Ni: Bro. Junn Landicho
Mahigit isang buwan na ang nakararaan ng mapabalitang lumabas ang video ni Leni Robredo sa Viena Austria. Ito ay naglalaman ng di-umano'y paninira sa ating gobyerno kaya magpa-hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring trauma ang mga OFWs partikular sa Italia.
Kamakailan nagsagawa ng rally ang mga OFWs sa Roma sa pangunguna ng mga lider ng mga asosasyon gaya ng; PDP-Laban Europe, Kilusang Pagbabago, OFWGME at maraming pang mga Fil-Com.
Dahil may lumabas na lantarang pagbatikos sa isang programa sa isang malaking TV-Station sa Italia ang Le Iene, na nagdulot ng pagkagulat sa mga OFWs na naroon bunga ng hindi makatarungang pagtuligsa sa ating pamahalaan.
Tinalakay dito at tahasang inalimura ang ating pamahalaan dahil sa umano'y laganap na patayan sa Pilipinas kahit na hindi balanse ang kanilang source at mahahalata mong "tila" mga bayaran ang kanilang in-interview.
Ayon sa ating nakapanayan na sina Ginoong EJ Carmona ng KP-Rome, at Ms. Jospehine Duque Chairperson ng TaskForce - OFW; "nakagigimbal ang kanilang napanood na iyon sa telebisyon na agad sinundan pa ng mga pahayag ng bise presidente, nakapanlulumo na kung sino pa ang ina-asahan nating tutulong sa ating pamahalaan upang itaas ang dignidad nito ay siya pang magbabagsak, anila pa: anong motibo niya (LeniRobredo) agawin ang liderato?"
Kaya iginiit nila ang panawagan na ipa-impeach si VP Leni Rob'redo dahil umano sa pagbaba ng dignidad ng mga Pilipino bunga ng kaniyang video hingil sa umano'y EJK.
Magugunitang isiniwalat ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III ang inabot na pangangantyaw ng ibang lahi sa ating mga OFWs na naglagay sa malaking kahihiyan dahil sa nasabing video na nagdulot ng pagka-dismaya ng karamihang Netizen.
Kung kaya kumalat ang mga hashtag na #ImpeachLeni at #NagaLeaks.
Kaugnay nito, dismayado rin ang mga employer dahil ang mga manggagawang Pilipino lalo't higit sa Italia ay lubhang kanilang pinagkakatiwala an.
Lubos na naniniwala rin ang karamihang OFWs na isang uri ng kataksilan sa bayan ang ginawang ito ng kinikilala ngayong bise at isang paraan ng distabilisasyon .
Bagama't ang Column na ito ay hindi nananawagan ng impeachement, ay humihimok naman sa kina-uukulan na pag-aralan ang nasabing pangyayari upang sa ganoon ay mapangalagaan ang kalagayan ng ating mga bagong bayani na nakikihamok sa hamon ng buhay sa ibayong dagat.
Sana ay pag-ukulan ito ng pansin upang hindi na muling maging katawa-tawa tayong mga Pilipino lalong-lalo na ang mga Overseas Flipino Workers na nasa ibang bansa!
HOY mga pulitiko, gumising na kayo!!!
No comments:
Post a Comment