Habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga OFWs na nasasadlak sa suliranin.
Ang kanilang pag-asa na makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa pamilya ay tila nagiging panaginip pa rin na maituturing.
Nakalulungkot na sa mga ganitong pangyayari ng pagkapariwara ay bantulot silang lumapit ng direkta sa ating mga Pasuguan upang humingi ng tulong.
Bakit tila may pangamba na bumabalot sa kanila?
Hindi ko ma-arok kung bakit parang mas natatakot silang lumapit sa mga ahensya o tao na dapat ay maging kakampi nila sa gitna ng mga problema.
Ganoon pa man naririto tayo na maninindigan at mamamagitan upang sa ganoon ay mapalawak natin ang sapot ng pagtutulungan.
Umasa kayo na sa abot ng ating mamakakaya, kahit na magkalayo ang agwat ng ating kinaroroonan, narito kami na kayo ay handang tulungan.
Gagawin namin ang lahat ng buong lakas at ka-alaman upang ma-isalba kayo sa tiyak na kapahamakan.
Bagaman at hindi kasimbilis ng inyong ina-asahan, subalit malumanay man ay may katiyakan na makakamit ng bawa't isa ang katarungan sa tulong na rin ng may malasakit nating mga kaibigan.
No comments:
Post a Comment