Sunday, March 1, 2015

SIGNATURE CAMPAIGN AGAINST FRAUD

BUMABA NA ANG PRESYO SA PANDAIGDIGANG MERKADO, 
IBABA RIN ANG PPRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN

March 1, 2015·  · Taken at Santa Pudenziana


Mga kababayan,



Nabatid natin na simula pa noong nakaraang Nobyembre, 2014 ay nagtuloy-tuloy hanggang sa ngayon ang pagbaba ng presyo ng petrolyo gaya ng: gasolina, gaas, krudo at iba pa sa pandaigdigang pamilihan, at tinatayang aabot sa pinakamababang US$50 ang kada-bariles.


Kasabay nito ay bumaba rin ang euro na sa ngayon ay aabot na lamang sa tinatayang €1 kontra sa peso P49/50 na sa biglang tingin ay napakaganda dahilan sa tila unti-unting uma-angat ang economia ng ating bansa sa sitwasyong ito ng palitan.


Subalit ang nakalulungkot, halos lahat ay nag-roll back maliban sa ating mga pangunahing bilihin. Mataas pa rin ang presyo ng asukal, gatas, kape, mantika, bigas, (pang)ulam at iba pang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Ang mga OFW ay naagtatanong na bakit ganito, Sa kabila ng pang-mundial na pagbaba ng bilihin ay nananatiling mataas pa rin ang presyo sa ating mga pamihihan?


Papaano ang kalagayan nating mga OFW? Bumababa ang palit ng ipinadadala na naka-aapekto sa budget ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas sapagka't hindi nagbabago ang presyo ng kanilang mga pangunahing gugol.


Kaya ating usisain at alamin ang kadahilanan, "Hindi tayo tutol sa pagbaba ng palitan" sapagkat dito'y masasalamin na tayo ay umuunlad, Subalit dapat ma-ipadama ang katotohanan ng pag-unlad na ito, Nararapat na kasabay ng pagbaba ng dolyar/euro ay kasabay ding ibaba ang presyo ng mga bilihin.


Dahil dito ay nagsagawa tayo ng pandaig-digang pagpirma na nilahukan ng ibat-ibang grupo na aming ka-alyado sa ibat-ibang lugar (bansa) upang kondenahin ang hindi makatarungang pananatili ng mataas na bilihin sa kabila ng pagbaba ng petrolyo na siyang basehan ng merkado.


Ito po ay ngayong ika-1 ng Marzo 2015 araw ng linggo dito sa Basilica S. Prudenziana, Via Urbana ROMA ganap na ika-10:00 n.u. hanggangg ika-1:00 n.h. na sasabayan ng ibat-ibang lugar gaya ng nabanggit na.


Kasunod nito ay ang isang mahalagang dialogo/forum sa ganap na alas-2:00 n.h. hanggang alas-5:00 n.h. na nilahukan ng mga FilCom Leaders dito sa Roma, mga nasa Business sector gaya ng remmittance at/o cargo sa pamamagitan ng representante na kanilang ipinadala.

Ang layunin ng usapin ay upang makabuo ng isang kongkretong “Position Letter” na kukuhanin sa mga opinyon at suhestion ng mga magsisidalo.


Upang sa pamamagitan ng pag-indorso ng ilang mambabatas na may malasakit sa mga OFW ay ma-ipaabot natin sa kina-uukulan ang naturang kalatas kasama ng mga malilikom nating pirma mula sa iba’t-ibang lugar na makikilahok.



TaskForce – OFW International 
Sentro Pillipino “Socio Culttural” 
Federation of Women in Italy

1st March, 2015 – Rome Italy

************************************************************************************************


“” POSITION LETTER “”



Sa kina-uukulan,


Bunga ng sanggunian na naganap noong ika-1 ng Marso sa harap ng Embahada ng Pilipinas Via Medaglie d’Oro, 114 Roma, Ay nakalikom kami ng iba’t-ibang saloobin ng mga nagsidalo. 


Base sa kanilang mga opinyon at suhestion minabuti namin na isaad ang hinaing na nais ng mga OFW hinggil sa usapin.


Na; hinihikayat namin ang pamahalaan na makipagbantay sa mga daloy ng presyo ng ating bilihin kaugnay ng kalakaran at aktwal na kaganapan sa pandaigdigang merkado.


Na; hinihimok namin na magkaroon ng isang susubaybay sa presyo (price control) upang i-ugnay sa pambansang pamamalakad hinggil sa sahod ng mga manggagawa.


Na; hinihiling namin na bigyang pansin ang hinaing na ito upang kahit kaunti ay mabigyang pagpapahalaga ang pagtawag sa amin ng “Bagong Bayani” na siyang higit na apektado sa mga kaganapan.


Ang mga ito ay inilalapit namin sa pamahalaan ng bansang Pilipinas upang aming madama ang sinasabing paglakas ng Piso na mababanaag kapagka ang Pisong iyan ay may nabibiling mga pangunahing pangangailangan, at na harinawa ay mapagtuunan ng pagpapahalaga ang aming mga karaingan!



TaskForce – OFW Int’l.

No comments: