Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Maraming tulong pinansyal ang inilulunsad para sa mga OFWs, ang mga
banko karaniwan ay nagpapautang para tulungan ang OFW na nais mag negosyo,
magpa-ayos ng bahay, pagpapa-aral at iba pang personal na pangangailangan.
Subalit may nakikita tayong kaunting kakulangan sa bagay na ito.
Para sa mga Pilipino na nasa Italia, marami sa kanila ang hindi mapagkakalooban
ng ganitong prebilehiyo, sapagka't ang isa sa mga requirement sa pagpapahiram ay ang
OEC, isang documento na hindi ibinibigay sa isang may hawak na Carta di Soggiorno (CdS),
kaya nahihirapan ang halos 40% ng mahigit 200.000 Pilipino mula Sicilia
hanggang Como para sa programa sa pa-utang.
Kung tutuusin ay higit na mas may kapasidad na makapagbalik ng kaniyang
hiniram ang isang CdS holder dahil "indefinite" ang "permit of
stay nila, ibig sabihin ay mas may kalayaan silang magpabalik-balik sa bansang
Italia para makapag-trabaho..
Kung sabagay ay mayroon namang katumbas ng OEC na ibinibigay, ito ay sa
Department of Tourism nila kinukuha,
isang certificate na nagpapahintulot magbyahe na kahalintulad ng OEC.
Subalit hindi ito kinikilala ng mga bangko sa Pilipinas kapag
isinumiteng kapalit ng OEC bilang katunayan na babalik sila ng Italia para
mag-trabaho.
Kaya malugod nating iminumungkahi na magkaroon ng prebilehiyo ang mga
CdS holder na mabigyan ng OEC dahil sila rin naman ay mga Pilipinong
nagta-trabaho sa ibang bansa, o kundi man, maglaan sana ng pakikipag-ugnayan
ang POEA sa mga banko upang kilalanin ang travel certificate na galing Tourism
na kapalit ng OEC, upang sa ganoon ay mapagbigyan din sila ng pagkakataon na
maka-utang gaya ng ibang mga OFWs na nagnanais na mas umasensyo pa ang kanilang
pamumuhay sa pamamagitan ng mahihiram na puhunan.
Ang mga OFWs ay halos iisa ang kinasasadlakan, iisa rin ang kanilang mga
hinaing at sentimyento, kung kaya nararapat lamang marahil na bigyan natin sila
ng pantay na pagtrato.
No comments:
Post a Comment