Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Maraming pumupunta sa ating partner na Travel (hindi
recruitment) Agency, sila ay nagbabayad ng bills, nagsasa-ayos ng mga
documento, kumukuha ng appointment sa NBI, pagkuha ng OEC at iba pa.
Nakatawag ng pansin sa akin ang pag-proseso ng
passport, maging ito man ay "renewal" o pagkuha ng bago o dahilan ng
pagkawala.
Napa-isip ako bakit may rush at may regular(ordinary)
na transaksyon?
Kapuna-punang mas mataas na di hamak ang halaga ng
rush at na ito ay sa lalong madaling panahon.
Bakit ganoon tila may deskriminasyon?
Kung ikaw ay may pera mas madali ang pagkakaroon mo ng
passport, samantala kapag ikaw ay mayroong kakaunting halaga, maghihintay ka ng
mas maraming araw.
Hindi ba nakalulungkot naman ito sa mga mahihirap na
walang kasapatan ang kanilang "budget" dahil kitang-kita ang pagkatig
ng serbisyo sa may maraming salapi?
Sa ganang ating opinyon, hindi makatuwiran ang ganito,
dapat ay patas na pagtingin sa mga mamamayan, kaya nagmumungkahi tayo na sana
ay gawing isang presyo na lamang ang mga pasaporte at sa isang pare-parehong
araw na takda ang pagbibigay.
Hindi ba natin magagawang ganoon?
Sana mapag-aralang mabuti ang bagay na ito upang sa
ganoon ay hindi naman masaktan ang mga damdamin ng mahihirap na mamamayan sa
ganitong okasyon.
Sana maging parehas ang serbisyo upang ang palatuntunang "rush" at
regular(ordinary) ay hindi na makapagigay ng isipin, kung matatawag nga ba
itong deskriminasyon sa DFA!
No comments:
Post a Comment