Sunday, January 17, 2016

Unang hakbang upang lutasin ang kurapsyon!

Ang dapat unahin na magkaroon ng makatarungang pamamalakad ay ang COMELEC, magbigay ito ng patas o balanseng pagtingin sa mga kandidato.

1. Dapat walang survey hangga't hindi pinal ang listahan ng mga lihitimong kandidato (lalo't higit ay sa Presidential), Sa ganoon mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na mag-isip at magsaliksik upang makapili ng wasto, at gayon din ang mga kandidato na hindi kilala subalit may kakayahan at may karapatan ay mabibigyan ng patas na laban.

2. Ang mga ads sa mga telebisyon ay nararapat na sa kontrol at pamamahala ng Comelec, Dapat na random ito sa iisang pagkakataon,. Halimbawa (kung) may anim na kandidato hahatin ito sa patas na minuto/segundo upang sa ganoon sama-samang makapagbibigay ng impormasyon sa bayan ng kani-kanilang nagawa, gagawin at pagkatao!

3. Dapat istrikto sa deadline ng COC filing, sa ganoon magiging huwaran ng disiplina at pag iwas sa panlilinlang.

4. Dapat intact ang requirements, Kapag hindi sapat sa hinihinging requirements na ipa-publish 9 na buwan bago ang last day of filing ay hindi tatanggapin upang sa ganoon maiwasan ang mga habla ng pag diskwalipika sa isang kandidato na nagpapatagal ng proseso ng halalan at nagiging sanhi ng kurapsyon(bayaran) sa kina-uukulang mga hukom na hahatol sa usapin.

5. Dapat ang isa sa mga requirement na maging pinaka-istrikto ay ang authenticated na pirma ng atleast 1% ng nasasakupang hurisdiksyon ng tungkuling nais gampanan(ang walang ganito ay awtomatikong nuisance), at na ito ay gagawin sa mga nakatalagang prisinto 100 araw bago ang filing date. 




***Matapos na makapili ng pinuno sa pamamagitan ng halalan, Ma-isasa-ayos na ang iba pang ahensya upang mapag-sali't-sali't (revamp) ang mga opisyales sa bawa't mga ahensya na lulusaw sa malakihang kurapsyon.


@. gagawin ko iyan... pag ako ang Presidente! - ®bjf

No comments: