Tinig
ng OFWs
Ni:
Bro. Junn Landicho
Noong
September 7, 2017 ay nagpalabas ng Advisory ang Philippine Embassy sa
Rome Italy at naging kontrobersyal ang issue na ito hinggil sa birth
certificate ng mga minors bilang requirement sa pag-renew ng kanilang
passport.
Ito
ay tila naka-gimbal sa mga OFWs sa Italia partikular sa Roma, kung
kaya sinikap nating makapanayam ang Philippine Consulate sa Roma.
Sa
pag-uusap ay nabatid natin na marami palang na-encounter na problema
ang passport department lalong-lalo na sa system at na ito di-umano
ay nakapagpapatagal sa proseso, kung kaya minarapat ng Department of
Foreign Affairs (DFA) na ipatupad muna ang alituntuning ito, na
hingan ng birth certificate mula sa PSA/NSO ang mga aplikante.
Nagkaroon
ng malaking pag-aalala sa panig ng migranteng Pilipino dahil sa may
kahirapan bukod pa sa napakatagal kung sa PSA/NSO na naka-base sa
Maynila pa nila kukunin ang nasabing documento.
Nagdulot
ito ang mga samu't-saring isipin at mga komento, at ang mga iba ay
bahagyang nagagalit na.
Dahil
dito ipinanukala ng Column na ito na; "habang hinihintay natin
ang pinaka-final na dedisyon ng departamento mula sa pagka-alam ng
kung ano ang pinaka-ugat ng suliranin partikular sa circuito",
ay tanggapin ang "orihinal na Report of Birth" na issue ng
embahada mismo.
Agad
namang pinaunlakan ng Consul General ang nasabing suhestiyon kalakip
ang pangakong mag-hahanap pa sila ng iba pang paraan upang mas
makapagpagaan sa requirements para sa kaginhawahan ng mga OFWs.
Anipa
ni ConGen Bernie Condolado; maaari rin nilang tanggapin ang mga birth
certificate na kinuha sa PSA "via" online upang hindi
mapag-isipan na ang "requirements sa renewal ng Passport tila
nadagdagan!
No comments:
Post a Comment