Tuesday, December 1, 2015

Problems of Filipinos in Italy on Exit-Pass Resolved

Sa pamamagitan ng kahilingan ni Welfare Officer at Labor Attachè to Italy Ms. Loreta Bisquera Vergara, Nakipag-pulong sa mga lider ng kumunidad sa Roma si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz.

 Ang pangunahing tema ng pinag-usapan ay ang problema ng mga  Pilipino sa Italya hinggil sa exit-pass. Matatandaang halos tatlong taon ng suliranin ito at hindi malutas ng iba't-ibang mga grupo sa pamamagitan ng pagsulat at mga pagppo-protesta.

Hanggang sa noong Hunyo 14, 2014 ay nakipag-dialog ang TaskForce - OFW kay Labor Attache Atty. Viveca C. Catalig, na agad namang nagpadala ng sulat sa DOLE Head Office.

Tila walang aksyon sa kaganapan dahilan sa hindi maunawaan ng Ahensya kung ano ang talagang kahilingan bunga ng iba't-ibang bersyon na ipinadadala mula sa iba't-ibang grupo.

Noong nakaraang Disyembre 2014 ay muling pormal na sumulat ang TaskForce - OFW sa DOLE upang ibigay ang kabuoang detalye na ito ay sinamahan ng Endosrment mula sa Labor Attchè Atyy. Catalig.

Dahil dumating na ang panahon ng pagre-retiro ni Atty. Catalig, Itinuloy ni Ms. Vergara ang pagsuporta sa hinaing. Walang humpay ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa TaskForce - OFW upang mamagitan sa mga ahensyang kina-uukkulan ang DOLE at POEA. 

Subalit nahihirapan pa rin silang unawa-in ang kahilingan sa pamamagitan ng mga sulat, kaya't napagpasyahan na ito ay idaan sa isang masinsinang pagdinigg(hearing) upang mas maunawaan at mabigyan ng mabilis na aksyon.

Dumating ang tamang pagkakataon, nakasama sa delegasyon ng Panguloong Aquino ang DOLE-Secretary  kaya nagkaroon ng agarang pulong.

Sa naging talakayan ay nilinaw ng mga nagsidalo ang pagkaka-iba ng mga Pilipinong mandarayuhan sa ibang bansa partikular sa Middle East  kumpara sa Italia, ganoon din ang pagkakaroon ng pagkakaroon ng halos permanenteng paninirahan (Residence) ng mga dayuhan sa bansang ito(Italia).

Agad namang na-unawaan ng butihing Secretario ang usapin at nagbigay ng kagyat(immediate) na ka-utusan na baguhin ang sistema at i-ugnay sa talagang kalagayan ng mga Pilipino sa bansang ito(Italia)  ng hindi lalabag sa mga panuntunan ng ibang ahensya na may kinalaman sa mga aktibidad na nararapat baguhin. 

Halos maluha sa galak ang lahat ng sabihin ni Secretary Baldoz na "effective immediately" ang deriktiba, kaya lubos siyang pinasalamatan ng mga lider ng kumunidad sa kaniyang pagiging may pusong maka-OFW.

Narito ang mga bagong pamantayan na ipalalabas sa bagong Memorandum Order na kaniyang gagawin: 

Ang lahat ng Pilipino na magbabakasyon sa Pilipinas mula sa Italia ay mabibigyan na ng So-Called Exit-Pass, 

1.) Kapag walang trabaho(hindi naka-denuncia), basta't mayroong valid na:
       a. Passport
       b. Permesso di Soggiorno
       c. Certificato di Residenza
       d. Certificato di so-called Collocamento
       e. Plane Ticket

2. Kapag may trabaho / regola(naka-denuncia), basta't may valid na:
     a. Passport
     b. Permesso di Soggiorno (yung mga nasa process ng renew basta't naka-thumb mark 
          na sa Questura ay considered valid)
     c. Last Bolettino ng INPS / Busta Paga / Denuncia (Contratto di Lavoro) kapag bago ang               employer
     d. Plane ticket

3. Mga kabataang may sapat na gulang na nagta-trabaho subalit wala pang 23 taon, basta't           may valid na:
    a. Passport
    b. Permesso di Soggiorno (yung mga nasa process ng renew basta't naka-thumb mark 
        na sa Questura ay considered valid)
    c. Last Bolettino ng INPS / Busta Paga at Denuncia (Contratto di Lavoro) 
    d. Plane ticket

KARAGDAGAN:  Bilang pagbibigay pa ng konsiderasyon ay "abolish" na rin ang "verification" (sa zona na ito) at sa halip ay pa-iigtingin ang "registration" na lamang para sa POEA.

Ang motibo ay gaya pa rin ng naka-ugalian na "monitoring" upang mas mapangalagaan ng Ahensiya ang mga OFW dito sa Italia.



PAGPU-PUGAY:

Maraming salamat sa tulong at pang-unawa DOLE- Secretary, Rosalinda Dimapilis-Baldoz. 

Salamat Atty. Viveca C. Catalig sa tulong(endorsement) sa aming initiative na ito bago kayo nag-retiro. 

Salamat Ms. Loreta Bisquera Vergara sa walang-sawang pagsuporta. 

Higit sa lahat ay sa Nag-iisang DIOS(Allah); Maraming Salamat Po! 



Ang iba't-ibang mga asosasyon na dumalo sa biglaang  pagdinig: 

OFW Family Party-List
TaskForce - OFW 
Maharlika Alternative Society
Mission Driven International
DGPII - Dangal Guardians
Umangat-Migrante
GBII - Guardians 
Values Formation 
Benguet Association
Cordiliera Association
Sta. Catalina Association
International Education Center
Jess A Minute Pinoy Radio Italia

Muli ay minsan pang napatunayan na hindi ang arogansa ang lulutas sa ating mga problema, Sa halip ay ang masinsinan at seryong pakikipag-talastasan!


Roma Italia
01 Disyembre 2015

Saturday, October 3, 2015

OFW in Malaysia held captive by employer seeks the help of labor officials for repatriation

Press Release:
October 3, 2015
A Household Service Worker who was recruited by a local recruitment agency has sought the help the DOLE Secretary Rosalinda Baldoz and DFA Undersecretary Jesus Yabes, Office of Migrant Affairs for her repatriation to the country as her employer is holding her hostage and refuses to release her to the Philippine Labor Office in Kuala Lumpur, Malaysia.

Through the Facebook account of the OFW Family Part-List in Italy,  Ms. Lorelie L. Salino posted her request for repatriation after her original contract was substituted by the foreign recruitment agency (FRA) upon her arrival lowering her salaries and removing the day/rest day provision in the original contract she signed with the local agency Philcango International Recruitment Agency.

Her employer also prevented her from sending money to the Philippines and this further strained their relationship. Soriano’s calls to the local agency has fallen on deaf ears and she feels that PhilCango is avoiding her request for repatriation thus she posted on the FB account of OFW Part-List Italy Chapter.

Her employer refuses to turn her over until she pays the recruitment cost for her deployment to Malaysia by PhilCango International.

Roy M. Seneres, Jr. President of the OFW Family-Party List wrote Labor Attache Elizabeth Maria Estrada to Malaysia to look into the matter and fired off the same letter to DOLE Secretary Rosalinda Baldoz copy furnished to the OUMWA of the DFA.

Datuk Felix M. Landicho Jr., KRSS  Chapter President of the OFW Family Party-List in Italy forwarded this request to recruitment consultant Emmanuel Geslani.


Pls. refer to: Mr. Manny S. Geslani, +639175770630, +6390887861846

Sunday, September 20, 2015

OFWs in Italy request Sunday operating hours at Philippine Embassy and Consulates in Italy


Press Release:
September 20, 2015
A migrant OFW group in Rome has requested the Philippine Embassy in Rome and the consulate in Milan to open on Sundays so that working OFWs in Italy can attend to their passports and other documentation needed by their families in the Philippines.

The OFW Family Party List Chapter in Italy represented by Datuk (Sir) Felix Mendoza Landicho Jr., KRSS Chapter President formally presented a letter to the current Ambassador Domingo Pradiz Nolasco Philippine Ambassador to Italy and San Marino to open the embassy and consulate office on Sundays so that thousands of Filipinos working in Italy as full-time carers or household workers can take care of their requirements like passports and authentication of their documents.

In the same letter request Mr. Landicho sought the approval of Ambassador Nolasco the authentication of documents to be free of charge for OFWs as this in additional expense for the OFWs noting that the decline of the Euro has affected their living expenses in Italy.

The OFW Family Party List Italy Chapter was recently opened by Mr. Landicho after his meeting with the founder of the OFW Family Club Party List, Ambassador Roy V. Seneres now Party-list Representative in the House of Representatives.


Pls. refer to: Mr. Manny S. Geslani, +639175770630, +639088761846

Wednesday, September 2, 2015

OFWs in Italy start signature campaign to oppose BOC plan on boxes



Press Release:


The House Committee on Overseas Workers Affairs start today an investigation on the p-previous plan of the Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina to randomly inspect Balik Bayan Boxes of OFWs which has ignited a world-wide protest from millions of OFWs.

A coalition of the OFW Family Party List and the Federation of Filipina Women in Italy have started a signature campaign in Rome and key cities in Italy to signify their vehement opposition to the Bureau of Customs plan to inspect Balik Bayan boxes.

Despite an order from President Aquino to Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina to use electronic means to detect suspicious or dutiable items inside the boxes OFWs in Italy are still cautious on the plan of the BOC to inspect the boxes and to add additional taxes on their belongings sent to their families in the Philippines.

Newly appointed OFW Family Party List Representative to Italy by Rep. Roy Seneres, Sr. Mr. Junn Felix Landicho of Task Force OFW - Italy said that his members will continue the signature campaign started last Aug. 30, 2015 as their protest to the previous plan of BOC to inspect Balik Bayan Boxes.


Here is the statement from OFW Family Party List:

Mga kababayan,

Bagaman at binawi na ni Pres. Noynoy Aquino ang paglapastangan ng Bureau of Customs sa ating mga pinagpawisang Balik Bayan Box ay tuloy pa rin ang pangangalap natin ng mga pirma ng pagtutol. Ang isa sa mga pinagbasehan ng Presidente sa pagbawi nito ay ang ma-agap na pagtutol ng "OFW Family Partylist" sa pamamagitan ng sulat ni Rep. Amba Roy Seneres mismo sa Presidente at ang dialogo niya kay Commissioner Lina. Ito ay sinundan ng malawakang protesta "rin" ng ibat-ibang asosasyon / samahang OFW na isa sa mga nagpatunay na tayong lahat ay nagkaka-isang tumututol sa aksyong ito ng tanggapan ni Lina. Maaaring sabihin na bakit pa tayo magsasagawa ng ganitong pagkilos, Subalit ito ay pagpapa-abot na hindi tayo nagbibiro sa mga aktong makapipinsala sa dignidad at karapatan nating mga OFW at Pamilya. Kaya tuloy po ang kampanya ng pagtutol sa maaaring gawing balintuna ang pangako ng Presidente Aquino. Nangako rin siya na ipatitigil ang 550Terminal fee integration na tahasang panloloko ng pamunuan ng MIAA na si Horado. Nangako na ang Presidente, Kaya tayo ay pumirma upang ito ay huwag ng bawiin pa.

Ipagpatuloy ang laban, lumagda para sa ating karapatan!


TaskForce - OFW                                                                                                     
OFW Family Partylist
Fed. of Women in Italy
https://www.facebook.com/events/870686499666325/


Pls. refer to: Mr. Manny S. Geslani, +639175770630, +639088761846

Thursday, August 6, 2015

Pag-asa, Kakampi at Sandigan ng OFW

Habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga OFWs na nasasadlak sa suliranin.

Ang kanilang pag-asa na makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa pamilya ay tila nagiging panaginip pa rin na maituturing.

Nakalulungkot na sa mga ganitong pangyayari ng pagkapariwara ay bantulot silang lumapit ng direkta sa ating mga Pasuguan upang humingi ng tulong.

Bakit tila may pangamba na bumabalot sa kanila?

Hindi ko ma-arok kung bakit parang mas natatakot silang lumapit sa mga ahensya o tao na dapat ay maging kakampi nila sa gitna ng mga problema.

Ganoon pa man naririto tayo na maninindigan at mamamagitan upang sa ganoon ay mapalawak natin ang sapot ng pagtutulungan.

Umasa kayo na sa abot ng ating mamakakaya, kahit na magkalayo ang agwat ng ating kinaroroonan, narito kami na kayo ay handang tulungan.

Gagawin namin ang lahat ng buong lakas at ka-alaman upang ma-isalba kayo sa tiyak na kapahamakan.

Bagaman at hindi kasimbilis ng inyong ina-asahan, subalit malumanay man ay may katiyakan na makakamit ng bawa't isa ang katarungan sa tulong na rin ng may malasakit nating mga kaibigan.

Thursday, July 30, 2015

SONA ng Pres. Benigno S.C. Aquino 3rd 2015

Muli kong binalikan ang nakaraang SONA (State of the Nation Address) ng Pangulong Benigno S.  Aquino III.

Paulit-ulit kong inarok ang damdaming kanyang iniuukol sa mga mamamayan sa pamamagitan ng kanyang talumpati. 

Mapapansing marami siyang puna sa mga nagdaang adminstrayon, bagama't mayroon din naman mgagandang pananalita lalo pa at patungkol sa sinasabi niyang mga nagawa at sa kaunlarang kaniyang tinalakay.  

Bilang Presidente ay nauunawaan natin ang kaniyang kalagayan, hindi biro ang mamahala sa isang bansa. 

Subalit sa sulok ng kaniyang pagpapahayag hinahap ko ang mga kataga patungkol sa mahigit na pitong milyong OFW na kanilang binigyan ng kategoriya bilang mga bagong bayani ng bansa sa makabagong panahon. 

Subalit wala akong nahagilap, kahit isang lunggati ng pagbati ay hindi kinakitaan ang okasyong yaon. 

Hindi na natin hinahangad ang mapasalamatan, subalit marahil naman kahit papaano ay dapat mabigyan ang kaunting pag-alala hindi na ang pagiging bayani na sila rin lamang naman ang umimbento kundi bilang mga Pilipino na namumuhay ng malayo sa lupang kaniyang sinilangan. 

Subalit wala, Wala akong narinig at sa aking pagbabalik tanaw ay wala rin akong nabasa. 

Napakasakit sapagka't batid natin ang mga kapahamakang bunga ng halos kapabayaan ng mga nanunungkulan sa ating pamahalaan ang kinasasadlakan ng maraming OFWs sa bawa't panig ng mundo.

Maraming mga mali at masasaklap na  pagtrato na kung magka-minsan ay ang atin mismong mga pasuguan (embahada o konsulado) na itinalaga ang siyang nagunguna sa pagduhagi sa ating mga  kapuwa Pilipino. 

Hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha sa tuwing ma-alala na sa kabila ng kinasadlakang ito ng marami nating mga kababayan dulot ng kanilang kapabayaan, ay hindi man lamang nabanggit sa kaniyang palatuntunan at sabihin man baga kahit pakunwari na "kumusta na kayo"? 

Bakit ganoon? Ito ang aking katanungan. 

Wala bagang bahagi ang mga OFW sa ating lipunan.

Sila baga ay mga anak na pinabayaan bagaman at hindi naman mga lumayog na alibughà? 

Nakalulungkot papa-alis na siya, iiwan na ang tungkuling kaniyang tinamasa sa pamamagitan ng mga mabulaklak na pangako.

Nasaan?

Nasaan na ang bunga ng mga katagang "kayo ang Boss ko"?  

Nasaan ang sinumpaang ipagtatanggol ang bayan ng na-aayon sa Saligang Batas? 

Nasaan ang tunay na pagkalinga sa mga OFW na nakikipamayan sa ibang lahi dahilan sa halos walang puwang ang magkaroon ng ma-ayos na pamumuhay at ika-bubuhay  sa sariling bansa?
  
Ginoong Presidente nakalulungkot isipin na kaming mga OFW na kahit sa hindi sinasadyang paraan ay malaki ang ambag sa ating bayan.

Kami na sinasabi ninyo sa pamamagitan ng mapang-akit na katagang "mga bagong bayani".

Kami na mga lihitimong mga Pilipino.

Kami ay iyong pinababayaan o kundi man ay talagang kinalimutan!

Thursday, July 23, 2015

Senior OFW (Overseas Filipino Worldwide)


Sa nakalipas na mga panahon ang mga Senior OFWs ay nagkaroon ng malaking bahagi sa ating lipunan, at sila ay naging tunay na ka-akibat sa pasanin ng ating bayan. 

Matapos na mapakinabangan ang kanilang ambag ay nararapat na atin itong tugunan at bigyan sila ng sapat na pagkalinga. 

Sila higit kaninoman ang nangangailangan ng ating gabay at pagmamalasakit. 

Kaya bilang katuwang na magtataguyod ng pamayanan ay nais kong isulong ang mga bagay na makapagbibigay sa kanila ng tunay na pagtangkilik. 

Gagawin natin at ipagbibiyaya sa kanila ang mga nararapat na welfare at interes upang pangalagaan ang kanilang kalusugan. 

Ang Senior OFWs ay minsan nating nakatuwang, ngayon ang tamang panahon upang sila'y alalahanin at agapayan! 

Tayo man ay darating sa kalagayang kanila ngayong kinaroroonan.

Monday, July 6, 2015

Hanap-buhay, edukasyon at kalusugan ang pangunahing kailangan ng bayan.

Ang isang pamayanang napabayaan at tila nilimot ng kaniyang pamahalaan ay nagkakaroon ng damdaming mag-aklas laban sa kanyang pamunuan, sapagka't sa kaniyang puso ay sumisibol ang damdamin ng ka-apihan. 

Ito naman ang kinakasangkapan ng mga mapagsamantala upang sila'y linlangin at gamitin sa pansariling paghahangad. Ang ay mithiing agawin ang pamumuno  upang ipataw ang sistemang kanilang binalangkas upang pamatnugutan ang kanilang pamantayan ng paghahari. 

Ang bayang sakbibi ng panghahamak ay madaling marahuyo sa pangakong kalayaan. Bagama't ang kalayaan ito ay tinatamasa na ngunit nalalambungan naman ng pagsasamantala kung kaya ina-akalang  ito'y hindi pa nakakamit. 

Sa kalagayang ito, nararapat na mag-isip ang mga tunay na may malasakit. Kailangang kumilos upang iligtas ang bansang hilahil sa pandarayukdok ng magkabilang panig na ang nais ay ilubog sa pagka-alipin ang kanilang mga kapatid na ang tanging nalalaman lamang ay ang mamuhay ng payak sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. 

Ang sitwasyong ito ang nagtulak upang aking paka-limiin ang pagdamay sa mga nagdaralita dahilan sa ang tapat na pagtulong at pagmamalsakit ang isa sa pinakamabuting paraan upang masubhan ang apoy ng hinanakit sa puso ng isang simpleng kumunidad na nakararanas ng kapabayaan. 

Hanap-buhay, Edukasyon at Kalusugan, Ito ang pangunahing dapat bigyang pansin ng mga kina-uukulan upang ang taong-bayan ay huwag ma-akit na suwagin ang gobyernong siya rin ang pangunahing kabilang dahilan sa ito ay kaniyang pag-aari. 


Sa kaunting kakayahan, Sa kalagayan kong walang katungkulan ay sinisikap kong ipa-abot sa maliliit na kababayan ang aking nakakayanan upang sa ganoon kahit man lamang sa pamamagitan ng aking munting pagkatao ay madama nila na mayroon palang naka-uunawa sa kanilang kalagayan, Na hindi pala naman nakalihis ang landas ng kanilang pamumuhay sa halip ay ka-agapay pa rin at kabilang sa isang katawang pambansa na tumatahak sa bulaos patungo sa isang masaganang liwasan. 

Hindi pa huli, Sama-sama tayo, Ibabalik natin ang dignidad ng ating bansa!

Wednesday, July 1, 2015

One of my ka-Barangay ask me an squeamish question

Q. KUNG,  Ikaw ang nasa katayuan ng Mayor sa ngayon,  at dumating ang ganito na pagkakataon na nagpapahayag sila(foreign company) ng pag mimina sa lupain ng Lobo,  Ikaw ang Mayor, at nagtitiwala sa iyo ang mga mamamayan ng Lobo na harangin upang hindi matuloy ang pagmimina na iyan,  Ikaw ang AMA,  ITUTULOY MO PA DIN BA GAYONG NAKITA MO ANG IYONG MAMAMAYAN  NA NAGKAKAISA PARA HINDI MATULOY ANG PAG MIMINA?    Ano ang gagawin mo?




A. Simple, gaya ng sabi nga niya(current Mayor) na tayo ay nasa demokratikong bansa, Dapat ang masunod ay ang mas nakararami, Kaya bilang Mayor, Hindi mahirap para sa akin ang mag-conduct ng isang plebisito para papag-desisyunin ang bayan! Kaya iyan dahil may pera naman ang munisipyo na gugugulin, Ganun pa man, Dapat ding balanse bilang ama, Ilatag ang propaganda ng anti at gayon din ang pro, Dapat malaman ng lahat ng mamamayan kung ano ang mabuti at masamang dulot ng pagmimina, Bayan ang magpapasya hindi ako!  --  (if)I'm the Mayor!

Sunday, June 21, 2015

PETITION TO HINDER THE MINING OPERATION IN LOBO BATANGAS

LOBONIANS IN ROME ITALY
Via Farini, 16 – 00185
Roma Italia


- FOR : The Hon. Gov. Vilma Santos-Recto
            Governor Batangas Province
            Provincial Capitol Bldg., Batangas City
            4200  Philippines


- FROM : LOBONIANS IN ROME ITALY
                Petitioner
                Represented by the Organizer, Ms. Cynthia Facelo Ilagan


 -and-


 - TASKFORCE – OFW INTERNATIONAL


 ***********************Intervener*********************** 


 DATE : June 20, 2015



SUBJECT: PETITION TO HINDER THE MINING OPERATION IN LOBO BATANGAS



COME NOW, Petitioner, LOBONIANS IN ROME ITALY herein represented by CYNTHIA FACELO ILAGAN, Filipino of legal age, and presently residing at Via Pier Luigi Sagramoso 52, Rome Italy; 

 -and- 

Intervener, TASK FORCE - OFW INTERNATIONAL, a duly registered and active association before the AGENZIA DELLE ENTRATE, otherwise known as SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION-SEC (as identified in the Philippine Agency), with Registry No. Fiscal Code 97797760580; herein represented by FELIX MENDOZA LANDICHO, JR., Filipino, of legal age and presently residing at Via Bernardino Bernardini, 22 - 00156 Rome Italy, after having been duly sworn to, in accordance with law, do hereby submit the foregoing PETITION TO HINDER THE MINING OPERATION IN LOBO BATANGAS, and hereby manifest with strong opposition for the current situation of this matter, thus: 


I. STATEMENT OF FACTS 


The undersigned Petitioner and Intervener clearly state: 

a. That the people of Lobo presently migrants in Italy particularly in Rome explore their concern in the home town; 

b. That since they observe worsening situation about the said mining operation; 

c. That in reality this operation is not applicable to their small town; 

d. That base on their observation when we continue the mining operation it will bring disaster to the       entire area such as follows: 
 i. Destruction of environment and natural resources, that kill our tourism identity. 
ii. Rise up of air pollution. 
iii. Water contamination from chemical waste. 
iv. Continuous damage of infrastructure due to passage of heavy loaded trucks and machineries. 
v. Diminishing production of the fruits that gave our identity like “ATIS”, banana, coconut, tamarind, rice, corn and etc. 
vi. And many more that confer risk for our next generation. 

e. That the matter has not been given due course until this petition is filed and submitted to the Batangas Governor's Office through the Governor, Hon. Vilma Santos-Recto. 




 II. THE LEGAL BASIS OF THE PETITION 


The undersigned PETITIONER and INTERVENER have filed this petition base on the following: 

 1. They are legitimate Lobonians. 

 2. Thru peoples initiative, this petition has associated of more or less than hundreds of peoples signatures “in Rome only”. 

 3. As OFWs or mga Bagong Bayani, they're concern to their families in the home town which are    more affected. 

 4. They have investments like houses, farms, religious and sports concern like “tuklong”, basketball     court for the youth, and etc. 

  5. Upon retirement they will go back to their beloved barangays. 



III. DISCUSSIONS AND ARGUMENTS 

 1. The Sangguniang Bayan of Lobo give their permission to the mining Company without prior consultation to their constituents; Due to lack of transparency the Resolution 2015-26 come into force.               **copy of the resolution attached 

 2. Some of Barangay Officials are still silent regarding the issue; Can be called mysterious act and lack of sympathy for their people, because they did not give any single information since the   beginning. 

 3. This honorable officials apparently deceived the people of Lobo Batangas. They did against the conscience of patriotism and pro-environment. 



 IV. PETITION 


From the above discussion, It is thus crystal clear that the Sangguniang Bayan and some Barangay Officials have arrogated upon themselves judicial functions in excess of their mandate. Thus, they have acted “same as” violation. It is a grave abuse of discretion amounting for giving way of mining operation, falling squarely into the proper subject for the PETITION TO STOP THE MINING OPERATION IN LOBO BATANGAS, BY ABROGATING THE RESOLUTION 2015-26



 V. PRAYER 


Petitioners and Intervener would like to submit the following prayers: 

1. Granting the CONSIDERATION TO STOP THE MINING OPERATION IN LOBO BATANGAS; 

2. Granting the creation of an INDEPENDENT CONSULTATIVE BODY, equally represented by the elected representatives of affected barangays; 
      **not the barangay officials 

3. Granting other powers and authorities of the INDEPENDENT CONSULTATIVE BODY to achieve the ultimate purpose of this matter. 



VI. CONSIDERATION 

The Lobonians believed and consider that the good governor is the mother of the Province and the Lobo Town is one of her son in trouble. For this reason they are strongly ask for a justified consideration. 


20 June 2015 
Rome, Italy 




LOBONIANS IN ROME ITALY 
PETITIONER

        Signed           
Ms. Cynthia Facelo Ilagan 


TaskForce – OFW International 
INTERVENER
               Signed                
Hon. Datuk  (Sir)  Felix Mendoza Landicho Jr., KRSS 



 C/C: 

Office of the Provincial Vice Governor 
Batangas Provincial Capitol 
P. Herrera Street, Batangas City , 
4200 Philippines 

Office of the Regional Director DENCRIS 
Business Center National Highway 
Brgy. Halang, Calamba City 
Laguna, Philippines 

Office of the Municipal Mayor 
Poblacion Lobo 
Batangas Philippines 

Office of the Sanguniang Bayan 
Poblacion Lobo 
Batangas Philippines 

Greenpeace Italia 
Via della Cordonata, 7 
00187 Roma Italia

   
  

Sunday, May 17, 2015

Maharlika Award of Excellence 2015

The Maharlika Alternative Society Award of Excellence is given for His / Her distinguished accomplishment of being a "Model Senior OFW / Citizen " due to their achievements and unselfish contribution to lead and protect the rights and welfare of the people  / community until their age of retirement. 

 CRITERIA: 

A. Must be a Filipino or with dual citizenship, Male and Female age of 65 years and above. 

B. Must be nominated by others and/or Organization. 

C. Must submit a chronological history of being active in small or big community / organization (ex. Religious, Civic, Government, Cooperative, Political etc.) in relation of adherence to the Filipino people and achievements and/or contribution for the development or any patriotic attitude regarding Filipino condition. 

D. Must submit a chronological history of being active in relation of adherence to the Filipino people and achievements and/or contribution for the development or any patriotic attitude regarding Filipino condition ( if he/she is not being been involve to any community/organization). 

E. Must submit at lest 10 photos of different time of activities. 

F. Must also submit a photo copy of  Philippine documents (ex. Passport, SSS-ID, Drivers License, Voters-ID etc.). 

G. Nomination will start on every 1st day of January and must be submitted before the 15th day of the month of April.

 Note: The indefinite titles Gat. (for men's category) and Lakambini (for women's category) are given to the chosen person to recognize his/her heroic achievements. 



For information please contact: 

"Maharlika Alternative Society" 
("TaskForce - OFW International") 
Email: taskforceofw@gmail.com 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 The Awardee in the second edition was held in Parrocchia S. Giuseppe Cafasso, 
Via Camillo Manfroni, 2  - 00177 Rome Italy
  is  Gat. Narciso Robillos Salazar, of "Calaca Filipino Community" - Rome Italy.












Wednesday, May 13, 2015

KKK - Katapatan ang Kailangan upang makamit ang Kaunlaran

May pera tayo, at ganito lamang kasimple ang ilustrasyon kung paaano tayo may pera. Ngunit nasa namumuno ang mas malaking problema. Kung ilalagay lamang sa tama ang pera, walang maidadahilan ang mga mapanghimok upang mag-rebelde sa bayan!

Dapat balanse ang lipunan, magbayad ng tamang buwis ang mamamayan, mula sa pinaka-mahirap hangganng sa pinaka-mayaman, At pagkatapos ipa-iral ang matapat na pamamahala!

Angat pa Pinas!

Posted by Department of National Defense - Philippines on Wednesday, May 13, 2015
MERIT: https://www.facebook.com/DNDPHL

Saturday, May 2, 2015

Be a member, Be proud and protected!

NOTE: Please fill up completely this application forms, lack of completion will be rejected. We guarantee you that your personal data will remain confidential except your complete name for publishing purpose. The list of chosen member or associate shall be published in this page!

Courtesy of: 123 Contact Form
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||

Monday, April 27, 2015

Mga Payak Na Tanong At Sagot Tungkol Sa BBL

Noong nakaraang linggo sa pagdiriwang ng 12th Anniversary ng DGPII (DANGAL GUARDIANS) na ginanap sa Roma ay tinanong ang inyong lingkod  ng ilang  mga Guardians Cagliari Chapter tungkol sa Bangsa Moro Basic Law (BBL)

Tanong: Pabor po ba kayo sa BBL?
Sagot: Wala akong tutol diyan kaya masasabing ito ay aking  pinapaboran, Subalit hindi ako sang-ayon sa kanilang proseso. 

Tanong: Bakit po hindi kayo sang-ayon sa proseso?
Sagot: Kasi kundi man mali, sa tingin ko ay kulang yung  sistemang ginagawa. Hindi balanse,  kapansin-pansin kasi na tila may pinapaboran, parang may lihim na itinatago eh.  Isa pa kaya naman natin, hindi na kailangang maki-alam pa ang ibang bansa lalo na ang Malaysia.  Ito ay usaping panloob kaya tayo mismong mga Pilipino ang dapat lumutas nito at kaya natin, ang kailangan lamang ay maging balanse ang matataas na opisyal ng ating pamahalaan lalong-lalo na ang Pangulo.

Tanong: Naniniwala ba kayo na ang BBL ang solusyon para makamit ang kapayapaan sa Mindanao?
Sagot: Oo, "KUNG" itutumpak ang proseso gaya ng nabanggit ko na at higit sa lahat nararapat na gawing pangkalahatan ang usapin.

Tanong: Ano pong pangkalahatan?
Sagot: Yung lahat ay kakausapin hindi isang grupo lamang, Iyan ang nais kong tukuyin na pangkalahatan, Gaya ng MNLF, MILF, BIFF, mga Lumad(katutubo at lihitimong Mindanaoan) lahat... lahat ng iniisip nating nagri-rebelde. Dapat iyan ay kasama sa pag-uusap dahil lahat sila ay apektado, Eh papaano nga kung pumasa ang BBL na ang kasangguni ay MILF lamang, Sa palagay mo hindi naman magre-request ng panibagong pag-uusap ang MNLF? Alalahanin ninyo mayroon ng ARMM at ito ay maayos naman sa loob ng maraming taon.

Tanong: Kung kayo ang tatanungin, dapat bang ipasa na agad ang BBL?
Sagot: Hindi muna sana, dapat huwag muna, mas mainam na pag-aralang mabuti kasi maapektuhan ang ibang mga concern, maiiwan sila at malaki ang posibilidad na magdamdam, kaya sa palagay ko pag nagka-ganoon, lalong gugulo sa halip na kapayapaan.      Identified Balik-Islam ako,    kaya matimbang pareho sa akin ang dalawang grupo, ang MNLF at MILF, at hindi lamang sila kundi ang lahat ng Mindanaoan. Kaya kung magkakaroon ako ng karapatan na makapag-payo, igigiit ko na dapat ay konkretong pagkaka-isa (perfect unity) ang gawin upang sa ganoon  mas mapa-paigting pang lalo ang ating malasakit hindi lamang sa Mindanao bagkus ay sa buong Pilipinas.

Tanong: Sa palagay ninyo, kung sakaling hindi pumasa ang BBL, may pag-asa pa ba sa kapayapaan o may alternative po ba?
Sagot: Oo meron, na kung ito ang gagawin sa palagay ko ay mas epektibo, una i-modify ang ARMM, pangalawa isama ang lahat sa dialogo o pag-uusap upang sa ganoon ay makabuo ang isang pagkalahatang pagbalangkas, pangatlo tutukan sa agenda ang "welfare, education, health, trabaho at pabahay" at kapag napagkasuduan na iyan, saka naman iyong tungkol sa paghawak ng kapangyarihan na sasang-ayunan ng ating konstitusyon.  Malaki ang magagawa kasi kapag stable muna tayo sa Mindanao, yung mga panlabas na problema natin gaya ng Spratly at Sabah, ay makakaya na nating harapin kapag naibalik na ang ating katatagan.

Tanong: Papaano po natin mahaharap ang mga  iyan lalo na ang China at Malaysia,  mayaman sila at malakas?
Sagot: Kaya lang naman malakas ang loob ng mga iyan dahil nakikita nila na hindi pa  tayo nagkaka-isa. Maniwala ka kapag na-solid tayo, kayang kaya nating itaboy ang mga iyan, lalo na ang Sabah, parang kidlat sa bilis na mababawi natin. Madali naman pagka-isahin ang ating mga rehiyon, Ito ay kung magiging balanse lamang ang namamahala sa ating pamahalaan at magiging makatarungan sa pagtrato sa mga mamamayan mula sa kaliit-liitang nayon hanggang sa malalaking mga syudad.

Tanong: Last na po!  Bakit po maraming nagre-rebelde, iba ibang grupo at mabilis dumami ang mga ito, may NPA, Abusayaf, BIFF, MILF, MNLF at mayroon pang Ilaga?
Sagot: Simple lang, kakulangan sa tamang edukasyon, sapat na ikabubuhay at ang di pagkakamit ng katarungan. Kung sapat ang ka-alaman ng isang mamamayan sa takbo ng lipunang kaniyang ginagalawan, sa palagay mo pwede kaya siyang linlangin ng  mga grupong hihimok sa kaniya para lumaban sa pamahalaan, lalo't batid niya na bahagi siya mismo ng pamahalaang ito? Sa palagay mo kung may sapat na sahod, mababang gugol sa pangangailangang pangkalusugan at pag-aaral,  mga bilihing kung hindi man mura ay may balanseng presyo, makakakita ka kaya sa lansangan ng may dalang mga placard at sumisigaw?    Kaya... "kung" mapagtutuonan ng pansin ng mga namamahala sa pamahalaan ang  pagbalanse sa lahat ng ating mga nabanggit pangunahin na ang pangkabuhayan, mawawala ang rebelyon dahil madarama ng mga mamamayan ang kahulugan ng pagiging pantay-pantay sa lipunan.

Nagta"tanong": Salamat po "RMG Luwalhati"!
Suma"sagot": Sa inyo ako dapat magpasalamat, dahil sa pamamagitan ng simpleng pag-uusap nating ito ay maaari  ma-isiwalat ang ating saloobin na baka-sakaling makapagbigay ng kahit kaunting karagdagang ideya para sa progreso at kapayapaan ng ating bayan!

Saturday, March 28, 2015

Solusyon sa Suliranin ng Street-Children


Lubhang lumalala ang problema na nakikita natin para sa ating mga kabataang kapus-palad, ang mga tinatawag na street children na tila bagà mga sukal ng lipunan sa paningin ng mga mapanuring mga mata ng ilang mga mamamayan.

Bakit nga ba ganito ang ating mga lansangan sa lungsod? Sino ba ang dapat sisihin na ng  dahil sa kanilang kakapusan ay dumarami ang tila dumi ng kalsada? Sabi ng iba ay ang gobyerno, ayon naman sa mga mapanuri ay mga tamad raw ang mga ito kaya nasadlak sa ganitong mga kalagayan.

Nakalulungkot na ang magkabilang panig (gobyerno at bayan) ay nagsisisihan sa halip na magtulungan upang lutasin ang ganitong agam-agam na pare-pareho naman tayong apektado.

Kung pagtutunan ng pansin ng pamahalaan at makiki-isa ang mga mamamayan, madali lamang ang solusyon sa usaping iyan.      Ngunit papaano?

Matatandaang kamakailan ay  lumabas sa mga pahayagan ang di-umano'y pagtatago ng DSWD sa mahigit isang daang mga kabataang tinatawag nating mga  palaboy ng lansangan.

Ito ay dahil sa pagbisita ng Papa at tila nais ng gobyerno na maging maganda ang mamamalas ng panauhin mula sa Vatican kapagka ito ay namasyal (tour) sa ating mga pangunahing siyudad. Napa-ulat na gumastos sila ng halos 4.8 milyong piso upang pagtakpan ang katotohanang galaw ng ating pamumuhay.

Simple ang kanilang  ginawa nilikom ang mga kabataan, dinala sa isang piniling lugar at doon ay pansamantalang binigyan ng magandang buhay: pinakain, nilinis at tila dinamitan. Ngunit matapos iyon, pagkatalikod ng ating bisita, balik na naman sa dating pamumuhay ang mga nabanggit, ang mga kabataang nasa isang kalagayang tila nilimot ng Maykapal.

Sa puntong ito, dito natin simulan ang balakin, ang ginawa nila ang magiging giya natin upang lutasin ang panlipunang suliranin hinggil sa street children. 

Kung susuriing mabuti ang pangyayari, madali lamang palang soslusyunan ang bagay na ito, Sapagka't kung nakapaglabas sila ng pondo para sa pansamantalang kaligayahan na dulot ng pagmamapuri sa dayuhan, Bakit hindi magawang ang pondong iyan (na mayroon naman) ay i-gugol para sa panghabang panahong kalutasan?

Nasa pamahalaan ang pagpapasya, nasa kaniya ang kakayahan, siya lamang ang makagagawa nito, isang simpleng paraan na kung lilimiin ay tiyak na makapagdudulot ng kaginhawahan sa ating lahat.

SIMPLE:

  1. Maglaan ng sapat na pondo para makapagpatayo ng isang malawak at maginhawang  “village” sa karatig pook ng alinmang lungsod na sangkot, Isang “township” na nililibot ng matatag na bakod at mayroon lamang isang malaking tarangkahan (main gate).                                                                                                                                                                                   
  2. Sa nasabing village na yaon doon bubuoin ang isang malusog na kumunidad, Maglalagay ng mga klinika, paaralan (hanggang vocational), at maayos na pabahay (sapat na tubig, ilaw,  kumunikasyong pang-aliwan “wifi” at centralized television). Ang sapat na pagkain ay sa isang ma-aliwas at malinis na mess-hall makakamtan at  naroroon din ang malalaking screen ng telebisyon upang sila ay hindi mahuli sa mga pambansang kaganapan at pa-abiso.                                                                                         
  3. Kapag nakahanda na ang lahat, pwersahang dakpin (ipagpaumanhin ang terminong dakpin) ang bawa’t makikitang palabuy-laboy sa lansangan at dalhin sa nasabing “township” upang doon tamasahin ang biyayang sinasabi sa “bilang 2” na makapagpapabago sa kaniyang pananaw sa buhay.                                                               
  4. Ang mga maninirahan doon ay nararapat magkaroon ng minsan kada ika-60 araw na asembleyo upang magkaroon ng palagiang orientasyon o seminar sa ganoon hindi mawawala sa kanilang ka-isipan ang maggandang layunin kung bakit sila naroroon.          
  5. Maraming pakinabang (advantage) ang makukuha dito, partukular sa pamahalaan at malaking tulong din sa pagsugpo ng kriminalidad ang bagay na ito bukod pa sa makapagdudulot ng kagalakan sa mga mamamayan.  Anu-ano ang mga ito?
5a.)      Malilinis natin ng tuwiran ang lansangan, kung kaya mas gaganda ang imahe ng ating  bansa.
5b.)   Hindi na mangangailangang magkunwari kapag may dumating tayong panauhin sa pamamagitan ng napabalitang pagtatago sa ating mga sawing kabataan.
5c.)  Malulutas ang maraming usapin ng kriminalidad. Alam natin na halos ang mga kabataang nasa kalsada ay nagagamiit ng mga masasamang elemento upang palawigin at patatagin ang kanilang mga sindikato, kapagka nasa loob na ng pangangalaga sa nasabing “villlage” ang mga ito maka-iiwas na sila sa panganib na malulong sa kasamaan lalo’t higit ay sa masasamang bisyo.
5d.)     Maraming mga naglayas mula sa probinsya (sa personal nilang kadahilanan), Ang mga ito ay nagiging palaboy lalo’t hindi na niya makuhang bumalik sa pinanggalingan at ang iisa pa ay nasasadlak sa maling kakilala. Kung mapupunta sa nasabing “township” ang mga ganoon maka-iiwas sila sa kapahamakan at madali rin na matutunton ng mga kamag-anak kung siya ay hahanapin. Ngunit papaano kung kaya naglayas ay dahil sa pag-iwas sa kapahamakan gaya halimbawa ng:   pagmaltrato ng madrasto/a, abuso ng magulang, o tahasang pagtatago?  Iyan ang isa pang nasolusyunan, dahil siya ay nasa pangangalaga na ng nilikhang kumunidad, mayroong siyang kalayaan na mamili kung nais niyang bumalik sa pamillya o manatili sa bagong tahanan. Ang hindi lamang natin pinapayagan ay ang maging palaboy sila sa mga pampublikong lansangan, kung kaya nga sinisikap na bigyan sila ng ma-ayos at makatarungang pamumuhay.
5e.)   Magiging malusog ang ating bansa at lipunan dahil sila ay mabibigyan natin ng tamang edukasyon. Ang tamang edukasyon ang sagot upang limutin ang rebolusyon,  kung kaya malaking bahagi ng proyekto (kung gagawin) ang maibibigay nito para sa pambansang kapayapaan at kaunlaran.

  1. Paano naman ang mga mapapaloob dito, hindi kaya sila makunsinti sa katamaran at umasa na lamang sa pamahalaan habang nasa village, Sapagka’t libre ang tahanan, paaralan, at pagamutan at marami pang iba?   Ang sagot ay hindi sila makukunsinti sa katamaran,  Sapagka’t ang lahat ay dadaan sa proseso ng tamang disipllina.
6a.)       Sila ay sasanayin upang maging mahuhusay at makatarungang mga boluntaryo.
6b.)    Base sa kakayahan maaari silang ipadala(assign) sa iba’t-ibang larangan gaya ng: pagtulong sa paglilinis ng mga lansangan, metropolitan, mga pampublikong terminal,  pampublikong pamilihan at iba pa. Natural dahil sila ay nagsisipag-aral, ay bibigyan sila ng makatarungang oras para sa pagganap ng tungkulin (hindi trabaho) kaya may dignidad ang kanilang gagawin sa pang-araw araw at taas noo nilang masasabi maging sa kanilang sarili na hindi sila pabigat sa lipunan.
6c.)    Kapag ang isang township-member ay nakatapos ng vocational course na nasa loob din ng village, siya nararapat na mabigyan ng matatag at marangal na trabaho base sa kaniyang natutunan at kapag mayroon na siyang sapat na ika-bubuhay maaari na siyang magpasya na umalis ng village upang mamuhay ng payapa ng na-aayon sa kaniyang kakayahan. 
6d.)    Kung sakali at ayaw niyang lumabas ng pamayanan dahil napamahal na sa kanya ito at kinasanayan na rin, obligado siyang magbayad ng karampatang upa para sa kaniyang inu-okupang pabahay at iba pang benepisyo na ka-ugnay dito,  sa ganoon ay magiging parehas ang pagtrato sa kumunidad, ang mga wala pang trabaho naman  ay patuloy na magiging mga boluntaryo at muli ma-uusal nilang “hindi sila pabigat sa liipunan”.
6e.)    Ang mga boluntaryo may nararapat ding magtamasa ng gantimpagal na sapat para sa kaniyang personal na kaaliwan.

Ito ang napaka-simpleng bagay na kung gagawin lamang ay magiging isang mabuting paraan upang masolusyunan ang suliranin patungkol sa street children.

Kung nakapagpalabas ng pondo (ang DSWD) para sa pansamantalang kaginhawahan upang gamitin lamang sa pagkukunwari, Bakit naman hindi  maaaring pondohan ang pangmatagalang progreso na magdudulot ng kaunlaran, kapayapaan at magandang larawan ng ating bayan?

Kung makakapagbigay ng mahigit na 70bilyong pisong pondo para sa BBL at nakapagbigay bilyong piso din  sa iba pang aktibidades ng pamahalaan gaya ng PDAF, DAF at iba pang pinagkaka-kitaan lamang ng iilang opisyal, makakaya rin na makalikha ng ganitong halaga para sa kapakanan ng mga street children at iba pang mga karaniwang mamamayang kapus-palad.

Nasa atin ang kakayahan, ang pamahalaan ay dapat mag-isip para sa kapakanan ng bayan, ang mamamayan ay nararapat naman na maki-isa “kung” may mga ganitong magagandang simulaing nais ipatupad.


Magsama-sama po tayo, Ibabalik natin ang dignidad ng ating bansa!


      Datuk (Sir) Felix M. Landicho Jr., KRSS
             “COMUNARCHISM”