Press Release: June 13, 2016
Sa kauna-unahang pagkakataon ang mga
Pilipino sa Roma ay nakapagsagawa ng pagdiriwang ng anibersayo ng Kalayaan ng
Pilipinas sa mismong lugar na kinaroroonan ng Bantayog ng pambansang bayani na
si Dr. Jose Protacio Rizal.
Ito ay taliwas sa naka-ugalian, sapagka't ang pagdiriwang na ginanap ay binuo at inorganisa ng mga karaniwang OFWs na nagdi-day off sa Piazzale Manila kung saan naroon ang nasabing bantayog ng pambansang bayani.
Uma-ayon naman sa diwà ng pagiging OFWs ang naging tema ng
pagdiriwang: "KALAYAAN SANDIGAN SA
PANGINGIBANG BAYAN", Sumasalamin ito sa buhay pakikibaka,
pagtatanggol, at pagtataglay ng dignidad bilang mabuting Pilipino na
nakiki-halubilo sa ibang lahi habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa
Magugunitang mula pa noong 2007, ay halos hindi pinapansin ang lugar ng Piazzale Manila partikular ang bantayog ni Gat. Jose Rizal kapag dumarating ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, Bagama't ng mga sumunod na taon ng pagdiriwang sila ay nagpupugay subalit ito at tila paimbabaw na pagdalaw lamang sa pambansang bayani dahil ang ginaganap programa ng pagdakila ay halos isang oras lamang na pagbati (salute) at tila pakunswelong pag-aalay ng karangalan at susundan ito ng dagliang pag-alis upang magdaos ng kapistahan sa malayong lugar.
Magugunitang mula pa noong 2007, ay halos hindi pinapansin ang lugar ng Piazzale Manila partikular ang bantayog ni Gat. Jose Rizal kapag dumarating ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, Bagama't ng mga sumunod na taon ng pagdiriwang sila ay nagpupugay subalit ito at tila paimbabaw na pagdalaw lamang sa pambansang bayani dahil ang ginaganap programa ng pagdakila ay halos isang oras lamang na pagbati (salute) at tila pakunswelong pag-aalay ng karangalan at susundan ito ng dagliang pag-alis upang magdaos ng kapistahan sa malayong lugar.
Subalit sa
pakikipagtulungan ng TaskForce - OFW Chairperson Josephine Duque, Gruppo Europa
Roma Esquilino ni Signor Gianni Saviola, MAGSINGALEÑEOS INT'L. ASSOCIATION sa
pamumuno ni Mr. Ghil Tolentino, CIUDAD FERNANDINA na pinangunahan ng kanilang
Bise Mr. Robert Raposas, GEMPA Piazza Manila Chapter ni GMF Marcos
Segoba Dapon, MERACLE OF SALVATION MISSIONARIES ni Ms. Julie Cardona, GBII
ni ICGMF Rodolfo Casio, SPAIR sa pamamatnugot nina Pres. Teofilo Galicia
at Mr. Virgilio Garcia, at mga indibiwal na sina; Mr. Eufrosino
Estrella, Ms. Rowena Ugale, Ms. Maybelyn Ruganao Acain, Ms. Antonina Casio, Ms.
Imelda Uclaray, at Mr. Eniego Xander Fontanilla ay matagumpay na
naisagawa ng "Peoples of Piazzale Manila" ang mga
programa na kinapalooban ng mga sumusunod:
Pag-aalay
ng bulaklak sa mga bayaning Pilipino (hindi lang kay Rizal) na nagsipagbuwis ng
buhay makamit lamang ang tinatamasa nating kalayaan.
Pagpapalipad ng 118 na mga lobo bilang simbolo ng kalayaang
ating tinatamasa na nakamit 118 ton na ang nakararaan, At pagsasagawa ng mga
maka-kultural na sayaw, awitin, tula at maging ang pag-sisiwalat ng
tradisyunal na panatang makabayan.
Inawit din ang makabayang awitin na "Bayan Ko" na
sinundan ng mga pananalita ng mga lider na totoong nagmalasakit sa selebrasyong
ginanap ng walang halong kurapsyon, gaya ng panawagan ng papasok na
adminstrasyong Duterte.
Matapos ang programa bandang hapon ay itinuloy ang
kasayahan sa pamamagitan ng mga palarong Pilipino na nagbigay ng kasiyahan
hindi lamang sa mga kabataang nagsidalo kundi sa ating mga may-gulang na
kababayan at mga senior citizens.
May ngiti sa mga labi ang mga nakakuha ng mga papremyo, na
bawa't isa ay nagsasabi: "SALAMAT PO SA UULITIN!"
Matatandaang bumuo ang
mga day-off'ers sa Piazzale Manila ng isang kumite at tinawag itong
"Philippine Independence Celebration Committee (P.I.C.C.)"
upang itaguyod ang isang "Real Independence Day Celebration" na
dinamayan ng TaskForce - OFW Int'l. upang maisa-ayos ang Programa at ang
pagkuha ng kaukulang permit nito.
Hindi naman nagdalawang
isip ang iba pang mga asosasyong una ng nabanggit na tulungan ang payak na
mithiin ng ating mga kababayan kahima't hindi ito kinakitaan ng suporta
mula sa embahada.
Ganun pa man hindi
naging hadlang ang sinasapantahang pang-gigipit ng pasuguan sa ating mga kababayan,
matagumpay pa ring na-idaos ang pagdiriwang na dinaluhan ng humigit-kumulang
pitong dang (700) mga Pilipino.
Nagalak na rin at
nagpasalamat ang karamihan ng makita at dumalo ang Consul General na si Ginoong Bernie
Condolado, at maganda naman ang laman ng kaniyang ipinaabot na mensahe,
ang pananawagan sa patuloy na pagkaka-isa.
Sinundan naman ng iba pang mga lider at panauhin ang
nasabing bilang upang makapagbigay na rin sila ng kani-kanilang mensahe,
pagbati, pakiki-isa at pakiki-saya!
Sa panayam naman sa isang myembro ng isa sa mga
grupong kabilang sa mga pangunahing tumulong sa ginanap na palatuntunan;
napapa-isip siya na tila walang pagpapahalaga ang mga opisyales ng embahada sa
mga Pinoy sa Piazza Manila dahilan sa wala aniya ang mga itong kinabibilangang
asosasyon o FilCom, kung kaya nahimok siya na maki-isa sa mga ito para
ma-isakatuparan ang kapistahan. "para naman kasing balewala
sa kanila ang damdamin ng mga OFW, parang hindi kami mga kababayan kung
ituring, iyan ang pakiramdam namin" - dagdag pa niya.
Unang una'y sa ating Panginoon, Nagpapasalamat ang mga taga Piazzale Manila sa pangunguna ng napiling "Hermano Mayor" na si Dating Konsehal Larry Pizzaro Pacpaco sa mga tumulong, naki-isa at nagpakita ng pagiging makabayan, na ang naging bunga ay ang matagumpay at isang maka-totohanang pagdiriwang ng araw ng kalayaan.
Gayon din sa mga kusang loob na dumamay(sponsor) gaya nina: GMA News, Europhil Cargo, Mr.&Mrs, Victor Castillo, Mr.&Mrs Arnulfo Viloria , Mr. Hermogene Upano, Mr. Willie , Mr.&Mrs. Oscar Paranada, Ms. Josephine B. Duque, Mr. Arnold Rebudal, Mr.&Mrs. Ronald Rabara, Ms. Maybelyn Alcain, Mr&Mrs. Rodolfo Casio, Mr.&Mrs. Rulynard Ugale, Mr.&Mrs. Jimmy Ninofranco, Mr.&Mrs Rey Fernandez, Signor Giovanni Saviola, Mr. Judito Estopacia, Mr. Fil Galicia, Ms. Julie N. Cardona, Mr.&Mrs.Philip Acain at Ms. Imelda Uclaray.
"Sana sa susunod
na taon, lalo pa nating mapagtibay ang ganitong uri ng pagdiriwang, at muli
nating maisagawa ng tunay na pagkaka-isa gaya ng naganap ngayon sa lugar na
ito, Uma-asa akong katulad ng pangyayaring ito ay hindi mahadlangan ng sinoman ang
pagnanais nating pagbibigay dangal sa ating bayan at sa ating mga bayani." - ayon kay pa Konsehal Pacpaco!
No comments:
Post a Comment