Thursday, August 29, 2013

Signature campaign laban sa PDAF, TAGUMPAY!

“Nasa pagkaka-isa ang tagumpay ng masa!”




Roma – Agosto 29, 2013 - Labis ang pasasalamat ng The Patriotic Coalition sa pangunguna Task Force-OFW sa ginawang signature campaign noong nakaraang Linggo August 25, 2013, sa Santa Pudenziana Via Urbana (RM), bilang pakikiisa sa global campaign against Pork Barrel.


“Ang matagumpay na pangyayari sa araw na ito bilang isang yugto ng ating pagkaka-isa sa pagpapahayag ng hinaing ay isang hudyat ng makabuluhang sistema na unti-unting magpapabago sa ating lipunan. Tayo ang simula sa pamamagitan ng pagsasama-sama na uugit sa makatarungang pamayanan bilang mga nagkakasundong mga Pilipino”, bilang pasasalamat ng mga grupong Maharlika Alternative SocietyMigrante InternationalBayan Rome Chapter, TaskForce – OFW, FederFil Italy at Umangat.

Dagdag pa sa komunikasyon sa social network ng mga nasabing grupo, ang ginawang pagsuporta ng mga Pilipino sa Roma ay  isang panawagang  i-abolish ang sistemang walang malasakit sa kumunidad at sa bansa ng Pork Barrel at kaalinsabay nito ay ang panawagan ng patuloy na pagkaka-isa ng mga Pilipino maging sa ibayong dagat para sa ikabubuti ng bansa.Tunay na: “Nasa pagkaka-isa ang tagumpay ng masa!” – pagtatapos ng mga organizers.
Umabot sa halos 500 Pinoy ang lumagda sa 3 oras na signature campaign sa Urbana.

Mangyaring makipag-uganyan sa pamamagitan ng mga nabanggit na grupo sa pagpapatuloy ng nasabing inisyatiba.



Sunday, August 25, 2013

Successful Signature Campaign: Abolish PDAF / Pork Barrel

August 25, 2013 ·  · Taken at Chiesa Basilica Di Santa Pudenziana


Mga kababayan,

Ang matagumpay na pangyayari sa araw na ito bilang isang yugto ng ating pagkaka-isa sa pagpapahayag ng hinaing ay isang hudyat ng makabuluhang sistema na unti-unting magpapabago sa ating lipunan. 


Tayo ang simula sa pamamagitan ng pagsasama-sama na uugit sa makatarungang pamayanan bilang mga nagkakasundong mga Pilipino. Isang pagdakila sa inyo mga ka-OFW dito sa Italia ang aming ipina-aabot. Nawà ay patuloy tayong magkaroon ng mabuting ugnayan sa pagbalangkas ng mga ganitong simulain. 

Pasasalamat sa inyong suporta sa panawagan na i-abolish ang sistemang walang malasakit sa kumunidad ang Pork Barrel, at ka-alinsabay nito ay ang patuloy na kahilingan na magka-isa tayong palagi sa ganito man lamang na okasyon. 


MULI MARAMING SALAMAT PO SA INYONG SUPORTA!



Sumasa-inyo at patuloy na naglilingkod,



"THE PATRIOTIC COALITION"

_______________________                                                                                      Maharlika Alternative Society                                                                                      Migrante International                                                                                                    Bayan Rome Chapter                                                                                              
TaskForce - OFW                                                                                                          FederFil Italy                                                                                                               Umangat