Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Magugunitang
noong nakaraang taon ay naging usapin ang tungkol sa umano'y pagpapataw ng
buwis sa bawa't ipadadala ng OFWs sa kanilang
pamilya.
Hindi
ito nagustuhan ng karamihang OFWs kung kaya umani ng sangkatutak na batikos
lalo na sa pamamagitan social media.
Na-resolba
naman ang lahat at nagdeklara ang bureau of costums (BOC) na exempted ang mga
OFWs, ito kung hindi tayo nagkakamali ay mula ng ma-upo sa panunungkulan si
Commissioner Faeldon.
Subalit
nitong nakaraang mga araw ay ginulantang tayo ng balita hinggil na naman sa
Balik Bayan Box, ipinanukala na i-itemized ang lahat ng laman ng kahon, nagalit
na namang muli ang mga OFWs dahil maaari di-umano itong maging daan ng
panibagong kurapsyon at nakawan.
Sa
ating pananaw naman, may kagandahan ang ganitong paggawi dahil ito ang sa
tingin natin ay ha-hadlang sa pang-uumit, at kung magkaroon man ay mas madali
ang reklamo dahil may record ng mga mawawalang gamit "kung" mayroon
man.
Pero
ang hindi nating sinasang-ayunan ay ang paglimita sa mga padadalhan, nabatid
natin na di-umano'y pamilya o lihitimong kamag-anak lamang ang maaaring
padalhan ng bagaheng ganito.
Sa
ating palagay hindi ito makatarungan at isang uri ng paniniil, sapagka't paano
kung nais ng isang OFW na padalhan ng gamit bilang regalo ang kaniyang kaibigan
o kapit-bahay na pinagkakautangan (halimbawa)
ng loob?
Hindi
naman maaaring sabihin na ipadala sa pamilya muna at saka ibigay sa kina-uukulan
dahil may mga pagkakataon na nais natin na magbigay ng sorpresa bilang tanda ng
pagpapa-salamat.
Kaya
sana ay bigyan pa rin ng masusing pag-aaral ang tungkol sa bagay na ito, upang
sa ganoon ay maiwasan ang mga di wastong haka-haka at isipin ng bawa't
mamamayan.
Nananawagan
din tayo sa kina-uukulan na sana'y
maging makatarungan ang bawa't pagpapasya upang ang sambayanan ay maging
panatag ang pamumuhay sa bawa't kumunidad.
No comments:
Post a Comment