Sa nakalipas na mga panahon ang mga Senior OFWs ay nagkaroon ng malaking bahagi sa ating lipunan, at sila ay naging tunay na ka-akibat sa pasanin ng ating bayan.
Matapos na mapakinabangan ang kanilang ambag ay nararapat na atin itong tugunan at bigyan sila ng sapat na pagkalinga.
Sila higit kaninoman ang nangangailangan ng ating gabay at pagmamalasakit.
Kaya bilang katuwang na magtataguyod ng pamayanan ay nais kong isulong ang mga bagay na makapagbibigay sa kanila ng tunay na pagtangkilik.
Gagawin natin at ipagbibiyaya sa kanila ang mga nararapat na welfare at interes upang pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Ang Senior OFWs ay minsan nating nakatuwang, ngayon ang tamang panahon upang sila'y alalahanin at agapayan!
Tayo man ay darating sa kalagayang kanila ngayong kinaroroonan.
No comments:
Post a Comment