa NAIA ay integrado na o kasama na sa halaga ticket ng sasakyang eroplano.
Samakatuwid sa halip na direktang magbayad ng terminal fee sa airport, ang kaukulang halaga nito ay nakapaloob na sa presyo ng tiket ng mga pasahero.
Sa unang tingin ay maganda, a-akalain mong wala ng abala at makapag dudulot ng aliwalas sa iyong pagbi-biyahe, kaya't hindi mo mapapansin ang plinanong panlilinlang.
Subalit ang tanong ay: "Papaano ang mga OFW, sila na mga exemted sa terminal fee dahil sa prebilehiyo bilang mga Bagong Bayani?"
Agad ang kanilangg tugon, "Maaari umano silang mag-refund basta may proof as OFW o mayrooon silang ma-ipakikitang Exit-Pass.
MAGANDA SA PANINGIN!!!
Subalit usisain natin ang panlilinlang na nakapaloob sa nasabing scenario: Sa mahigit na lima/pitong milyong OFW, Ilan ang may kakayahan na makapag-refund ng halagang limandaang piso at limapu 550.00pesos? Mga OFW na pagod sa biyahe, sabik na makita ang pamilya, kakulangan sa oras, haba ng pila, at mga iba't-ibang samu't-saring ka-abalahan?
KATOTOHANAN:
Walang karaka na makapagre--refund bunga ng mga dahilang nabanggit, At muli ang dagdag na tanong: "Saan mapupunta ang mga nalikom na salaping hindi mare-refund???
Marami na po ang nag-protesta, pinangunahan pa ito ng ilang mga mambabatas, Sa kasalukuyan ay mayroong TRO upang pigilin ang implementasyon nito, Subalit kamakailan lamang tahasang ipinahayag na sa darating na Pebrero taong kasalukuyan (Febrero 2015) ay itutuloy na nila ang implementasyon.
Kaya mga kababayan, Susugan natin ang mga na-una nang pagtutol, Tutulan natin ang "tahasang panlilinlang na ito" na isang marka ng pandarayukdok nila sa atin bilang mga simpleng mamamayan.
Sa pamamagitan ng ating mga lagda ay ipakita natin na tayo man ay hindi sang-ayon sa tahasang panloloko ng ilang mga namumuno sa ating bansa.
Ipakita natin at igiit ang paghingi ng katarungan, Sapagka't hindi makatarungan ang harap-harapan kang nakawan ng mismong iyong pamahalaan.
Sa darating na Enero 25, 2015 araw ng linggo ganap na ika-11:00 n.u hanggang ika-4:00 n.h. magsama-sama po tayo sa gaganaping "Signing Against Fraud" sa "Basilica di S. Prudenziana" Via Urbana, 160 ROMA.
PANGALAGAAN ANG DIGNIDAD NATING MGA PILIPINO!!!
TUTULAN ANG TAHASANG MGA PANLOLOKO!!!
PIGILIN ANG IMPLEMENTASYON: "Integration of the P550 terminal fee into airline tickets"
MARAMING SALAMAT PO!
TaskForce - OFW International
Sentro Pilipino "Socio-Cultural"
No comments:
Post a Comment