Tuesday, May 9, 2017

Hospital Ward Para Sa OFWs



Tinig ng OFW 
Ni: Bro. Junn Landicho 


Hindi biro ang maging isang OFW, sa kabila ng pag-asam ng magandang kapalaran ay mayroon pa ring hindi nagkakamit ng swerte sa pangingibang bayan.

Marami ang umuuwi na may sakit, ang iba ay dahil sa aksidente, bunga ng katandaan at sanhi ng kakaibang karanasan sa banyagang klima.

Nakalulungkot na mula sa kahirapan ay  tila bumabalik sila sa mas malubhang kalagayan.

Ang dahilan ay sa sobrang mahal ng mga ospital at bukod sa roon ay ang pagtatangi ng kanilang tatanggaping pasyente base sa kapasidad ng kalagayan (financial status).

Ang isang OFW na wala ng kakayahan na makapagdeposito ay nahihirapan sa usapaing pampagamutan.

Sa pagmamasid ko sa mga pangyayaring ganito, ay aking na-alala ang panukala ng namayapang OFW Family PartyList Congressman na si Ambassador Roy V. Señeres, ito ay ang OFW Ward.

Nakapaloob sa nasabing mungkahi na magkaroon ng partikular na ward sa mga ospital ang mga pasyenteng OFW at lihitimong pamilya nito kung sakaling magakroon ng karamdaman.

Sa ating pananaw kung ma-isakatuparan ang bagay na ito mas mararamdaman na ng ating mga tinatawag na Bagong Bayani ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa kanilang ambag sa lipunan.

Ma-iibsan din ang pagdaramdam na tila sila ay nasa ka-apihan, mapalalawak pa natin ang magandang ugnayan at maisusulong ang pagtingin para sa kalusugan.

Sana nga bigyang pansin ng kina-uukulang ahensya ang panawagang ito, nawa ay mapagpasyahan na maglagay ng mga OFW Ward sa mga pangunahin man lamang na Ospital kundi  man ka-agad maisagawa sa pangkalahatan.

Tinatawagan natin ang kumbinasyon ng DOH at DOLE(POEA) na pinaniniwalaan nating siyang higit na may kakayahan at karapatdapat sa ganitong uri ng proyekto!

No comments: