Saturday, March 28, 2015

Solusyon sa Suliranin ng Street-Children


Lubhang lumalala ang problema na nakikita natin para sa ating mga kabataang kapus-palad, ang mga tinatawag na street children na tila bagĂ  mga sukal ng lipunan sa paningin ng mga mapanuring mga mata ng ilang mga mamamayan.

Bakit nga ba ganito ang ating mga lansangan sa lungsod? Sino ba ang dapat sisihin na ng  dahil sa kanilang kakapusan ay dumarami ang tila dumi ng kalsada? Sabi ng iba ay ang gobyerno, ayon naman sa mga mapanuri ay mga tamad raw ang mga ito kaya nasadlak sa ganitong mga kalagayan.

Nakalulungkot na ang magkabilang panig (gobyerno at bayan) ay nagsisisihan sa halip na magtulungan upang lutasin ang ganitong agam-agam na pare-pareho naman tayong apektado.

Kung pagtutunan ng pansin ng pamahalaan at makiki-isa ang mga mamamayan, madali lamang ang solusyon sa usaping iyan.      Ngunit papaano?

Matatandaang kamakailan ay  lumabas sa mga pahayagan ang di-umano'y pagtatago ng DSWD sa mahigit isang daang mga kabataang tinatawag nating mga  palaboy ng lansangan.

Ito ay dahil sa pagbisita ng Papa at tila nais ng gobyerno na maging maganda ang mamamalas ng panauhin mula sa Vatican kapagka ito ay namasyal (tour) sa ating mga pangunahing siyudad. Napa-ulat na gumastos sila ng halos 4.8 milyong piso upang pagtakpan ang katotohanang galaw ng ating pamumuhay.

Simple ang kanilang  ginawa nilikom ang mga kabataan, dinala sa isang piniling lugar at doon ay pansamantalang binigyan ng magandang buhay: pinakain, nilinis at tila dinamitan. Ngunit matapos iyon, pagkatalikod ng ating bisita, balik na naman sa dating pamumuhay ang mga nabanggit, ang mga kabataang nasa isang kalagayang tila nilimot ng Maykapal.

Sa puntong ito, dito natin simulan ang balakin, ang ginawa nila ang magiging giya natin upang lutasin ang panlipunang suliranin hinggil sa street children. 

Kung susuriing mabuti ang pangyayari, madali lamang palang soslusyunan ang bagay na ito, Sapagka't kung nakapaglabas sila ng pondo para sa pansamantalang kaligayahan na dulot ng pagmamapuri sa dayuhan, Bakit hindi magawang ang pondong iyan (na mayroon naman) ay i-gugol para sa panghabang panahong kalutasan?

Nasa pamahalaan ang pagpapasya, nasa kaniya ang kakayahan, siya lamang ang makagagawa nito, isang simpleng paraan na kung lilimiin ay tiyak na makapagdudulot ng kaginhawahan sa ating lahat.

SIMPLE:

  1. Maglaan ng sapat na pondo para makapagpatayo ng isang malawak at maginhawang  “village” sa karatig pook ng alinmang lungsod na sangkot, Isang “township” na nililibot ng matatag na bakod at mayroon lamang isang malaking tarangkahan (main gate).                                                                                                                                                                                   
  2. Sa nasabing village na yaon doon bubuoin ang isang malusog na kumunidad, Maglalagay ng mga klinika, paaralan (hanggang vocational), at maayos na pabahay (sapat na tubig, ilaw,  kumunikasyong pang-aliwan “wifi” at centralized television). Ang sapat na pagkain ay sa isang ma-aliwas at malinis na mess-hall makakamtan at  naroroon din ang malalaking screen ng telebisyon upang sila ay hindi mahuli sa mga pambansang kaganapan at pa-abiso.                                                                                         
  3. Kapag nakahanda na ang lahat, pwersahang dakpin (ipagpaumanhin ang terminong dakpin) ang bawa’t makikitang palabuy-laboy sa lansangan at dalhin sa nasabing “township” upang doon tamasahin ang biyayang sinasabi sa “bilang 2” na makapagpapabago sa kaniyang pananaw sa buhay.                                                               
  4. Ang mga maninirahan doon ay nararapat magkaroon ng minsan kada ika-60 araw na asembleyo upang magkaroon ng palagiang orientasyon o seminar sa ganoon hindi mawawala sa kanilang ka-isipan ang maggandang layunin kung bakit sila naroroon.          
  5. Maraming pakinabang (advantage) ang makukuha dito, partukular sa pamahalaan at malaking tulong din sa pagsugpo ng kriminalidad ang bagay na ito bukod pa sa makapagdudulot ng kagalakan sa mga mamamayan.  Anu-ano ang mga ito?
5a.)      Malilinis natin ng tuwiran ang lansangan, kung kaya mas gaganda ang imahe ng ating  bansa.
5b.)   Hindi na mangangailangang magkunwari kapag may dumating tayong panauhin sa pamamagitan ng napabalitang pagtatago sa ating mga sawing kabataan.
5c.)  Malulutas ang maraming usapin ng kriminalidad. Alam natin na halos ang mga kabataang nasa kalsada ay nagagamiit ng mga masasamang elemento upang palawigin at patatagin ang kanilang mga sindikato, kapagka nasa loob na ng pangangalaga sa nasabing “villlage” ang mga ito maka-iiwas na sila sa panganib na malulong sa kasamaan lalo’t higit ay sa masasamang bisyo.
5d.)     Maraming mga naglayas mula sa probinsya (sa personal nilang kadahilanan), Ang mga ito ay nagiging palaboy lalo’t hindi na niya makuhang bumalik sa pinanggalingan at ang iisa pa ay nasasadlak sa maling kakilala. Kung mapupunta sa nasabing “township” ang mga ganoon maka-iiwas sila sa kapahamakan at madali rin na matutunton ng mga kamag-anak kung siya ay hahanapin. Ngunit papaano kung kaya naglayas ay dahil sa pag-iwas sa kapahamakan gaya halimbawa ng:   pagmaltrato ng madrasto/a, abuso ng magulang, o tahasang pagtatago?  Iyan ang isa pang nasolusyunan, dahil siya ay nasa pangangalaga na ng nilikhang kumunidad, mayroong siyang kalayaan na mamili kung nais niyang bumalik sa pamillya o manatili sa bagong tahanan. Ang hindi lamang natin pinapayagan ay ang maging palaboy sila sa mga pampublikong lansangan, kung kaya nga sinisikap na bigyan sila ng ma-ayos at makatarungang pamumuhay.
5e.)   Magiging malusog ang ating bansa at lipunan dahil sila ay mabibigyan natin ng tamang edukasyon. Ang tamang edukasyon ang sagot upang limutin ang rebolusyon,  kung kaya malaking bahagi ng proyekto (kung gagawin) ang maibibigay nito para sa pambansang kapayapaan at kaunlaran.

  1. Paano naman ang mga mapapaloob dito, hindi kaya sila makunsinti sa katamaran at umasa na lamang sa pamahalaan habang nasa village, Sapagka’t libre ang tahanan, paaralan, at pagamutan at marami pang iba?   Ang sagot ay hindi sila makukunsinti sa katamaran,  Sapagka’t ang lahat ay dadaan sa proseso ng tamang disipllina.
6a.)       Sila ay sasanayin upang maging mahuhusay at makatarungang mga boluntaryo.
6b.)    Base sa kakayahan maaari silang ipadala(assign) sa iba’t-ibang larangan gaya ng: pagtulong sa paglilinis ng mga lansangan, metropolitan, mga pampublikong terminal,  pampublikong pamilihan at iba pa. Natural dahil sila ay nagsisipag-aral, ay bibigyan sila ng makatarungang oras para sa pagganap ng tungkulin (hindi trabaho) kaya may dignidad ang kanilang gagawin sa pang-araw araw at taas noo nilang masasabi maging sa kanilang sarili na hindi sila pabigat sa lipunan.
6c.)    Kapag ang isang township-member ay nakatapos ng vocational course na nasa loob din ng village, siya nararapat na mabigyan ng matatag at marangal na trabaho base sa kaniyang natutunan at kapag mayroon na siyang sapat na ika-bubuhay maaari na siyang magpasya na umalis ng village upang mamuhay ng payapa ng na-aayon sa kaniyang kakayahan. 
6d.)    Kung sakali at ayaw niyang lumabas ng pamayanan dahil napamahal na sa kanya ito at kinasanayan na rin, obligado siyang magbayad ng karampatang upa para sa kaniyang inu-okupang pabahay at iba pang benepisyo na ka-ugnay dito,  sa ganoon ay magiging parehas ang pagtrato sa kumunidad, ang mga wala pang trabaho naman  ay patuloy na magiging mga boluntaryo at muli ma-uusal nilang “hindi sila pabigat sa liipunan”.
6e.)    Ang mga boluntaryo may nararapat ding magtamasa ng gantimpagal na sapat para sa kaniyang personal na kaaliwan.

Ito ang napaka-simpleng bagay na kung gagawin lamang ay magiging isang mabuting paraan upang masolusyunan ang suliranin patungkol sa street children.

Kung nakapagpalabas ng pondo (ang DSWD) para sa pansamantalang kaginhawahan upang gamitin lamang sa pagkukunwari, Bakit naman hindi  maaaring pondohan ang pangmatagalang progreso na magdudulot ng kaunlaran, kapayapaan at magandang larawan ng ating bayan?

Kung makakapagbigay ng mahigit na 70bilyong pisong pondo para sa BBL at nakapagbigay bilyong piso din  sa iba pang aktibidades ng pamahalaan gaya ng PDAF, DAF at iba pang pinagkaka-kitaan lamang ng iilang opisyal, makakaya rin na makalikha ng ganitong halaga para sa kapakanan ng mga street children at iba pang mga karaniwang mamamayang kapus-palad.

Nasa atin ang kakayahan, ang pamahalaan ay dapat mag-isip para sa kapakanan ng bayan, ang mamamayan ay nararapat naman na maki-isa “kung” may mga ganitong magagandang simulaing nais ipatupad.


Magsama-sama po tayo, Ibabalik natin ang dignidad ng ating bansa!


      Datuk (Sir) Felix M. Landicho Jr., KRSS
             “COMUNARCHISM”



No comments: