Ni: Bro. Junn Landicho
Noong
"September 7, 2017" ay nagdaos ng isang forum sa pagitan ng mga lider na Pilipino sa
Roma at ng embahada, naging panauhin si DFA Under Secretary Sarah Arriola,
tinalakay doon ang issue tungkol sa ATN o Assistance to National.
Maraming
mga katanungan ang nasagot naman ng malumanay ni USec. Arriola at nakagagalak
ang kaniyang mga binitawang pahayag.
Magugunitang
noong mga nakaraang panahon, ay maraming reklamo sa tanggapang ito (ATN) lalo na sa mga usapin
ng pagpapauwi ng mga labi(bangkay) ng mga sinawing palad sa pandarayunhan.
Ngunit sa pamamagitan ni USec, ay nabatid natin sa
kaniya ang kaibahan ng sitwasyon sa ngayon, aniya pa kabilin-bilinan ng
Pangulong Duterte na huwag pabayaan o iwan sa ere ang mga OFWs dahil ang mga
ito umano ay malapit sa kaniyang puso.
Ayon
pa kay Ms. Arriola, ang lahat ng mga usapin at pangangailangan ng mga OFWs ay
ka-agad na tutugunan ng ahensya basta magbigay lamang ng kaukulang pormal na
reklamo(kung mayroon man) o pormal na pahingi ng ayuda o tulong ng mga
mangangailangan OFW maging ng pamilya nito.
Ang
mga ganitong pahayag ay nagpapakita na nababanaag na natin ang talagang
pagbabago.
Sana
nga mag tuloy-tuloy na ito at sana'y higit na maramdaman natin sa aktwal na
pagkakataon at hindi sa mga ganitong pahayag lamang.
Ganun
pa man, sa ating pananaw ay ma-aasahan natin ang katapatan ng ni USec. Arriola
at nakikita natin ang senseridad ng kaniyang mga tinuran.
Sa
panig naman ng mga OFWs, maka-aasa naman
ang ating pamahalaan sa pakikipagtulungan, basta maging tapat lamang ang mga
nakatalaga sa kani-kanilang tungkulin.
Pagkaka-isa
ang daan ng tunay na pag-asa kaya ito ang nararapat nating isulong at bigyan ng
pagpapahalaga upang makamit natin ang matagal ng mini-mithing pagbabago, na
unti-unting nadarama na ng mga OFWs.
No comments:
Post a Comment