Mga kababayan,
Kamakailan lamang ay ginulantang tayo ng mga balita ukol sa mga kaganapan sa North Borneo (ngayon ay Sabah), Ito ay matapos na tumulak patungo roon ang ating mga kababayang Muslim na ang karamihan ay mula sa Tribu ng TAUSUG upang igiit ang kanilang karapatan sa nasabing lupain sapagka't tila binalewala ng kasalukuyang pamahalaan ang kahilingan na muling buhayin ang paghahabol dito.
Ang pangyayari ay nag-resulta ng mga labanan sa pagitan ng tinatawag na Sultanate Royal Army at ng Malaysian Security Forces. Kaugnay nito ay nagkaroon ng malawakang pagdakip sa mga Pilipino na pinaghihinalaang mga "sympathiser" ng mga Pilipinong Sultan, "Over killed" ang naging aksyon ng mga militar sa pamamagitan ng pambobomba sa mga kampo ng ating mga Guerrero(ng) mga kababayan.
Ang mga karahasang ito ay nagsimula pagkatapos na magpalabas ng pahayag si Presidente Noynoy Aquino na sumuko na ang hukbo ng mga TAUSUG at bumalik na sa Pilipinas. Matatandaang sa pahayag na ito ay binanggit pa ng panig ng gobyerno na kakasuhan ang mga ito bagama't ang hangad lamang ay ang kunin ang kanilang karapatan sa pagkamay-ari na pamana ng mga ninuno. Ito ang tila nagbigay ng lakas ng loob sa gobyerno ng Malaysia upang salakayin ang mga kapuwa-Pilipino natin na nagbabantay lamang naman sa kanilang binabawing lupain.
Nagmistulang makapili na traydor ang ating gobyerno mismo matapos sumang-ayon na tawaging terorista ang ating mga kababayang MUSLIM na nagkampo doon. "SUBALIT MATATAWAG BANG TERORISTA ANG MGA TAONG INAGAWAN NG LUPA AT KAYA LUMALABAN AY NAGHAHANGAD LAMANG NA BAWIIN ANG KANILANG MANA? TERORISTA NA BA ANG ISANG HUMAWAK NG ARMAS DAHIL SA PAGNANAIS NA IPAGTANGGOL ANG KANIYANG KARAPATAN?"
Mapagta-tanto natin sa kasaysayan na ang North Borneo ay bahagi ng Sultanato ng Sulu, At para sa kabatiran na magpa-hanggang sa ngayon ay nagbabayad pa ng "taunang upa" ang gobyerno ng Malaysia sa mga Sultan.
Sa magkasunod na panahon ng pamamahala nina Pangulong Diosdado Macapagal at Presidente Ferdiand E. Marcos ay matibay ang paninindigan ng ating paghahabol na mabawi ang Sabah.
Subalit katakatakang tila hindi na na-ungkat ito magmula nang maluklok na Pangulo si Cory Aquino, tila hindi na rin ito natalakay pati ng mga sumunod na rehimen sa kaniya at hanggang sa ngayon nga na ang kaniyang anak na si Noynoy ang siyang Presidente ay mas naging masahol pa dahil tila nagiging kakampi pa siya ng "Land Gabber" na Malaysians Government.
Habang tumatagal ay parami ng parami sa ating mga kababayan at lumalawak ang na-aapektuhan sa mga pangyayari hindi lamang sa Sabah kundi maging sa Sulo hanggang Tawi-tawi.
KUNG KAYA:
Tayo ay nananawagan sa ating pamahalaan na alang-alang sa ating lahi ay gumawa siya ng kongkretong sulusyon upang sa lalong madaling panahon ay malutas ang krisis na ito. Isang kalutasang hindi magbababa ng moralidad natin bilang mga Pilipino na ang Bansa'y Republika!
Nananawagan din po tayo sa lahat nating mga kababayan at mga ka-OFW na magka-isa upang ma-susugan ang hinaing ng ating mga kapatid sa kanilang mga lihitimong karapatan na magdudulot rin naman ng kabutihan para sa ating bayan sa paraang pang-ekonomiko, kultural at kasarinlan.
Nananawagan tayo na tutulan ang sa gobyernong "diwa" ng pagpapa-alipin sa karatig bansa!
Ka-alinsabay nito si Congressman Teddy Casino ay nag-pasa ng isang Resulusyon hinggil sa usapin ng Sabah.
Nagpahayag rin ang Secretary General ng United Nation na si Ban Ki Mon ng isang mapayapang solusyon sa suliranin. Ang panig ng Sultanato ay nag-deklara ng Uni-Lateral Ceasefire.
Nakalulungkot dahilan sa binalewala ng Malasysia ang mga ito, Una ay ang sa U.N. at ikalawa ay ay ang sa Sultanato na tila magkasuwato ang dalawang gobyerno ng Pilipinas at Malaysia sapagka't ang pahayag ng panig ni P-Noy ay "unconditional surrender".
Minsan pa... Mga kababayan... Mga ka-OFW... Magsama-sama po tayo... Magkaisa... IPAGTANGGOL ANG ATING KARAPATAN!
MABUHAY ANG PILIPINAS... MABUHAY ANG BAYANG MAHARLIKA!
Signed:
_____ _________________Ms. Rita PerezFounding President , TaskForce - OFWVia Bernardino Bernardini, 2200156 Roma Italia
Attested:
_____________________________Engr. Noel Aragon GofredoSecretary General, TaskForce - OFW
Noted:
______________________________Hon. Datuk [Sir] Felix M. Landicho Jr. - KRSSFounder & International OrganizerTaskForce - OFW InternationalE-Mail: filipinoalliance@yahoo.it
No comments:
Post a Comment