Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Tila walang kinasisindakan ang ilang mga recruitment
agency, partikular na ang mga nagpapadala ng mga manggagawa sa Middle East.
Kamakailan ay may natanggap tayong mga reklamo hinggil
sa mga ito.
Kahit may mga utos na sa kanila na asikasuhin ang mga
naduduhagi nating mga kababayan na nasa kanilang pangangalaga ay tila bingi ang
mga taong ito.
Bagaman at may palatul o plaso na labinlimang araw
upang sila ay umaksyon, karaniwan na umaabot na ng dalawa o hanggang apat na buwan ay hindi pa rin sila
nati-tinag.
Ang malaking katanungan ay; BAKIT? Sila ba ay may mga padrino na malalaking politiko?
O ang mga ahensyang ito ay pag-aari na mismo ng mga politikong sa halip na
maging sandigan ng mga OFWs ay sila pang nagiging sanhi ng malubhang kabiguan?
Tinatawagan
natin ang kina-uukulan.
Paki-suri naman po ng mga ahensyang may ganitong
aktibidades at kung maaari ay ipasara na upang hindi na makapaminsala pa ng mga
aping OFWs.
Subalit ang isa pang tanong; KAYA BA NG MGA
KINA-UUKULAN NA GAWIN ANG MABAGSIK NA PAGPAPATUPAD NG KATARUNGAN? O sila mismo ay mga kasapakat sa mga paglabag na magdudulot sa kanila ng
limpak-limpak na salapi?
Kayo na po mga kababayan ang
humatol, Ano ang katotohanan?
At sana naman magising na sa katotohanan ang mga ito, at
kung hindi man kayo ma-konsesnsya ay MAHIYA NAMAN KAYO!
No comments:
Post a Comment