Monday, June 13, 2016

Pilipino sa Roma Makatotohanang Nagdiwang ng Araw ng Kalayaan

Press Release:                                                                                                               June 13, 2016

Sa kauna-unahang pagkakataon ang mga Pilipino sa Roma ay nakapagsagawa ng pagdiriwang ng anibersayo ng Kalayaan ng Pilipinas sa mismong lugar na kinaroroonan ng Bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal. 

Ito ay taliwas sa naka-ugalian, sapagka't ang pagdiriwang na ginanap ay binuo at inorganisa ng mga karaniwang OFWs na nagdi-day off sa Piazzale Manila kung saan naroon ang nasabing bantayog ng pambansang bayani.

Uma-ayon naman  sa diwà ng pagiging OFWs ang naging tema ng pagdiriwang: "KALAYAAN SANDIGAN SA PANGINGIBANG BAYAN", Sumasalamin ito sa buhay pakikibaka, pagtatanggol, at pagtataglay ng dignidad bilang mabuting Pilipino na nakiki-halubilo sa ibang lahi habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa

Magugunitang mula pa noong 2007, ay halos hindi pinapansin ang lugar ng Piazzale Manila partikular ang bantayog ni Gat. Jose Rizal kapag dumarating ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, Bagama't ng mga sumunod na taon ng pagdiriwang sila ay nagpupugay subalit ito at tila paimbabaw na pagdalaw lamang sa pambansang bayani dahil ang ginaganap programa ng pagdakila ay halos isang oras lamang na pagbati (salute) at tila pakunswelong pag-aalay ng karangalan at susundan ito ng dagliang pag-alis upang magdaos ng kapistahan sa malayong lugar.

Subalit sa pakikipagtulungan ng TaskForce - OFW Chairperson Josephine Duque, Gruppo Europa Roma Esquilino ni Signor Gianni Saviola, MAGSINGALEÑEOS INT'L. ASSOCIATION sa pamumuno ni Mr. Ghil Tolentino, CIUDAD FERNANDINA na pinangunahan ng kanilang Bise Mr. Robert Raposas, GEMPA Piazza Manila  Chapter ni GMF Marcos Segoba Dapon, MERACLE OF SALVATION MISSIONARIES ni Ms. Julie Cardona, GBII ni ICGMF Rodolfo Casio, SPAIR sa pamamatnugot nina Pres. Teofilo Galicia at  Mr. Virgilio Garcia, at mga indibiwal na sina; Mr. Eufrosino Estrella, Ms. Rowena Ugale, Ms. Maybelyn Ruganao Acain, Ms. Antonina Casio, Ms. Imelda Uclaray, at Mr. Eniego Xander Fontanilla ay matagumpay na naisagawa  ng "Peoples of Piazzale Manila" ang  mga  programa na kinapalooban ng mga sumusunod:

Pag-aalay ng bulaklak sa mga bayaning Pilipino (hindi lang kay Rizal) na nagsipagbuwis ng buhay makamit lamang ang tinatamasa nating kalayaan.

Pagpapalipad ng 118 na mga lobo bilang simbolo ng kalayaang ating tinatamasa na nakamit 118 ton na ang nakararaan, At pagsasagawa ng mga maka-kultural na sayaw, awitin,  tula at maging ang pag-sisiwalat ng tradisyunal na panatang makabayan.

Inawit din ang makabayang awitin na "Bayan Ko" na sinundan ng mga pananalita ng mga lider na totoong nagmalasakit sa selebrasyong ginanap ng walang halong kurapsyon, gaya ng panawagan ng papasok na adminstrasyong Duterte.

Matapos ang programa bandang hapon ay itinuloy ang kasayahan sa pamamagitan ng mga palarong Pilipino na nagbigay ng kasiyahan hindi lamang sa mga kabataang nagsidalo kundi sa ating mga may-gulang na kababayan at mga senior citizens.

May ngiti sa mga labi ang mga nakakuha ng mga papremyo, na bawa't isa ay nagsasabi:  "SALAMAT PO SA UULITIN!"

Matatandaang bumuo ang mga day-off'ers sa Piazzale Manila ng isang kumite at tinawag itong "Philippine Independence Celebration Committee (P.I.C.C.)"  upang itaguyod ang isang "Real Independence Day Celebration" na dinamayan ng TaskForce - OFW Int'l. upang maisa-ayos ang Programa at ang pagkuha ng kaukulang permit nito.

Hindi naman nagdalawang isip ang iba pang mga asosasyong una ng nabanggit na tulungan ang payak na mithiin ng ating mga kababayan kahima't  hindi ito kinakitaan ng suporta mula sa  embahada.

Ganun pa man hindi naging hadlang ang sinasapantahang pang-gigipit ng pasuguan sa ating mga kababayan, matagumpay pa ring na-idaos ang pagdiriwang na dinaluhan ng humigit-kumulang pitong dang (700) mga Pilipino.

Nagalak na rin at nagpasalamat ang karamihan ng makita at dumalo ang Consul General na si Ginoong Bernie Condolado, at maganda naman ang laman ng kaniyang ipinaabot na  mensahe, ang  pananawagan sa  patuloy na pagkaka-isa.

Sinundan naman ng  iba pang mga lider at panauhin ang nasabing bilang upang makapagbigay na rin sila ng kani-kanilang mensahe, pagbati, pakiki-isa at pakiki-saya!

Sa panayam naman sa  isang myembro ng isa sa mga grupong kabilang sa mga pangunahing tumulong sa ginanap na palatuntunan; napapa-isip siya na tila walang pagpapahalaga ang mga opisyales ng embahada sa mga Pinoy sa Piazza Manila dahilan sa wala aniya ang mga itong kinabibilangang asosasyon o FilCom, kung kaya nahimok siya na  maki-isa sa mga ito para  ma-isakatuparan ang kapistahan. "para naman kasing balewala sa kanila ang damdamin ng mga OFW, parang hindi kami mga kababayan kung ituring, iyan ang pakiramdam namin"  -  dagdag pa niya.

Unang una'y sa ating Panginoon,  Nagpapasalamat ang mga taga Piazzale Manila sa pangunguna ng napiling "Hermano Mayor" na si Dating Konsehal Larry Pizzaro Pacpaco sa mga tumulong, naki-isa at nagpakita ng pagiging makabayan, na  ang naging bunga ay ang matagumpay   at  isang maka-totohanang pagdiriwang ng araw ng kalayaan.

Gayon din sa mga kusang loob na dumamay(sponsor) gaya nina: GMA News, Europhil Cargo, 
Mr.&Mrs, Victor Castillo, Mr.&Mrs Arnulfo Viloria , Mr. Hermogene Upano, Mr. Willie , Mr.&Mrs. Oscar Paranada, Ms. Josephine B. Duque, Mr. Arnold Rebudal, Mr.&Mrs. Ronald Rabara, Ms. Maybelyn Alcain, Mr&Mrs. Rodolfo Casio, Mr.&Mrs. Rulynard Ugale, Mr.&Mrs. Jimmy Ninofranco, Mr.&Mrs Rey Fernandez, Signor Giovanni Saviola, Mr. Judito Estopacia, Mr. Fil Galicia, Ms. Julie N. Cardona, Mr.&Mrs.Philip Acain at Ms. Imelda Uclaray.

"Sana sa susunod na taon, lalo pa nating mapagtibay ang ganitong uri ng pagdiriwang, at muli nating maisagawa ng tunay na pagkaka-isa gaya ng naganap ngayon sa lugar na ito, Uma-asa akong katulad ng pangyayaring ito ay hindi mahadlangan ng sinoman ang pagnanais nating pagbibigay dangal sa ating bayan at sa ating mga bayani." -  ayon kay pa Konsehal Pacpaco!

®bjf 
                   
  

Wednesday, June 1, 2016

Pangunahing Dapat Pagtuunan ng Pansin sa Barangay

Ang mga bagay na nararapat  mangyari sa isang malusog at  mapayapang Barangay na maaari lamang magkaroon ng katuparan kapagkà  may kaalaman,  kakayahan,  karanasan at katapatan  sa liderato ang mamumuno sa  Barangay!                                                       

Una ay ang Barangay; Residential Status

Karaniwan na ang isang dating payak at simpleng barangay ay tahimik, subalit kapag ito ay dinagsa ng mga maninirahan buhat sa iba't-ibang malalayong lugar, nagsisimula nang magkaroon ng kaguluhan at pagbabago ng kalakaran.

Ang dahilan ay hindi na masyadong ma-control ng mga opisyales ang mga residente bukod pa sa hindi nila talastas ang mga nagsidating na dayuhan sa kanilang lugar.

Papaano mapapanatili ang ka-ayusan at kapayapaan sa kani-kanilang pook(barangay), Sapagka't dapat mapanatili ang ka-ayusan ng mga lugar na kanilang tinatangkilik?

Isang simpleng paraan ang dapat gawin ng isang pinuno ng barangay hinggil sa panuntunan sa pagtanggap ng bawa't maninirahan dito kapagkà mayroong dayuhan mula sa ibang lugar na nais maki-pamayan sa kanila.

1.)  Nararapat na hingan ng Barangay at Police Clearance mula sa lugar na kaniyang pinanggalingan ang sinoman dudulog upang makipamayan sa nasabing baranggay.

2.) Alamin ang tamang impormasyon(interview) kung papaano at sino ang reperensya(taga baranggay) kung bakit/papaano(mga kadahilanan) siya napadpad dito.

3.) I-check (sa pamamagitan ng communication) sa opisyal ng barangay na pinanggalingan ang mga impormasyon at tiyak na pagkaka-kilanlan sa nasabing makikipamayan.

4.) Kapag natiyak na may maayos siyang record at/o reperensya mula sa barangay na pinanggalingan, maaari na siyang payagan na manirahan subalit kinakailangan pa ring obserbahan ng hindi bababa sa 180 araw upang tiyakin ang katiwasayan alang-alang sa kapakanan ng barangay sa kabuoan.

Bakit kina-kailangan gawin ang mga bagay na ito?

A.) Ang barangay ay isang sagradong kumunidad kung kaya nararapat na ito panirahan ng kalipunang mamamayan na magtuturingan na parang iisang pamilya.

B.) Kung magkaka-kilala ng lubusan sa pamamagitan ng tamang impormasyon ang bawa't kasapi ng barangay ay matiwasay na makapaninirahan ng walang agam-agam at takot.

C.) Makapagdudulot ito ng isang payapa at pamayanang walang deskriminasyon matapos ang nasabing apat na pasusulit.

D.) Sakaling magkaroon ng isang hindi ina-asahang pangyayari, ang isang nakipamayan ay maaring proteksyunan at na maaring mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon sa mga ka-anak sa lugal na dati niyang pamayanan.

E.) Maka-iiwas sa mga hindi ina-asahang krimen gaya ng malimit nating matunghayan sa mga pahayagan sapagka't kilala ng bawa't isa ang isa't-isa, na makapagdudulot ng pagmamalasakit ng bawa't magkaka-barangay.

Iyan ay nararapat na gawin sa pagpapatupad at/o pagpapairal ng pagka-maninirahan (residential status) sa bawa't barangay. Subalit may iba pang mga nararapat na pag-ukulan ng pansin at iyan ay ang pamumuhay sa kumunidad(Barangay), Gaya nang:

Ang mga taga barangay ay magiging masaya at mapayapa kapag mayroon silang pinagkakakitaan, partikular ang mga kababaihan, at sa halip na sa mga umpukan (tsismisan, mumunting sugalan, at ibapa) ang karaniwang pagka-abalahan ng mga kababaihan.

Ang tiyak at dagdag na kita ay nakatutulong maka-alis ng stress ng isang may-bahay kung kaya maiibsan ang karaniwan ng hindi pagkaka-unawaan sa mga tahanan na magdudulot ng masayang pamilya sa loob ng barangay.

Kaya marapat na lumikhà ng mga programang pangkabuhayan (livelyhood program) na makapagbibigay ng dagdag na kita upang makatulong sa ama ng tahanan.

Kailangan din ang palagiang mga pag-konsulta at seminars na magbibigay ng tamang impormasyon na pangkalusugan, pangkabuhayan, pagpa-plano ng pamilya at panglipunang moral (social / moral values) at tamang pakikipag-ugnayan.

Ang mga barangay roads ay kailangan ding laging usisain kung nananatili ang  ka-ayusan  upang maipatupad ang tamang pagmantine(maintenance) at  magamit sa malusog na mga paglalakbay sa pagyao't  dito sa loob ng barangay.

Ang mga Tanod na mangangalaga sa katiwasayan ay dapat  isalang sa mga tumpak na pagsasanay(trainings) sa pamamgitan ng mga eksperto, nararpat din silang bigyan ng tama at/o presentable na  uniporme,  modernong kagamitan gaya ng; batuta na may mga tear gas,  flash light, kable at iba pang kagamitan para sa rescue sa panahon ng pangangailangan.

Isa sa mga problema ng Barangay lalo't higit sa mga probinsya ay ang ligaw na hayop, kapag pinanatili ito ay lilikhà ng gulo at pag-aaway dahil sa pagkasira ng mga pananim ng mamamayang maingat  bunga ng kapabayaan ng may-ari ng mga naturang mga hayop , kaya dapat  na estrikto sa bagay na ito.

Hindi ang lahat subalit karaniwan ng umiiral ang bawal na gamot sa barangay, gayon din ang mga mumunting nakawan na posibleng lumaki at/o lumala kapagka hindi ito na-agapan.

Nararapat na maging maingat, mapagmatyag ang pamunuan ukol dito, walang sisinuhin kapag may napatunayang lumabag sa mga umiitral at iiral na mga Ordinansa.

Sa barangay Justice ay dapat isagawa ang istilong Jury upang maiwasan ang palaksan ng mga magkakamag-anak, sakaling magkroon ng mga hindi inaasahang mga gusot o kaguluhan.

Ilan lamang iyan sa mga nararapat na ipa-iral sa Barangay upang maging matiwasay at payapa ang kundi man lahat ay nakatitiyak na malaking porsyento% ng populasyon.

Isasagawa ko ang mga bagay na iyan, Kapagkà ako ang Punong Barangay! - ®bjf