Tuesday, May 16, 2017

Pabahay Para Sa OFWs

Tinig ng OFW
Ni: Bro. Junn Landicho



Iba't-iba ang dahilan kung kaya nangingibang bansa ang ating mga OFWs, at dahil sa kontribusyon nila sa ekonomiya ay tinagurian sila ng pamahalaan na mga bagong bayani.

Iba-iba rin ang kinasasapitan nila kapag bumabalik na sa kani-kanilang bayan, mayroong sinu-swerte at nakapagpu-pundar ng bahay ay mayroong nakapagne-negosyo pa.

Ngunit  kapansin-pansin na karamihan sa kanila ay bumabalik sa kawalan na ikanga ay "back to zero", na maaaring maging kalibak-libak sa mga nagsipagtagumpay.

Hindi natin arok ang kahihinatnan ng bukas, alalaon baga ay hindi natin natitiyak ang kapalaran ng bawaƬt isa.

Subalit kung magda-damayan at magbibigayan ng tumpak na pagmamalasakitan, malaking porsyento % kundiman lahat ay magkakaroon ng maas mainam na kinabukasan.

Pangunahin na ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan na ma-uuwian sakaling bumalik ng bansa ang isang nandayuhan.

Isang nakakagalak na malasin na ang sambayanan ay mayroong tiyak kahit na payak na matitirahan lalo na sa sektor ng mga OFWs na tinatawag pa naman nating mga bagong bayani.

Kaya ang pitak na ito ay nananawagan at nagmumungkahi sa kina-uukulan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga OFWs sa usaping ito, ang pabahay.

Hinihikayat natin ang may karapatan sa "issue" na ito upang makalikha ng isang programa na magbibigay ng pag-asa sa mga OFWs pinalad man o hindi.

Maaari marahil na makapagsimula ang isang OFW na mabigyan ng isang unit ng pabahay na huhulugan niya sa (hindi natin sinasabing mababa ngunit)  kaukulang halaga.

Pero sana ay walang "down payment" sapagka't ang isa sa pinakamalaking dahilan kung kaya hindi makakuha ng kahit hulugang bahay ang isang karaniwang OFW ay sapagka't malaki ang "down" at karaniwan ng hindi sapat ang kanilang kinikita.

Malaking tulong sa OFWS kung mapag-iisipan ito, dahil maiiwasan natin ang ibang mapagsamantalang may pabahay na pribado, na karaniwan ng na-uuwi sa wala angkanilang naging paunang hulog kapagka dumatin na ang kagipitan


Sana ay mapag-ukulan ng sapat na pag-aaral ng tungkol sa bagay na ito, sana ay lubos na maramdaman ng mga OFWs na tinatrato naman talaga sila na mga bagong bayani at hindi palamuti ng salita lamang ang pagtukoy na ito sa kanila.

No comments: