Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Noong nakaraang June 7, 2017 ay matagumpay na na-ilunsad ng
Taga-Lobo FB-Group ang "First Charity Starter Kit
Project", ito ay mapagmalasakit na sinuportahan ng mga OFWs na lihitimong
taga-Lobo sa ibat-ibang panig ng mundo.
Bagama't sa pamamagitan lamang ng social media (facebook)
ang naging tulay ng kumunikasyon, ay hindi ito naging hadlang upang ang
magandang hangarin ng mga magka-kababayan ay ma-isagawa.
Nagawa ring mapag-ugnay ng
mga taong namatnugot sa adhikaing ito ang mga taga lobo na nasa magkakalayong
pook at bansa.
Kahima't napakaikli ng panahon at masasabing gahol
para sa pagpa-plano na halos dalawang linggo lamang ay naging kagulat-gulat sa mga mamamayang taga Lobo ang pangyayari
sapagka't lubhang napakarami ng tumugon sa panawagan hindi lamang dito sa
Pilipinas kundi mula sa iba ibang panig ng mundo partikular ang Lobonians-OFWs
gaya ng nabanggit na.
Sa simula ay tila nagkaroon ng mga pag-aalinlangan ang ibang
kababayan ngunit hindi napasubaliang marami pa rin ang nagnanais na tumulong sa
anumang paraan at kakayanan.
Iba-iba man ang estado sa
buhay ng mga taga Lobo gaya ng paniniwalang pulitikal o relihiyon, at kahit na may kani-kaniyang kalagayan sa
buhay ay nanaig pa rin ang tunay nilang damdamin at na ito ay ang pagkakaisa sa
hangaring tulungan ang mga kababayan.
Tunay na nakagagalak ang
ganitong uri ng mga pagkilos, at sana ay maging inspirasyon pa ng mga ibang may
kakayahan at adhikain upang mas marami pa ang matulungan na mga kundi man
masasabing kapus-palad ay sadyang nangangailangan ng tunay na pagdamay.
Sumasaludo ako sa mga
nag-ugit sa nangyaring ito upang masimulan, sina Ms. Rei Adoyo, Julius Marasigan, Denice de Chavez, Cynthia Ilagan
at marami pang iba na kung babangitin ay hindi magka-kasiya sa column na ito, ganoon
din sa mga tindahan na naging sentro ng pangangalap, sa lahat ng OFWs na
Taga-Lobo, at sa lahat ng tumulong.
MABUHAY KAYO, at nawa ay ito na ang simula upang taun-taon
ay magkapagsagawa pa ng mas malaking paghahawak-kamay.
No comments:
Post a Comment