Tinig ng
OFW
Ni: Bro. Junn Landicho
Naging mainit
na issue para sa mga OFWs ang planong pagtataas ng bayarin sa Philhealth, diumano
ito naman ay madaragdagan ng mga benepisyo.
Mula sa P2.400 (ayon sa ulat) ito ay
magiging P3.600 na kada taon, Subalit ang tanong ay anu-ano nga bang mga
benepisyo pa ang madaragdag bukod sa ayudang pang kalusugan at pagpapa-ospital?
Habang ina-alam natin ang mga ito,
ay ating minu-muni ang mga nais nating ipanukala, Bakit hindi na lamang pag-isahin
ang OFW account para sa philhealth at SSS?
Sa ating pananaw malaking bentahe
kung gagawin ito, sapagka't bukod sa ayudang pangkalusugan mapaghahandaan pa ng
isang OFW ang kaniyang kinabukasan sa pamamagitan ng maa-asahang pensyon kapag
dumating ang katandaan.
Ilalayo at huwag ilalapit ay panatag siya dahil mayroon ding death
benefits na matatanggap sakaling dumating ang isang di ina-asahang pangyayari.
Maaari rin marahil na taunan ang pag-hulog dito sa halip na buwan-buwan upang hindi
maging ka-abalahan sa isang OFW na nakatira karaniwan sa bahay ng kanilang
employer.
Kung mapag-uukulan ng masusing pag-aaral ang bagay na ito, sana ay tutukang mabuti ang
usapin dahil kapakanan at kinabukasan ng tinatawag nating mga bagong bayani ang
nakataya.
Makatutulong din ito sa pagkakaroon ng tuloy-tuloy na
koleksyon at walang patid na pagbibigay ng tulong sa mga kasapi.
Naniniwala tayo na mas makaka-akit ang prosesong
ganito upang mas tangkilikin ng mga OFWs ang sistema dahil makikita ang tiyak
na benepisyo bukod pa sa panghabang-buhay ito at hindi pangtaon-taon lamang.
No comments:
Post a Comment