Tinig ng OFW
Ni Bro . Junn Landicho
Samu't-sari ang mga issue pagdating sa buhay ng OFWs, gaya halimbawa noong 2010 naging mabigat na usapain ang tungkol sa middle name dahil ito ay ipinatanggal ng mismong embahada sa mga personal na documento ng mga Pilipino na dito.
Sari-saring dahilan at kalaunan ay sinasabing ito raw ay batas ng Italia, subalit kung susuriing mabuti ay kabalintunaan ang lahat, Nauna nang na-itala na ang bagay na ito ay inisyatibo mismo ng Philippine Embassy at hindi ng Italian government kung kaya ang kanilang mga pahayag ay mga panlilinlang lamang.
Napakasakit isipin na kahit hindi man lamang sumasagi sa isipan ng gobyernong ito (Italian Government) ang tungkol sa middle name ay kusa itong ipinangalandakan ng embahada na kailangang tanggalin, na nagbunga ng pagtanggal sa sariling karapatan ng isang Pilipinong dayuhan sa Italia upang gumamit ng kaniyang personal na pagkakakilanlan ng na-aayon sa sarili niyang pagpapasya na hindi naman makasisira sa pamayan ni hindi banta sa siguridad ng bansa.
Kamakailan lamang isang Pilipino na naman ang pinagpabalik-balik ng isang ahensya ng gobyerno ng Italia dahil ang kaniyang Permesso di Soggiorno (permit of stay) ay walang middle name at na hindi kasuwato ng kaniyang Pasaporte na mayroon nito.
Isang ka-abalahan sa isang manggagawa ang magpaliban-liban sa kaniyang trabaho at trauma na nagulat na lamang sa mga pangyayari, bukod pa sa may panganib na matanggal dahil sa paulit-ulit ng pagliban.
Tinanong natin ang pamunuan ng embahada sapagkat ang payo ng Italiano ay isa-ayos ang P.Soggiorno na dapat ay kasuwato ng Pasaporte, Subalit mariin nilang sinabi na hindi maaaring ilagay ang middle name sa Italian document dahil lalabag di-umano sa agreement ng DFA at ng Italian Government.
Ang tanong anong agreement? Nasaan ito? Bakit hindi ito nalalaman ng mahigit dalawang daang libong (200.000) Pilipino sa Italia na siyang apektado? Ito ba ay panibagong panloloko lamang ng Philippine Embassy na naka-base sa Roma?
Nagsusumamo kami sa gobyernong Duterte at kay Secretary Allan Cayetano, Sana po ay matuldukan na ito, Itong mahigit na pitong taon ng pambabalahura ng embahada sa aming mga OFWs dito sa Italia.
Umaasa pa rin kami na may katotohanan ang pagtawag sa amin na mga bagong bayani at naniniwalang ang Duterte Government ay maka-OFW at hindi maka-opisyal ng gobyernong walang malasakit sa nandarayuhang Pilipino.
No comments:
Post a Comment