Monday, July 18, 2016
RADYO OFW [DZRJ 810 Khz AM / 8Tri-Media Cable Link]
DZRJ 810khz AM / Cablelink Channel 7 / 8TriMedia
Monday to Friday @8:00-9:30PM
Hosts: Ms. Hannah Señeres and Marvin Javier | Co-Hosts: Bro. Junn Landicho and Ms. Bhing Comiso
Live streaming: http://www.8trimedia.com/broadcast-live
Monday, June 13, 2016
Pilipino sa Roma Makatotohanang Nagdiwang ng Araw ng Kalayaan
Press Release: June 13, 2016
Sa kauna-unahang pagkakataon ang mga
Pilipino sa Roma ay nakapagsagawa ng pagdiriwang ng anibersayo ng Kalayaan ng
Pilipinas sa mismong lugar na kinaroroonan ng Bantayog ng pambansang bayani na
si Dr. Jose Protacio Rizal.
Ito ay taliwas sa naka-ugalian, sapagka't ang pagdiriwang na ginanap ay binuo at inorganisa ng mga karaniwang OFWs na nagdi-day off sa Piazzale Manila kung saan naroon ang nasabing bantayog ng pambansang bayani.
Uma-ayon naman sa diwà ng pagiging OFWs ang naging tema ng
pagdiriwang: "KALAYAAN SANDIGAN SA
PANGINGIBANG BAYAN", Sumasalamin ito sa buhay pakikibaka,
pagtatanggol, at pagtataglay ng dignidad bilang mabuting Pilipino na
nakiki-halubilo sa ibang lahi habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa
Magugunitang mula pa noong 2007, ay halos hindi pinapansin ang lugar ng Piazzale Manila partikular ang bantayog ni Gat. Jose Rizal kapag dumarating ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, Bagama't ng mga sumunod na taon ng pagdiriwang sila ay nagpupugay subalit ito at tila paimbabaw na pagdalaw lamang sa pambansang bayani dahil ang ginaganap programa ng pagdakila ay halos isang oras lamang na pagbati (salute) at tila pakunswelong pag-aalay ng karangalan at susundan ito ng dagliang pag-alis upang magdaos ng kapistahan sa malayong lugar.
Magugunitang mula pa noong 2007, ay halos hindi pinapansin ang lugar ng Piazzale Manila partikular ang bantayog ni Gat. Jose Rizal kapag dumarating ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, Bagama't ng mga sumunod na taon ng pagdiriwang sila ay nagpupugay subalit ito at tila paimbabaw na pagdalaw lamang sa pambansang bayani dahil ang ginaganap programa ng pagdakila ay halos isang oras lamang na pagbati (salute) at tila pakunswelong pag-aalay ng karangalan at susundan ito ng dagliang pag-alis upang magdaos ng kapistahan sa malayong lugar.
Subalit sa
pakikipagtulungan ng TaskForce - OFW Chairperson Josephine Duque, Gruppo Europa
Roma Esquilino ni Signor Gianni Saviola, MAGSINGALEÑEOS INT'L. ASSOCIATION sa
pamumuno ni Mr. Ghil Tolentino, CIUDAD FERNANDINA na pinangunahan ng kanilang
Bise Mr. Robert Raposas, GEMPA Piazza Manila Chapter ni GMF Marcos
Segoba Dapon, MERACLE OF SALVATION MISSIONARIES ni Ms. Julie Cardona, GBII
ni ICGMF Rodolfo Casio, SPAIR sa pamamatnugot nina Pres. Teofilo Galicia
at Mr. Virgilio Garcia, at mga indibiwal na sina; Mr. Eufrosino
Estrella, Ms. Rowena Ugale, Ms. Maybelyn Ruganao Acain, Ms. Antonina Casio, Ms.
Imelda Uclaray, at Mr. Eniego Xander Fontanilla ay matagumpay na
naisagawa ng "Peoples of Piazzale Manila" ang mga
programa na kinapalooban ng mga sumusunod:
Pag-aalay
ng bulaklak sa mga bayaning Pilipino (hindi lang kay Rizal) na nagsipagbuwis ng
buhay makamit lamang ang tinatamasa nating kalayaan.
Pagpapalipad ng 118 na mga lobo bilang simbolo ng kalayaang
ating tinatamasa na nakamit 118 ton na ang nakararaan, At pagsasagawa ng mga
maka-kultural na sayaw, awitin, tula at maging ang pag-sisiwalat ng
tradisyunal na panatang makabayan.
Inawit din ang makabayang awitin na "Bayan Ko" na
sinundan ng mga pananalita ng mga lider na totoong nagmalasakit sa selebrasyong
ginanap ng walang halong kurapsyon, gaya ng panawagan ng papasok na
adminstrasyong Duterte.
Matapos ang programa bandang hapon ay itinuloy ang
kasayahan sa pamamagitan ng mga palarong Pilipino na nagbigay ng kasiyahan
hindi lamang sa mga kabataang nagsidalo kundi sa ating mga may-gulang na
kababayan at mga senior citizens.
May ngiti sa mga labi ang mga nakakuha ng mga papremyo, na
bawa't isa ay nagsasabi: "SALAMAT PO SA UULITIN!"
Matatandaang bumuo ang
mga day-off'ers sa Piazzale Manila ng isang kumite at tinawag itong
"Philippine Independence Celebration Committee (P.I.C.C.)"
upang itaguyod ang isang "Real Independence Day Celebration" na
dinamayan ng TaskForce - OFW Int'l. upang maisa-ayos ang Programa at ang
pagkuha ng kaukulang permit nito.
Hindi naman nagdalawang
isip ang iba pang mga asosasyong una ng nabanggit na tulungan ang payak na
mithiin ng ating mga kababayan kahima't hindi ito kinakitaan ng suporta
mula sa embahada.
Ganun pa man hindi
naging hadlang ang sinasapantahang pang-gigipit ng pasuguan sa ating mga kababayan,
matagumpay pa ring na-idaos ang pagdiriwang na dinaluhan ng humigit-kumulang
pitong dang (700) mga Pilipino.
Nagalak na rin at
nagpasalamat ang karamihan ng makita at dumalo ang Consul General na si Ginoong Bernie
Condolado, at maganda naman ang laman ng kaniyang ipinaabot na mensahe,
ang pananawagan sa patuloy na pagkaka-isa.
Sinundan naman ng iba pang mga lider at panauhin ang
nasabing bilang upang makapagbigay na rin sila ng kani-kanilang mensahe,
pagbati, pakiki-isa at pakiki-saya!
Sa panayam naman sa isang myembro ng isa sa mga
grupong kabilang sa mga pangunahing tumulong sa ginanap na palatuntunan;
napapa-isip siya na tila walang pagpapahalaga ang mga opisyales ng embahada sa
mga Pinoy sa Piazza Manila dahilan sa wala aniya ang mga itong kinabibilangang
asosasyon o FilCom, kung kaya nahimok siya na maki-isa sa mga ito para
ma-isakatuparan ang kapistahan. "para naman kasing balewala
sa kanila ang damdamin ng mga OFW, parang hindi kami mga kababayan kung
ituring, iyan ang pakiramdam namin" - dagdag pa niya.
Unang una'y sa ating Panginoon, Nagpapasalamat ang mga taga Piazzale Manila sa pangunguna ng napiling "Hermano Mayor" na si Dating Konsehal Larry Pizzaro Pacpaco sa mga tumulong, naki-isa at nagpakita ng pagiging makabayan, na ang naging bunga ay ang matagumpay at isang maka-totohanang pagdiriwang ng araw ng kalayaan.
Gayon din sa mga kusang loob na dumamay(sponsor) gaya nina: GMA News, Europhil Cargo, Mr.&Mrs, Victor Castillo, Mr.&Mrs Arnulfo Viloria , Mr. Hermogene Upano, Mr. Willie , Mr.&Mrs. Oscar Paranada, Ms. Josephine B. Duque, Mr. Arnold Rebudal, Mr.&Mrs. Ronald Rabara, Ms. Maybelyn Alcain, Mr&Mrs. Rodolfo Casio, Mr.&Mrs. Rulynard Ugale, Mr.&Mrs. Jimmy Ninofranco, Mr.&Mrs Rey Fernandez, Signor Giovanni Saviola, Mr. Judito Estopacia, Mr. Fil Galicia, Ms. Julie N. Cardona, Mr.&Mrs.Philip Acain at Ms. Imelda Uclaray.
"Sana sa susunod
na taon, lalo pa nating mapagtibay ang ganitong uri ng pagdiriwang, at muli
nating maisagawa ng tunay na pagkaka-isa gaya ng naganap ngayon sa lugar na
ito, Uma-asa akong katulad ng pangyayaring ito ay hindi mahadlangan ng sinoman ang
pagnanais nating pagbibigay dangal sa ating bayan at sa ating mga bayani." - ayon kay pa Konsehal Pacpaco!
Wednesday, June 1, 2016
Pangunahing Dapat Pagtuunan ng Pansin sa Barangay
Ang mga bagay na nararapat mangyari sa isang malusog at mapayapang Barangay na maaari lamang magkaroon ng katuparan kapagkà may kaalaman,
kakayahan, karanasan at
katapatan sa liderato ang mamumuno
sa Barangay!
Una ay ang
Barangay; Residential Status
Karaniwan
na ang isang dating payak at simpleng barangay ay tahimik, subalit kapag ito ay
dinagsa ng mga maninirahan buhat sa iba't-ibang malalayong lugar, nagsisimula
nang magkaroon ng kaguluhan at pagbabago ng kalakaran.
Ang
dahilan ay hindi na masyadong ma-control ng mga opisyales ang mga residente
bukod pa sa hindi nila talastas ang mga nagsidating na dayuhan sa kanilang
lugar.
Papaano
mapapanatili ang ka-ayusan at kapayapaan sa kani-kanilang pook(barangay),
Sapagka't dapat mapanatili ang ka-ayusan ng mga lugar na kanilang
tinatangkilik?
Isang
simpleng paraan ang dapat gawin ng isang pinuno ng barangay hinggil sa
panuntunan sa pagtanggap ng bawa't maninirahan dito kapagkà mayroong dayuhan
mula sa ibang lugar na nais maki-pamayan sa kanila.
1.)
Nararapat na hingan ng Barangay at
Police Clearance mula sa lugar na kaniyang pinanggalingan ang sinoman dudulog
upang makipamayan sa nasabing baranggay.
2.) Alamin
ang tamang impormasyon(interview) kung papaano at sino ang reperensya(taga
baranggay) kung bakit/papaano(mga kadahilanan) siya napadpad dito.
3.)
I-check (sa pamamagitan ng communication) sa opisyal ng barangay na
pinanggalingan ang mga impormasyon at tiyak na pagkaka-kilanlan sa nasabing
makikipamayan.
4.)
Kapag natiyak na may maayos siyang record at/o reperensya mula sa barangay na
pinanggalingan, maaari na siyang payagan na manirahan subalit kinakailangan pa
ring obserbahan ng hindi bababa sa 180 araw upang tiyakin ang katiwasayan
alang-alang sa kapakanan ng barangay sa kabuoan.
Bakit kina-kailangan gawin ang mga bagay
na ito?
A.)
Ang barangay ay isang sagradong kumunidad kung kaya nararapat na ito panirahan
ng kalipunang mamamayan na magtuturingan na parang iisang pamilya.
B.)
Kung magkaka-kilala ng lubusan sa pamamagitan ng tamang impormasyon ang bawa't
kasapi ng barangay ay matiwasay na makapaninirahan ng walang agam-agam at
takot.
C.)
Makapagdudulot ito ng isang payapa at pamayanang walang deskriminasyon matapos
ang nasabing apat na pasusulit.
D.)
Sakaling magkaroon ng isang hindi ina-asahang pangyayari, ang isang nakipamayan
ay maaring proteksyunan at na maaring mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon
sa mga ka-anak sa lugal na dati niyang pamayanan.
E.)
Maka-iiwas sa mga hindi ina-asahang krimen gaya ng malimit nating matunghayan
sa mga pahayagan sapagka't kilala ng bawa't isa ang isa't-isa, na
makapagdudulot ng pagmamalasakit ng bawa't magkaka-barangay.
Iyan ay nararapat na gawin sa pagpapatupad at/o pagpapairal ng
pagka-maninirahan (residential status) sa bawa't barangay. Subalit may iba
pang mga nararapat na pag-ukulan ng pansin at iyan ay ang pamumuhay sa
kumunidad(Barangay), Gaya nang:
Ang mga taga barangay ay magiging masaya at mapayapa
kapag mayroon silang pinagkakakitaan, partikular ang mga kababaihan, at sa
halip na sa mga umpukan (tsismisan, mumunting sugalan, at ibapa) ang karaniwang
pagka-abalahan ng mga kababaihan.
Ang tiyak at dagdag na kita ay nakatutulong maka-alis
ng stress ng isang may-bahay kung kaya maiibsan ang karaniwan ng hindi
pagkaka-unawaan sa mga tahanan na magdudulot ng masayang pamilya sa loob ng
barangay.
Kaya marapat na lumikhà ng mga programang pangkabuhayan
(livelyhood program) na makapagbibigay ng dagdag na kita upang makatulong sa
ama ng tahanan.
Kailangan din ang palagiang mga pag-konsulta at
seminars na magbibigay ng tamang impormasyon na pangkalusugan, pangkabuhayan,
pagpa-plano ng pamilya at panglipunang moral (social / moral values) at tamang
pakikipag-ugnayan.
Ang mga barangay roads ay kailangan ding laging
usisain kung nananatili ang
ka-ayusan upang maipatupad ang
tamang pagmantine(maintenance) at
magamit sa malusog na mga paglalakbay sa pagyao't dito sa loob ng barangay.
Ang mga Tanod na mangangalaga sa katiwasayan ay
dapat isalang sa mga tumpak na
pagsasanay(trainings) sa pamamgitan ng mga eksperto, nararpat din silang bigyan
ng tama at/o presentable na
uniporme, modernong kagamitan gaya ng;
batuta na may mga tear gas, flash light,
kable at iba pang kagamitan para sa rescue sa panahon ng pangangailangan.
Isa sa mga problema ng Barangay lalo't higit sa mga
probinsya ay ang ligaw na hayop, kapag pinanatili ito ay lilikhà ng gulo at
pag-aaway dahil sa pagkasira ng mga pananim ng mamamayang maingat bunga ng kapabayaan ng may-ari ng mga
naturang mga hayop , kaya dapat na
estrikto sa bagay na ito.
Hindi ang lahat subalit karaniwan ng umiiral ang bawal
na gamot sa barangay, gayon din ang mga mumunting nakawan na posibleng lumaki
at/o lumala kapagka hindi ito na-agapan.
Nararapat na maging maingat, mapagmatyag ang pamunuan ukol dito, walang sisinuhin kapag may napatunayang lumabag sa mga umiitral at iiral na mga Ordinansa.
Sa barangay Justice ay dapat isagawa ang istilong Jury
upang maiwasan ang palaksan ng mga magkakamag-anak, sakaling magkroon ng mga
hindi inaasahang mga gusot o kaguluhan.
Ilan lamang iyan sa mga nararapat na ipa-iral sa
Barangay upang maging matiwasay at payapa ang kundi man lahat ay nakatitiyak na
malaking porsyento% ng populasyon.
Thursday, May 19, 2016
Department of OFW, Nararapat ba?
Sa ating pananaw, Ayaw sana natin ng Department
of Overseas Filipino Workers (DOFW)
dahil mayroon nang ahensya na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
Filipino na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nariyan ang Department of Labor and Employment (DOLE)
at Department of Foreign Affairs (DFA)
na silang naka-toka para pangalagaan ang mga OFWs at maging sandigan ng
kanilang mga maka-batas na pangangailangan.
Bukod sa may
dalawa na tayong departamento at na may representasyon ng dalawang Secretario sa
Gabinete, ay mayroon pang Presidential Adviser for OFWs. Kaya sa anong dahilan pa at lilikhain ang Department of OFWs?
Kung bibigyang pansin, Kapag nagtayo ng DOFW ay para
na rin nating inamin na magiging permanente na ang pagpapadala ng
mga manggagawa sa ibang bansa at wala ng
hinto ang tinatawag na labor exportation ng mga Pilipino upang magtrabaho doon partikular ng mga
kasambahay.
Hindi ba dapat na ang
OFWs ay temporario lamang? Hindi ba ang nararapat ay mabawasan kundi matigil ang diaspora ng
mga Pilipino? Na kundi man mawala lahat, ay mapaabot man lamang sana natin sa 30% ang
magiging OFW sa darating na panahon sa pamamagitan ng paglikha ng mga tiyak na
trabaho sa ating sariling teritorio?
Ganun pa man dahil
napapanahon at umabot na nga tayo sa mahigit 11million, Ang dapat sana ay
pa-igtingin, linisin at gawin makatarungan ang pamamahala ng nasabing dalawang
ahensya upang pangalagaan ang OFWs.
Sa palagay ko hindi na
kailangan pang lumikha ng panibagong departamento, at sa halip ay ayusin na
lamang ang pamamalakad ng DFA at DOLE upang maproteksyunan ang ating mga Bagong
Bayani. Marami na tayong regulasyon at mga batas na magpo-protekta sa mga mamamayan, ang kulang nga lamang ay ang mabilis at tapat na pagpapatupad.
Sa kasalukuyan ay tinatayang mas
maraming problema ang nalilikha ng mismo nating mga embahada sa ibat ibang
panig ng mundo na yumuyurak sa karapatan ng mga Pilipino na rin. Iyan sana ang
pagtuunan ng pansin ng ating bagong Presidente. Nararapat na ang total revamp sa mga tauhan at/o opisyal at ang pagpapatupad ng mga umiiral ng mga batas, na tila tahasang nalalabag ng
mismong namamahala.
Ang mungkahi natin sa
halip na likhain ang DOFW, Bakit hindi magbuo ng mga Consultative Bodies na
binubuo ng mga lihitimong OFWs na siyang itatalaga sa mga embahada upang
mabantayan ang kilos doon, maiwasan ang masamang paraan ng burokrasiya at ang
pambubusabos ng mga tiwaling pinuno at kawani ng mga nasabing tanggapan.
Nawa ay makapag-buo ng mga kumite sa bawa't bansang may maraming bilang ng Pilipino, mga kumite na ihahalal ng mga OFWs mismo upang siyang mamatnugot sa kanila at mamagitan, magbantay at umugit sa mga embahada upang mabawasan kundi man mapigil ang mga katiwalian.
Subalit "kung" iyon
ang nais ng ating Presidente na bumuo ng Department of OFW, Igagalang natin
iyan at buong pagmamalasakit na susuportahan kapag na-ipatupad na!
Tuesday, January 26, 2016
Matatag Na Railway Isang Solusyon Sa Traffic
Tanong: Bakit sobra ang traffic sa mga lungsod partikular sa Maynila at karatig pook?
Sagot: Bukod sa patuloy na dumarami ang naninirahan dito dahilan sa ang mga karaniwang trabaho ay nasa mga syudad, Isa sa mga dahilan o malaking dahilan ay ang pagdami ng mga pribadong sasakyan na pumapasok dito araw-araw mula sa mga probinsya.
Tanong: Ano ang mabisang solusyon upang maibsan kundi man mawala ang problema sa traffico?
Sagot: Maraming solusyon na maari nating ipatupad, subalit tanging Presidente lamang o sa kanyang pahintulot, ito ay mabilis na maisasagawa.
1.) Gaya ng nabanggit na; Ang patuloy na pagdami ng mga pribadong sasakyan na nagyayao't dito at doon ang nagbibigay ng suliranin sa daloy ng traffico kaya nararapat na ito ay mapigilan o mabawasan ng hindi ma-aapektuhan ang mamamayang may-ari ng mga naturang sasakayan, At maaring mangyari ito kapag ang ating mga railways ay pinalakas o pinatatag at gawing opisyal na instrumento ng transpostasyon mula Jolo hanggang Apari.
a.) Maglagay ng seguridad at kalinisan sa mga istasyon; Kapag malinis at may katiyakan ang siguridad ng mga pasahero sa pasilidad at mga parking ng mga istasyon, Mahihimok ang mga motorista sa malalayong pook na gumamit ng Tren sa paglalakbay pauntang lungsod, Ang kanilang mga pribadong sasakyan ay matiwasan nilang iiwan sa mga parking sapagka't nakatitiyak sila na walang anumang masamang mangyayari sa kanilang sasakyan at ligtas nila itong mababalikan upang gamitin pabalik sa kanilang tahanan.
b.) Maglagay ng biyahe na umau-usad ka-30 minuto; Sa ganitong paraan ay magaganyak ang mga pasahero na gumamit ng tren sa paglalakbay sapagkat walang masasayang na sandali kundi magiging mabilis ang pagdating nila sa pook na nais puntahan.
c.) Maglagay ng mga shuttle, taxi, van, jeep at tricylce na naka-rehistro sa istasyon at na may kani-kaniyang ruota base sa layo o antas ng lugar ng destinasyon; Ang ganitong paraan ang aakit sa mga pasahero sapagkat alam nilang walang abala/sagabal sa kanilang byahe, madali at ligtas silang makararating sa kanilang nais puntahan dahilan sa disiplinadong paglalakbay.
2.) Nakapagdudulot din ng traffic ang maraming mga tao na nasa lungsod, Ang dahilan nito ay ang mga Malls, mapapansin na maraming Mall na nakatayo dito, Kapag ang mga susunod na itatayo ay sa labas ng lungsod gagawin, Mababawasan ang mga tao sa lungsod. Maaring sabihin na paano ang pagpunta gayong malayo na ito? Simple lamang na maglagay ng mga shuttle / byahe mula sa mga Istasyon ng tren patungo sa mga malls na dedikado, Sa ganoon magiging kasanayan hindi lamang ang mamili / mamasyal sa labas ng lungsod kundi magiging kasanayan ang pagdaan / paggamit ng mga istasyon ng Tren bilang opisyal na sentrong tagpuan(center point) ng mga paglalakbay.
3.) Linisin at patatagin ang Ilog Pasig (pagpapaluwag sa traffic sa Maynila) upang magamit sa mga paglalakabay, maaring magsagawa ng ilang maliliit na pantalan na mag-uugnay sa pinakamalapit na istasyon ng tren na lilikhain.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paraan upang maibsan ang traffic sa mga lungsod partikular sa Maynila, kapagka nabawasan ang mga pribadong sasakyan dahil ang mga nasa probinsya ay hindi na magdadala nito sa halip ay iiwan na lamang nila sa pinaka-malapit na istsyon ng Tren sa kanilang lugar, kapagka ang buong maghapon ay mabawasan ng mga tao sa lungsod dahil ang mga malalaking malls ay nasa labas, kapagka ang ilog ay malusog na nating nagagamit sa transportasyon, Malulutas ng kundi man 100% ay makatitiyak na aabot sa 50% ang kalutasan sa problema ng traffico.
Isasagawa ko iyan kapag nabigyan ako ng pagkakataon!
Isasagawa ko iyan kapag nabigyan ako ng pagkakataon!
Sunday, January 17, 2016
Unang hakbang upang lutasin ang kurapsyon!
Ang dapat unahin na magkaroon ng makatarungang pamamalakad ay ang COMELEC, magbigay ito ng patas o balanseng pagtingin sa mga kandidato.
1. Dapat walang survey hangga't hindi pinal ang listahan ng mga lihitimong kandidato (lalo't higit ay sa Presidential), Sa ganoon mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na mag-isip at magsaliksik upang makapili ng wasto, at gayon din ang mga kandidato na hindi kilala subalit may kakayahan at may karapatan ay mabibigyan ng patas na laban.
2. Ang mga ads sa mga telebisyon ay nararapat na sa kontrol at pamamahala ng Comelec, Dapat na random ito sa iisang pagkakataon,. Halimbawa (kung) may anim na kandidato hahatin ito sa patas na minuto/segundo upang sa ganoon sama-samang makapagbibigay ng impormasyon sa bayan ng kani-kanilang nagawa, gagawin at pagkatao!
3. Dapat istrikto sa deadline ng COC filing, sa ganoon magiging huwaran ng disiplina at pag iwas sa panlilinlang.
4. Dapat intact ang requirements, Kapag hindi sapat sa hinihinging requirements na ipa-publish 9 na buwan bago ang last day of filing ay hindi tatanggapin upang sa ganoon maiwasan ang mga habla ng pag diskwalipika sa isang kandidato na nagpapatagal ng proseso ng halalan at nagiging sanhi ng kurapsyon(bayaran) sa kina-uukulang mga hukom na hahatol sa usapin.
5. Dapat ang isa sa mga requirement na maging pinaka-istrikto ay ang authenticated na pirma ng atleast 1% ng nasasakupang hurisdiksyon ng tungkuling nais gampanan(ang walang ganito ay awtomatikong nuisance), at na ito ay gagawin sa mga nakatalagang prisinto 100 araw bago ang filing date.
***Matapos na makapili ng pinuno sa pamamagitan ng halalan, Ma-isasa-ayos na ang iba pang ahensya upang mapag-sali't-sali't (revamp ) ang mga opisyales sa bawa't mga ahensya na lulusaw sa malakihang kurapsyon.
@. gagawin ko iyan... pag ako ang Presidente! - ®bjf
Subscribe to:
Posts (Atom)